Chapter 7

40 2 0
                                    

Saktong 7pm ng gabi ay dumating si Gab at si Tita Anne. My mom greeted them and I nodded towards their direction as a sign of acknowledging them.

The said dinner was one of the simplest. Kapag kasi andito si Dad ay sure akong isang engrandeng party ang iho-host niya sa puntong matatalbugan na nito ang isang debutant's party. Sa ngayo'y wala ito't nasa isang mahalagang business trip.

We gathered around the small rectangle  table with Gab seated beside me. She wore a casual beige-colored dress which fits perfectly to her .

"Gab,how's school?"asked my mom.

"It's fine Tita,very fine."Gab answered her happily. I wonder why she's really happy.

We continued eating dinner while catching up with each other and talking about some school stuffs. Binitbit ko na ang mga pinggan patungo sa sink para na rin makapagsimula na akong manghugas nang tinawag ako ni mama't inutusang ihatid ko na nalang raw sina Gab.

"Really Dianne,okay lang kami.Kaya na namin ng kami lang,baka maabala pa namin 'tong si Lance eh."

"Naku Tita Anne,okay lang naman po saking ihatid ko kayo eh. Mahirap na,gabi pa naman baka pagsamantalahan kayo niyan ng mga tambay diyan."

Hindi na nakapag-alma si Tita Anne at inihatid ko na sila sa kanilang bahay. Si Gab? ayun tahimik. Ewan ko sa kanya ha? Parang kanina lang ang saya saya niya,ngayon ang tahimik niya.Nagpi-PMS lang siguro. Ay ewan! Napakahirap talagang intindihin ng mga babae. One moment masaya at nakikisabay sila sa mga trip ng iba tas biglang mang-aaway sa kanila. Iba rin talaga ang moodswings ng mga babae eh.

Nagpaalam na ako kila Tita at naglakad na pabalik sa amin na katabi lang naman talaga ng bahay nila.

~

Maaga pa lang ay nagkasabay na nagtungo sina Lance at Gab sa kani-kanilang mga lockers.

Kinuha ni Lance ang kanyang mga libro para sa morning session niya at iniwan naman ang para sa hapon.

Pagkatapos ay pinubtahan niya na si Gab sa locker nito at nakitang may naglagay na naman ng sulat sa locker nito. Napalingon siya sa mukha ni Gab at napagtantong namumula ang mga pisngi nito.

Is she blushing? Kinikilig ba siya?

He was irritayed at that thought. Ni minsan ay hindi niya pa nakitang nagblush si Gab. Lahat ng mga nagtangkang manligaw sa kanya'y tinataboy ni Lance dahil na rin sa bata pa ito para pumasok sa isang relasyon.

Hindi na nakapagtimpi si Lance at hinablot niya ang sulat at pinunit iyon.

"Lance! Bakit mo ba ginawa 'yon!?"

"Binobola ka lang niyang gag*ng 'yan Gab! H'wag kang magpadala. Tsaka bata ka pa lang."

"Hindi na ako bata Lance! Hindi na ako 'yung Gabby'ng kailangan mo parating bantayan at protektahan!"

"You're still young,Gab. Masyado ka pang bata para sa love na 'yan."

"Bakit? Malaki ka na ba Lance? Pwede ka na ba sa tinatawag mong 'love'?"

"No,I'm still young for that. Look at me,I'm still enjoying my life as a teenager."

"Hindi ba ako mag-e-enjoy sa buhay teenager ko kung papasok na ako sa mundo ng love ha,Lance?"

"Hindi naman sa ganun,Gab. But you know that your parents will not allow you yet to have suitors right?"

"Oo,alam ko 'yon.Pero please lang Lance,buhay ko'to. Alam ko kung anong makakapagpasaya sa akin,kaya please lang huwag mo'kong pakialaman okay? You're just my friend."linagpasan ni Gab si Lance at nagtungo na sa silid aralan nito.

Why are girls so stubborn? Why can't they just understand that they're still young to enter such things?

Nakakunot ang noong naglakad si Lance patungo sa kanyang classroom habang iniisip ang mga nangyari kanina at ang mga tanong na hindi nasasagutan sa kanyang isip.

Naiinis siya kay Gab. Hindi kasi siya pinapakinggan nito. Masyado pang bata si Gab para sa love love na 'yan. isip niya.

Ayaw niyang mapariwara si Gab at ayaw niyang bumagsak ito nang dahil na rin doon.  May kakaibang nararamdaman na si Lance kahapon nang mabasa niya ang sulat na nakapaloob  sa locker ni Gab. Alam niyang may nagtatangka na namang manligaw rito.

Lahat kasi ng magtatangkang manligaw kay Gab noon ay lumalapkt muna sa kanya para humingi ng payo tungkol sa mga gustong bagay ni Gab at ang isasagot niya naman rito'y  mga kababaliktaran  ng mga tanong nito.

Sinabihan na rin kasi siya ng mga magulang ni Gab na bawal raw muna itong magpaligaw at siya ang inatasang magbabantay sa mga magtatangkang manligaw rito at sa dalaga.

Pakiramdam niya'y galit ang dalaga sa kanya ngayon dahil na rin sa kanilang pagtatalo kaninang umaga. Pauwi na siya ngayon at nakita niyang kasabay ni Gab ang iba nitong kaklase sa paglalakad pauwi kaya nama'y tahimik niyang sinusundan ang mga ito patungo sa bahay nina Gab.

Sinigurado niya munang nakapasok na sa bahay nila si Gab,bago siya pumasok sa kanyang bahay.

 

Last update this week.

Love,Ji-Em

Unfortunate SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon