TRIGGER WARNING: This chapter contains obscene language, sexual assault, and violence. Proceed with caution.
Laurice.
"Happy birthday, Luis!" Sabay-sabay naming bati sa pamangkin ko matapos namin siyang kantahan ng birthday song.
Napatingin pa si Luis kina ate Rach at kuya Quen as if he was asking for their permission to blow the candle pa. "Go on buddy, it's your cake." Nakangiti namang saad ni kuya Quen dahilan para mapangiti kaming lahat nang ihipan agad ni Luis ang number candles na parang kanina niya pa iyon hinihintay na magawa.
Nasa backyard kami ng bahay nila. May kaunting decoration lamang sa paligid at iilang tables na sakto lang para sa mga bisita ni Luis dahil hindi naman tulad sa Pilipinas ang birthday celebrations dito sa America. Only Luis's closest friends are invited maging ang kaibigan din ni Kendra na si Yvo dahil kapitbahay lang naman nila ang batang iyon.
The feast eventually started after he blew the cake. Excited na sanang buksan ni Luis ang mga regalo niya pero hindi siya pinayagan ni ate Rachelle dahil kailangan ay kumain muna siya at ang mga kaibigan niya. Natawa nga ako dahil doon, his parents are still Filipinos and will always be Filipinos even though the kids grew up here in Los Angeles.
Kuya Quen led us to our table. Medyo malayo iyon sa mga pwesto ng mga bata para hindi awkward para sa kanila pero hindi rin naman ganoon kalayo para masupervise pa rin sila.
"Our kids are growing so fast, hon. Parang kailan lang kasing-edad pa lang natin si Luis when we knew each other, 'no?" Rinig kong sabi ni ate Rach kay kuya Quen habang pinagmamasdan nilang dalawa ang kanilang mga anak.
"You're right, honey. Parang dati lang nagfafamily planning palang tayo kahit 8 months palang naman relationship natin dati." Natatawang tugon ni kuya.
Tahimik na napatingin naman ako sa mga bata habang kumakain ng cupcake. And there is Kendra, I was her age when I first met him and Luis, sobrang bulilit pa nila noon. Ako ngang tita lang nila, nalulula sa fact na 'yon. Paano pa kaya ang mismong parents nilang nasubaybayan ang buong paglaki nila?
"Kayo ba Lori tsaka Baste, kailan niyong balak magkaanak?" Rinig kong tanong bigla ni kuya Quen sa'ming dalawa ng katabi ko. Sabay pa kaming napatingin sa kaniya dahil sa pagkabigla sa tanong niya! Nag-aalinlangang napalingon pa ako kay Baste when I he started coughing on his food like he choked or something!
"Uy gagi. Ayos ka lang ba, Baste?!" Natatarantang tanong ni kuya sa katabi ko at agad siyang inabutan ng isang baso ng tubig.
"I- I'm fine, kuya. Don't worry about me." Sagot naman kaagad ni Baste nang mahimasmasan siya matapos niyang uminom ng tubig. Agad na napaiwas ako ng tingin at napaayos nalang sa pagkakaupo nang mapalingon siya sa'kin, siguro napansin niyang may nakatingin sa kaniya.
"Oh my God, hon! That sounds so wrong!" Rinig kong saway ni ate Rach kay kuya Quen at mahinang napahampas pa ito sa braso ng kaniyang asawa.
"Teka, what's so wrong with that? I meant individually naman." Naguguluhang pangangatuwiran naman ni kuya Quen kay ate.
"Kahit na, mali pa rin choices of words mo." Bulong naman ni ate Rachelle sa kaniya pero rinig pa rin naman namin iyon. I just stuffed myself with cupcakes so my mouth would be full so I wouldn't be the first one to answer kuya's question dahil inulit niya pa rin ang tanong niya kanina at rineprhase lang iyon!
Sandaling binalot kami ng katahimikan matapos noon. Mauubos ko na yata lahat ng cupcakes na nakahain dito sa mesa pero wala pa ring sumasagot sa'ming dalawa. Aabutin ko na sana ang isang cupcake na natitira nang biglang may kamay na umabot doon. Blankong napatingin ako sa katabi ko when he started peeling the cupcake and immediately took a bite afterwards. Habang ngumunguya siya ay napatingin pa siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay na parang nang-aasar pa. Oh my God, this guy never fails to annoy me!
BINABASA MO ANG
LOVE IS WAR(M).
Teen FictionChildhood enemies and academic rivals, these are the words that perfectly define Laurice Concepcion and Sebastian Alejandre. But as they mature, they began to notice each other's undeniably spectacular qualities they never knew existed in each other...