Chapter 8

50 2 1
                                    

Nawalan ng ganang kumain ng hapunan si Lance pagkauwi niya't dumiretso na siya sa pagtulog. 

Kinabukasan ay maagang nagpunta is Lance sa bahay nina Gab at napag-alaman niyang nauna na pala ito sa kanilang paaralan. Dumiretso nalang siya sa paaralan at pumasok sa kanyang klase. Sinubukan niyang puntahan si Gab sa kanilang  classroom nung break pero nakita niyang kasama pala nito ang mga kaibigan nito. sakto namang napadaan roon si Alfred kaya't nakisabay nalang siya kay Alfred papunta sa canteen.

"Tol,nag-away ba kayo ni Gab?" paninimula ni Alfred ng usapan.

"Ewan ko dun tol. Nauna ba naman pumasok at hindi na ako hinintay."

"Bayaan mo na tol. Baka may kailangang gawin pa,lalo na ngayon, malapit na ang foundation day diba?" 

Nagkibit-balikat nalang ako't pumila na para bumili ng pagkain. Naghanap na kami ng mauupuan ni  Alfred. 

Tahimik lang kaming kumain at hindi ko na namalayang dumaan na pala ang buong hapon at  ngayo'y tapos na ang klase namin. 

"Tol,una na'ko ah?" pamamaalam ni Alfred.

Tumango nalang ako't pinagmasdan siyang maglakad palayo bago inilagay ang mga gamit ko sa akin bag. Napabuntong-hininga nalang ako habang iniisip muli yung naging away ni Gab habang naglalakad ako pauwi. Ni hindi ko manlang nakita siya ngayong araw sa paaralan. Kamusta na kaya siya?

Dumating ako na tahimik ang bahay namin at walang ni isang senyales na may tao rito. Umakyat nalang ako't nagbihis at ginawa nalang ang aking mga assignments.

" Lance?" 

"Yes,Ma?"

"Bumaba ka na,nakahanda na ang dinner." sabi ni mama.

"Busog po ako ma."sabi ko nalang. Nawawalan na naman kasi ako ng ganang kumain eh.

"May problema ka ba anak?"

"Wala 'to Ma."

"Come on,spill it out. Baka makatulong ako." nako nagsisimula nang maging makulit si Mama.

Iba kasi si mama kapag alam niyang may problema ako. Gusto niya kasi alam niya lahat ng problema ko.

Saan na ang privacy ko dun diba?

Once na maging curious si Mama ay mas lalo itong magiging makulit to the point na susundan niya talaga ako kahit saan. Pati sa cr pero hanggang sa labas lang siya siyempre pero hanggat hindi niya malaman ang gusto niyang malaman ay hindi ito titigil to the point na hindi kayong dalawa makakatulog.

Napabuntong hininga nalang ako. "Gab and I had this silly fight over a guy who sends cheesy letters to her locker with chocolates and teddy bears pa." sabi ko nalang kay Mama.

I wasn't expecting of what my mom's reaction was. She shrieked! As in SHRIEKED! Just like a teenager girl who's having this so-called 'kinikilig' moment. With matching 'Omg!' 'Really?!' 'Gosh!'.How I hate girls giggling like crazy and shouting those words. I mean,anong nakakakilig dun? Psh.

"Okay,I get it mom." I said while starting to stand up from the bed and go to the bathroom.

"Hep hep hep! Saan punta mo? Umupo ka nga rito." she said as she grabbed my arm and guided me back to sit on the bed.

I was reluctant to go back. I was pissed with the fact that my mom is giggling and keeps on chanting 'Omg,dalaga na si Gabby' .

Feeling teenager talaga ang Mama ko. Well,hindi naman masyadong obvious na my mom's already a married woman with two kids.

"Uy,binata na ang baby Lance ko." yun ang mas nakapagpa-inis sa akin.

Again,it's not the response he'd expected from his mom.

Nasense na siguro ni Mama na hindi ako nakikipagbiruan sa kanya kaya't sumeryoso na siya.

"Okay,eto na talaga,what happened next?"

"She didn't talk to me. She went home with her friends without her knowing I was waitong for her outside their classroom. Nalaman ko nalang na nakalabas na pala sa may gate si Gab at ang mga kaibigan niya nung nagtanong ako sa isa sa mga kaklase niyang nasa loob pa ng kanilang room at naglilinis. Galit ata siya."

"Bakit? Ano bang sinabi mo sa kanya?" usisa pa rin niya.

" I told her that she's too young for those kind of things. Na siguradong hindi sasang-ayon sina Tito sa pagkakaroon niya ng manliligaw. Na it's too early for her to enter those lind of things." mahabang litanya ko.

Sa pagkahaba ata ng litanya ko sa kanya ay hindi ko na napansing nakangiti siya all the time while I was throwing my tantrums.

"What!?Tell me something!"asik ko.

Hindi pa rin matanggal-tanggalang ngiti sa mga labi ng kanyang mama.

"Tell me,are you jealous?"may hint ng pang-aasar sa tono nito.

"What!? No!"

"Asus,kunwari ka pa Lancey ko." sabi ni mama. 

Ugh. Ano na naman bang iniisip niya? Nahihibang na ba si mama? Ako? Magkakagusto kay Gab?! Never!

Tumayo nalang ako ulit at pumunta na talaga sa cr. Narinig kong tumatawa sa likuran ko at sinundan ako patungo sa pinto ng mismong cr.

"Ano ba kasing ikinakunot ng noo mo Lance? Yung hindi ba pagpansin ni Gab sa'yo kanina o yung thought na may dumadamoves na kay Gab?" litanya ni mama sakin habang ako nama'y nakatutok sa aking sarili sa salamin.

Napaisip ako sa tanong niya.Bakit nga ba ako nagagalit? Dahil ba sa hindi niya pagpansin sa akin? o kaya ay dahil sa lalaking pumuporma sa kanya?

Ah ewan! Iginulo ko ang aking buhok at nagbanlaw ng aking mukha. Lumabas na ako't nadatnan ko namang tinitignan ni mama yung mga larawan namin ni Gab sa photo album.

"Ang cute niyo talaga noon 'nak" usal niya.

Lumapit ako't tumabi sa kanya. Sakto namang tinitignan niya ang larawan namin noon sa birthday ni Gab kung saan nakatingin ako sa kanya habang magkatabi kaming dalawa na nakaharap sa kanyang cake na hihipan na niya sana.

"See this? bata pa lang kayo noon pero kapansin pansin na talaga ang ibang kilos mo tuwing andyan siya sa paligid."

Ano ba naman 'tong si mama,imbis na magalit natuwa pa talaga.

Umiling nalang ako't humiga sa kama ko. Hindi nagtagal ay umalis na rin si mama dahil kinakailangan na niyang magluto ng hapunan dahil anytime ay darating na ang kapatid ko galing sa band practice niya para sa darating na battle of the bands ng paaralan nila.

Unfortunate SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon