Chapter 12

4 0 0
                                    

Maagang nagpunta si Lance sa kanilang paaralan. Nakalimutan kasi niya ang isa sa kanyang mga libro at doon nakasulat ang takdang aralin sana nila na ipapasa na nang araw na iyon. Naglalakad na siya papunta sa kanyang locker nang nakita niya si Alfred sa harapan ng locker ni Gab. May hawak itong papel at tatlong piraso ng Ferrero Rocher na tsokolate. Pinipilit nitong ilagay ang papel sa locker ni Gab habang ipinatong naman nito ang tsokolate sa taas ng locker ni Gab.


Pagkaraan ng ilang minuto ay naipasok na rin nito sa loob ang papel at iniwan na nito ang tsokolate sa itaas ng locker. Mabilis na tinungo ni Lance ang locker ni Gab at pasimpleng binuksan ang locker nito. Matagal ng alam ni Lance ang code ng locker nito at alam rin naman ni Gab ang code ng locker niya. "What are friends are for" ika nga nila.


Mabilis na hinalungkat ni Lance ang locker ni Gab. Agad na binuksan niya ang maliit na kahon na kanyang nakita at bumungad sa kanya ang isang sulat..


Hi! How was your day today, sunshine? I hope you had a great one as I had a great one too from seeing you from a far. Btw, I saw your pictures, they were all amazing. I love it. Wear that smile on your face always. – A

 

Mabilis pa sa alas kwatrong kinuha niya ang iba pang nakalagay sa kahon at napansing may iba pa palang sulat yung "A" na iyon sa kanya. Lahat may petsa kaya naman hindi na siya nahirapan pang alamin kung kailan iyon ibinigay. Hindi na niya kayang basahin pa ang iba dahil sa tindi ng selos na nadarama niya. Oo, nagseselos siya.

Agad na hinanap naman niya ang papel na pinasok ni Alfred sa locker ni Gab na kalauna'y nakita niya naman.

Good morning sunshine! I hope you'll have a nice day ahead. Btw, sana magustuhan mo yung Ferrerro Rocher chocolates, pinabili ko talaga 'yan para sa'yo. Nasa itaas ng locker mo. <3 –A

 

Hindi na namalayan ni Lance na nakarating na pala si Gab sa paaralan nila at ngayo'y patungo na ito sa kinatatayuan niya.

"Uy Lance! Anong ginagawa mo diyan sa locker ko? May kailangan ka?" Tanong ni Gab.

Mabilis na nailakumos ni Lance ang papel at tinulak palayo ang box ng chocolate sa itaas ng locker ni Gab.


She better not know any of this. Patay ka sa'kin mamaya, Alfred.

Tuluyan nang nakalapit si Gab sa kinaroroonan ko kaya wala na akong ibang magawa kundi ang lingunin siya.

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo diyan sa tapat ng locker ko?"



"Ah wala. Naghahanap ako ng Chemistry book. Naiwan ko kasi yung akin eh."


"Teka lang ha." Mabilis na kinuha ni Gab ang bag niya sa kanyang likod at binuksan ito na parang may hinahanap.


"Eto oh."


Sa oras na napasakamay na ni Lance ang libro ni Gab ay tumunog naman ang unang bell, sinyales na limang minutos na lamang at magsisimula na ang kanilang klase.


 "Salamat. See you this recess? Ililibre nalang kita since pinahiram mo naman ako ng libro mo." 


 "Uh okay. Sige. See you."Nilagpasan ni Gab si Lance habang si Lance naman ay mabilis na kinuha ang tsokolateng nasa itaas ng locker ni Gab at nagmamadaling naglakad patungo sa kanyang silid-aralan. 


Mabuti nalang at maagang nagdismiss ang Health teacher ni Lance kaya nang makapunta siya sa canteen ay wala pang gaanong tao. Nang dumaan naman siya sa classroom ni Gab ay nalaman niyang Social Science pala ang subject nito ng mga oras na 'yon. Ayun at nakita niyang nakatango ito sa sarili nitong silya at mukhang nagbabasa na naman ng Wattpad. Napa-iling na lamang si Lance sa ginagawa ng dalaga. Napailing na lang siya sa ginagawa ng dalaga. 

Mula nang pumasok 'to sa highschool ay nagsimula na rin itong magbasa sa Wattpad. Halos di na nga ito matulog sa gabi para lamang matapos ang mga binabasang storya. Napag-alaman ni Lance na naloloka ito sa isang KathNiel fanfiction na pinamagatang "I Fell For A Gangster". Sa pagkaka-alam naman niya'y hindi ito isang KathNiel fan. Ni hindi nga ito nakakapanuod ng mga palabas mula sa ABS-CBN o GMA man lamang.  

Bakit niya kilala ang KathNiel? Simple lang, word of the mouth. Ito ang kadalasang pinagke-kwentuhan ng mga babae niyang mga kaklase. May mga kaklase kasi siyang mga fan ng tambalan. Lagi itong updated at maiingay ang mga ito kung magkwentuhan kaya't madalas na marinig niya ang pangalan ng tambalan.

Dumiretso si Lance sa Canteen at bumili ng Piatos, Pillows at dalawang C2 Solo. Agad na umupo siya sa mesang malapit sa may bukana ng canteen para kita siya agad ni Gab pag pasok nito. Habang hinihintay niya si Gab ay paunti-unti niya ng nilalantakan ang kanyang Piatos. Ilang minuto ang nagdaan ay idumarami na amg mga mag-aaral na bumibili ng kani-kanilang mga pagkain. 

Nang makita niyang pumasok si Gab sa canteen ay agad na itinaas niya ang kanyang kamay at tinawag ito. Madali namang pumunta sa direksyon niya ang dalaga at umupo sa upuang nakaharap sa kanya. Agad na yumuko ito at inilabas ang kanyang cellphone. 

"Pati ba naman dito Gab? Aba naman! Lantaran na 'yan. Ayaw mo naman sigurong makumpiska ang cellphone mo ano?"

"Eto na nga oh! Itatago na." Nakangusong saad ni Gab.

"Buti naman. Oh eto, libre ko. Isasauli ko nalang mamaya yung libro mo ha? Nakalimutan ko kasing dalhin dito. Andun sa bag ko."

"Okay! Alam mo ba ang galing ni destinyandchances! Siya yung tipong manunulat na magugulat ka nalang talaga sa revelations tapos yung mga characters niya may depth talaga. Magiging KathNiel fan na ata ako dahil dito sa storya niya eh! Ay! Tamang tama, naghahanap siya ng magiging handlers ng story niya. Mag-apply kaya ako? Baka makuha ako? Edi magiging close kami tapos baka bigyan niya ako ng dedication o kaya naman mamimigay siya ng spoiler. Ano na kayang mangyayari sa susunod? Naawa ako kay Kandria nung inalipin siya ng students sa paaralan nila. Buti nalang lumaban siya kundi baka hindi na matauhan yung mga studyante doon na mali ang ginagawa nila. Tsaka alam mo.." Blah blah blah. There's Gab, the geek.

Hindi na naintindihan ni Lance ang iba pang sinasabi ni Gab dahil nakatutok na lamang siya sa masaya nitong mukha habang nagsasalita ito. Gab's a passionate book-lover. Halata naman iyon dahil magi-geek talk ito tuwing may binabasa ito. Ito lang siguro ang side na siya lang ang tanging nakakakita. Mahiyain kasi itong magkwento ng mga kwentong binabasa sa ibang tao lalo na't hindi niya ito kaclose. Sa ilang taong pagiging magkakilala nila ay nasanay na rin siya sa pagi-geek talk nito.


"Huy Lance? Di ka pa ba tatayo diyan? Kaka-bell lang. Magsisimula na ang susunod na klase mo in 5 minutes." Pangangalabit ni Gab kay Lance.

Agad na tumayo si Lance at sabay na tumakbo ang dalawa papunta sa kani-kanilang mga silid-aralan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfortunate SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon