Lumipas ang ilang araw at unti-unti ng nagiging busy sina Lance at Gab dahil na rin sa papalapit na foundation day.
Si Gab ay naatasang kumuha ng nga litrato para sa kanilang foundation day habang si Lance naman ay sasali sa isang basketball tournament.
Abalang abala na sila lalo na si Lance sa pag-e-ensayo para sa kanilang basketball game pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang pangangambang galit pa rin sa kanya si Gab. Napagdesisyunan niyang bigyan siya ng mga peace offerings ng paunti-unti. Una,naglagay siya ng paboritong bigbang na chocolate bar nito sa locker ni Gab kasama ang isang sorry note.
Nagtaka si Gab dahil sa dumaang mga araw ay may naglalagay ng pagkain sa kanyang locker at mga paborito niya pa. Gusto niyang makilala kung sino man ang nagbibigay sa kanya kaya nama'y nagsulat siya sa kulay yellow'ng post it ng 'sino ka?ba't ka namimigay ng pagkain?'.
Nakita iyon ni Lance at kinuha ang papel habang linalagay niya na naman ang 'pillows' na pagkain. Alam ni Lance kung ano ang schedule ni Gab kaya't alam niya kung kailan siya pwedeng maglagay ng pagkain sa locker niya.
Ilang ulit pang nag-iwan ng note si Gab na nagsasabing gusto niyang makilala iyong nagbibigay ng pagkain sa kanya.
Dumating ang unang araw ng foundation day at naka-schedule sa hapon ang first game nina Lance laban ang kabilang team na binubuo rin ng iba pang taga-school nila.
Kaninang umaga,nag-iwan siya ng isang note sa locker ni Gab na magkita nalang sila sa Europeé,isang coffeeshop+bookshop na dinadayo ng marami.
Agad itong nakita ni Gab. Nag-aalinlangan niyang nilagay sa kanyang bag ito bago isinarang muli ang kanyang locker at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang classroom.
----
4:30 pa lang ng hapon ay naroon na si Gab sa lugar kung saan sila magkikita ng misteryosong taong nagbibigay sa kanya ng mga pagkain at notes.
Tamang tama lang rin ang binigay nitong meeting place dahil kailangan niya ring magresearch para sa kanyang gagawing investigatory project. Kaya habang wala pa ang kanyang katagpo ay inisa isa niya ng suyurin ang mga hallways ng Europeé para makahanap ng librong pwede niyang makunan ng ideas.
Habang naglilibot siya sa mga bookshelves ay napalaingon siya sa may pintuan at doon,nakita niyang pumasok si Lance.
"Lance?" mahinang utas niya.
Hindi niya inaakalang magpupunta sa mga lugar na kagaya nito ang kanyang bestfriend. Hindi kasi ito mahilig magbasa ng libro o kaya naman ay uminom ng kape kaya nagtataka siya kung bakit ito napadpad doon.
Nagpalinga linga si Lance na tila ba parang may hinahanap ito habang si gab naman ay nakatingin pa rin sa kanya habang nakakunot ang noo. Nang akmang lalapitan niya na sana ito ay bigla naman itong naglakad.
Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan kanina ni Lance at agad na nagpaling-linga sa paligid para makita kung saang direksyon nagtungo si Lance. Ngunit hindi niya na nakita pang muli si Lance.
Pagkaraan ng ilang minuto'y naglakad na siya pabalik sa kanyang upuan at natagpuan roon ang isang sulat na may kasamang iced coffee na paborito niya.
Hi!
I'm sorry I won't be here for too long. I guess you're busy too. Sorry for disturbing you and making you come here. I left an iced-coffee for you to relax and loosen up a bit. I guess it's not yet the right time for you to meet and know me. But here's a clue, LOOK AROUND YOU. Smile always Gab. :)
BINABASA MO ANG
Unfortunate Serendipity
Teen FictionI wore a mask but still you knew. Now I've shown you the things you've never seen before and there you are,walking away from me. I think showing you those things made you my unfortunate serendipity. © February 14,2014 , Siri Lee