"Lance.."
"Lance..."
"Lance.. Sinong Gab? Sino si Gab?"
Tinitignan ni Gab si Lance ng may kuryusidad na ekspresyon sa kanyang mukha. Gustuhin man niyang mag-assume na siya 'yon ngunit ayaw niya rin namang mapahiya. Hindi lumilingon si Lance sa gawi ni Gab kaya nama'y mas lumala pa ang kuryusidad ng dalaga.
"Lance, tell me. Sino si Gab?"
Lance was hesitant. He was scared of what her reaction will be if he'll tell her that she's the Gab in the letter. But when he heard her plead, he knew he can't hide it anymore. Kailangan na niyang ipaalam dito na siya iyon. This will either make or break their friendship. He heaved out a sigh and looked directly into Gab's eyes.
"Ikaw." There. He said it.
"Ha? Ano?" Confusion was seen in her eyes.
"Ikaw."
"A-anong ako?"
"You asked me kung sinong Gab ang nasa sulat diba? Ang sabi ko, ikaw. Gets?"
"Ha? Bakit ako?" For the nth time Gab. Can't you take a hint?
"Sabihin mo nga sa akin, Gab. Ano ka ba? Pagong o snail? O kaya naman internet ng Pinas? Ang slow mo ha! Ang sabi ko, ikaw nga si Gab na nakasulat sa liham. Ano na? Did it ring a bell? Nagsink-in na ba? Gets mo na?"
"P-pero..bakit?"
"Bakit ko ginagawa yung mga sulat?" Gab can't utter a single word so she nodded instead.
"Kasi I felt stupid. Alam mo 'yun. Feeling ko kasi nung nalaman kong may secret admirer ka na, sobrang protective ko sa'yo. Baka brother instincts ko 'yun. Hindi ko kasi talaga mapigilan. I mean, bata pa talaga tayo para sa mga relasyon relasyon na iyan. Alam kong ang oa ko nun. Alam ko rin naman na parang pinangunahan kita. I know wala akong karapatang pangunahan ka sa mga magiging desisyon mo dahil buhay mo iyan at di hamak na bestfriend mo lang ako. Kaya.. 'Yun, gumagaa ako nung mga sorry notes kasama favorite foods mo. Sorry kung ang corny ng mga 'yun. Hayaan mo na, gwapo naman ako."
"Wow ha. Lumakas ata ang ihip ng hangin? After ng pagdadrama mo at pagiging corny mo naging mayabang ka na. Echos mo hoy. Tsaka ikaw? Gwapo? Lul!"
"Oh ano? Totoo naman ah!"
"Galing mo ring magpatawa ano?
Gustuhin man ni Lance na sumagot pa sa pang-aasar nito pinili na lamang niyang ibalik ang topic. "So...peace na tayo?"
"Ikaw lang kaya 'tong oa sa ating dalawa! Daig mo pa ako sa pagiging babae ha! Ew!"
"Pasalamat ka mahal kita!" Shet.
"Aww, labyu too bestfriend!" Sagot ni Gab bago madiin na pinisil ang maglabilang cheeks ni Lance.
Bestfriend-zoned. Saklap.
"A-aray, ano ba Gab!" Pilit na inaalis ni Lance ang mga kamay na pinipisil pa rin ang cheeks niya.
"Ikaw talaga, ang cute cute cute cute mo." Sabi pa nito habang lalo pang diniinan ang pagkapisil.
"B-bitaw Gab! Bitaw!" May halong diin na sa boses ni Lance kaya naman tinigil na rin ni Gab ang pagpisil sa cheeks nito. Mahirap ng magalit na naman ito sa kanya. Agaran na minasahe ni Lance ang kanyang magkabilang pisngi.
Kitang kita ang pamumula ng magkabilang pisngi ng binata dahil sa pagpisil ni Gab. Halos namanhid na nga ang mga ito.
"Kapag ako nakaganti, good luck sa'yo." Sabi ni Lance habang nakangiwi pa rin dahil sa sakit ng kanyang mga pisngi.
Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Gab at tumakbo na ito papalayo kay Lance patungo sa bahay nila. Mabilis naman itong sinundan ni Lance habang mahigpit na hinahawakanang kanyang mga gamit para maiwasan itong mahulog ulit.
Natapos ang araw iyon na nahabol ni Lance si Gab at kiniliti nito ang dalaga. Panay naman ang tawa ni Gab hanggang sa naubos na nga ang hininga nito. Sumapit ang gabi'y napagdesisyonan ng dalawa na magmovie-marathon sa bahay nina Gab dahil na rin matagal tagal rin silang hindi nakapagbonding.
Nang malaman naman ng ina ni Lance na ayos na ang dalawa'y nagtatatalon ito at niyakap nito ng mahigpit ang kanyang anak at sinabing,"masaya ako na nagkabati na kayo ni Gab, Lancey." Napabuntong hininga na lamang si Lance ng marinig ang sinabi ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Unfortunate Serendipity
Teen FictionI wore a mask but still you knew. Now I've shown you the things you've never seen before and there you are,walking away from me. I think showing you those things made you my unfortunate serendipity. © February 14,2014 , Siri Lee