Laurice.
Kinahapunan, excited akong umuwi dahil hindi ako makapaghintay na sabihin kina mommy at daddy ang resulta ng class ranking namin ngayong school year ngunit lahat ng excitement at saya na nararamdaman ko noong mga sandaling iyon ay naglaho nang pumasok ako sa aming bahay. Agad na bumungad sa'kin ang nakakabinging katahimikan mula sa loob matapos kong buksan ang pinto. Umalingaw-ngaw ang tunog ng aking susi at keychain sa paligid nang tanggalin ko iyon mula sa doorknob.
Noon, kahit hindi pa nakakauwi ang parents ko mula sa kani-kanilang trabaho ay parang buhay na buhay pa rin ang vibes ng tahanan namin dahil sa makukulay na kurtina at mga preskong bulaklak na pinapalitan araw-araw para idisplay sa bawat sulok ng bahay namin. Ngayon, hindi na. Napalitan na ng mga alikabok ang dati'y mga bulaklak na nakadisplay sa mesa. Lanta na rin ang mga halaman na nakalagay sa bawat sulok ng bahay namin dahil hindi na nadiligan ang mga ito ng ilang araw. Nakasarado rin ang mga bintana at nakababa ang mga kurtina na animo'y wala ng nakatira sa bahay na 'to dahil sa dilim ng paligid kahit na hindi pa tuluyang lumulubog ang araw.
Oo nga pala, hindi na kami tulad ng dati. Unti-unti na nga palang nawawatak ang pamilya namin. Paano ko nakalimutan iyon?
Pagod na umakyat ako papunta sa aking silid nang hindi binubuksan ang mga ilaw dito sa bahay. Tsaka na ako nagbukas ng ilaw nang makapasok na ako sa kwarto ko. Gustong-gusto ko nalang humilata sa kama dahil sa nanunumbalik na bigat na nagsisimula na namang bumalit sa buong katawan ko pero hindi ko ginawa. It's a golden rule for me shower first pag galing ako sa labas.
After, showering, nagbihis nalang ako at humilata na kaagad because I don't have the energy to do my skincare routine. Ilang minuto rin siguro ako nakatingala sa kisame, pinag-iisipan kung sasabihin ko ba kay mommy ang tungkol sa class ranking namin. In the end, I decided not to. Bukas nalang siguro para overall ranking nalang ang sasabihin ko sa kaniya, para isang sabihan nalang. I dont want to be... a bother to her.
I started to feel sleepy as I stared at the white ceiling of my room. Napatingin ako sa switch ng ilaw na nasa may pintuan pa ng kwarto ko. Should I turn the lights off? Pero, tinatamad ako. Parang hindi na ako makabangon sa kama ko dahil pagod na nararamdaman ko.
Ilang minuto ang nagdaan at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang makarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ko. Napatingin ako sa pink na digital clock na nasa ibabaw ng white na nightstand ko, it's already 11PM. May kumatok ba talaga?
I waited for a few minutes pero hindi na nasundan ang katok. Maybe I was just dreaming. Inayos ko nalang ang pagkakahiga ko sa kama at pipikit na sana ulit nang muli akong makarinig ng mahinang katok sa pintuan ko. Right, now I can say that I am not dreaming. May kumakatok nga talaga.
Tinatamad na bumangon ako at naglakad papunta sa pintuan. I was about to open the door nang maisip kong baka si daddy ang nasa labas, bubuksan ko ba talaga 'to? Ayaw ko pang makipag-usap sa kaniya. At baka hindi ko na ulit gustuhing makipag-usap pa sa kaniya kung makumpirma ko ang hinala ko sa kaniya.
"She must be asleep."
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng taong nasa labas ng kwarto ko. Si mommy! In just a flash, my door was wide open. Tila nabigla pa si mommy sa pagbukas ng pinto ko, mukhang paalis na rin kasi siya.
"M-mommy." Utal na tawag ko kay mommy nang magtagpo ang paningin naming dalawa.
I noticed how she heaved a deep sigh before a sly smile formed on her lips. She was not wearing her scrub anymore, a sign that she already arrived home maybe a few minutes earlier. Aside from that, I noticed that she was also holding something in her hand... a cake with a tiny pink candle lit up in the middle of it.
BINABASA MO ANG
LOVE IS WAR(M).
Novela JuvenilChildhood enemies and academic rivals, these are the words that perfectly define Laurice Concepcion and Sebastian Alejandre. But as they mature, they began to notice each other's undeniably spectacular qualities they never knew existed in each other...