6: Unknown

4 0 0
                                    

--AYCEE--

Grabe, nalilito na talaga ako sa kinikilos ni Mr. Sungit. Be careful with my new friend? Eh sino ba kasi yung new friend na tinutukoy niya? Andami kong naging bagong kaibigan eh.

Hindi kaya... si Denver?

Siya kasi ang pinakaclose ko sa mga new friends ko. Lagi ko din siyang kasama. Tapos nung nabanggit ko na may kamukha siya, he acted weird. Ano kayang meron sa kanilang dalawa?

And one more thing na kashungaan ko talaga, hindi ko natanong sa kanya yung name niya! Ugh. Magtatanong tanong na lang ako bukas.

"Dear, kakain na." Naku. Tintawag na 'ko ni mommy.

"Yes mommy, pababa na."

------

Ang sarap ng pagkain ngayon ah ^_^ well, dahil luto ni mommy mas special. Minsan na lang kasi siya magluto dahil sa sobrang busy niya.

"Mommy, anong meron? Is this day supposed to be special? Bat ikaw nagluto?"

"I'll be away for a week, my dear. Kasama ko yung close friend ng daddy mo, si Romualdo. We're working on some transactions together."

Romualdo.. Romualdo.

I know him.

"Eh di ba mommy, may gusto sayo dati yun? Tsaka he just got separated with his wife last year diba? Baka naman gusto ka nang angkinin nun."

"Aycee, matagal na yun. Okay? No need to worry about it."

Naalala ko na naman lahat ng mga masasamang nangyari dati sa buhay ko.

"Mommy, if someone gives you the love daddy gave you when he was still living, magmamahal ka ba ulit?"

"Honey. Stop. That's not appropriate to say. Just eat." Nagalit siya. Pero sa tingin ko nagalit din ako sa sagot niya.

"Mommy. It's a simple yes or no question. Perobsa sinabi mo, parang handa ka pang magmahal ulit."

Umalis na 'ko sa dining room. Masakit eh. Na malaman mong kaya pa pala niyang magmahal ng iba dahil lang sa nawala na ang daddy ako.

"Aycee. Aycee! Come back here!"

-----

"Lyka. Lyka! Come here!" Boses ni daddy yun ah.

"Yes dad!"

Grade 5 pa lang ata ako nun. Naaalala ko na naman lahat.

"Are you done practicing for tomorrow?"

"Ako pa ba dad? Promise me you'll come tomorrow ha? Pag hindi magagalit talaga ako. Para sa 'yo din kasi 'to dad. Sa inyo ni mommy."

"Yes darling. Promise I'll be there as soon as I can. Galingan mo dapat."

"Pag nanalo ako dad, bilhan mo ko ng bagong phone! Joke lang! ^_^"

"Kahit pa sarili mong bahay anak, ibibili kita. Manalo ka man o matalo, I just wanna see you shine on the stage."

And he left.

-----

Hindi na naman ako makatulog. Bakit kasi ganito? Hindi pa rin maalis sa alaala ko yung mga pangyayaring sinusumpa ko na?

Hindi ko mapigilang umiyak. Mahal na mahal ko ang parents ko, lalo na ang dad ko. Namimiss ko na siya.

Sana dad, tulungan mo 'kong makalimutan ang lahat. Sana...

-----

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon