Laurice.
Maingat na isinara ko ang pinto ng kwarto ko at tarantang sinundan ko si Cassie nang bigla siyang mag walk out tsaka nagmamadaling naglakad papunta ng terrace.
"'Wag mo 'kong sisimulan sa 'it's not what you think it is, Cassie' ha Lori? Sinasabi ko sa'yo!" Halata pa rin ang pagkagulat sa boses ni Cassie.
Napakamot naman ako sa ulo ko at agad na sinagot ang sinabi niya. "Wala naman akong sinasabi e." Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba talaga 'yon dahil baka lalo lang manggigil sa'kin si Cassie.
Nakapamewang na hinarap niya ako at napaawang ang kaniyang bibig ng magtagpo ang paningin naming dalawa. "Grabe, alam ko namang may something kayong dalawa pero hindi ko ineexpect na ganito na pala kalayo." Hindi niya makapaniwalang sambit.
Naguguluhan namang napatingin ako sa kaniya. Ano raw? Alam niyang may something? What does she mean?!
Sandaling natahimik si Cassie nang hindi inaalis ang tingin niya sa'kin. Napahalukipkip naman ako sa harap niya dahil parang binabasa na niya pati ang kaluluwa ko sa tingin niyang iyon! At dahil guilty ako, kung saan-saan nalang din ako napatingin para iwasan ang titig niya. Wow, white pala pintura ng bahay namin? Amazing!
"Anong klaseng best friend ka at hindi mo sinabi sa'kin?" Parang naibalik ako sa huwisyo nang muling magsalita si Cassie. Napahinga ako ng malalim at binigyan siya ng tapat na sagot.
"Hindi rin naman namin ineexpect na magiging ganito kaming dalawa. Ayos lang naman sa kaniyang ipaalam sa inyo kung ano ba talaga kami. Pero sa'kin, hindi pa. Alam niyo kung paano namin kaayaw ang isa't isa noon, tapos biglang kaming nagkaganito? Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa inyo. Baka mabigla kayo." I paused for a while to check if she's still listening to me. Naisipan ko namang magpatuloy nang makitang mukhang invested naman siya sa sinasabi ko.
Napatakip naman ng kaniyang bibig si Cassie. "My God, Lori. Biglang-bigla nga ako ngayon." Sarcastic na sabi niya.
"Pero... balak naman na naming umamin pag college na tayo. Iyon ang napag-usapan namin." Dugtong ko naman.
Napabuntong-hininga si Cassie sa harapan ko. "Bakit, Lori? Ano ba talaga kayo ni Baste, ha?" Nampapatitong tanong niya, naniningkit.
Napayuko ako sa harap niya at napatikhim bago magsalita. "Sebastian and I are in a relationship, Cassie." Pag-amin ko sa kaniya.
Tuluyan nang napaawang ang bibig ni Cassie sa kaniyang narinig. "Wow." She seemed speechless. "You don't even call him using his nickname! Grabe, parang ang dami nang nangyari!"
Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Marami-rami na ngang talaga, Cassie. Napangiwi nalang ako sa harapan niya, umaasang hindi niya ako i-unbestfriend dahil hindi ko pinaalam sa kaniyang may boyfriend na ako. Kaibigan pa namin!
Inalis niya ang isa niyang kamay na nakahawak sa kabilang side ng bewang niya at tinuro ang sahig. "Kailan pa 'to ha? Ilang buwan na ba kayong nagtatago sa'min?" Tanong niya pa ulit.
Feeling ko ay hindi ako tatantanan ni Cassie hangga't hindi ko pinapaalam ang details sa kaniya. Pag siya kasi ang nagkakaboyfriend, ako agad ang sinasabihan niya. Pero ang hirap naman kasing sabihin nung akin, nasa same circle lang namin! Paano ko sasabihin 'yon sa kaniya, 'di ba?
"After ng debut ko, sinagot ko na siya." Sagot ko naman sa kaniya.
Hindi makapaniwalang napatawa si Cassie sa kaniyang sarili. "HA-HA-HA! Sinagot mo siya after ng debut mo so you've been talking with each other na before your birthday? Wow, grabeee!" Mukhang hindi pa talaga maabsorb ni Cassie sa isip niya ang nga bagay na nalaman niya ngayon.
BINABASA MO ANG
LOVE IS WAR(M).
Teen FictionChildhood enemies and academic rivals, these are the words that perfectly define Laurice Concepcion and Sebastian Alejandre. But as they mature, they began to notice each other's undeniably spectacular qualities they never knew existed in each other...