8: Rival

3 0 0
                                    

--DENVER--

Hmm. That's strange. Wala pa din si Aycee. 5 minutes na lang magstart na yung klase namin eh.

*BLAG*

Speaking.

Pero bad mood ata siya ngayon ah?

"Aycee, you okay?"

"Denver, mamaya na lang tayo magusap please? I had my day started very badly."

"Oh, sige. Palamig ka muna."

That's strange. Hindi naman siya ganito ah. Ano kayang nangyari at sobrang naiinis siya?

-----

[Breaktime]

"Aycee, okay ka na ba? Kanina ka pa tahimik eh."

"I'm fine. Wala lang talaga ako sa mood masyado. Sorry."

"Okay, sabay ulit tayo sa canteen?"

"Sure."

Hindi ako sanay sa ganito eh. I'm comfortable with the always happy Aycee. Ano kayang nangyari sa kanya?

-----

--AYCEE--

"Denver, mauna ka na muna sa canteen. Hahanapin ko lang si Carla ha? Sabi niya sasabay din siya sakin."

"Okay, I'll wait for the both of you."

Hay. Buhay talaga. Bakit ko pa kasi tinanong yung pangalan ng sungit na yun? Nasira pa tuloy araw ko sa kanya. Ugh!

"Hey, girl, nakatulala ka na naman dyan!"

"Hay naku Carla. Someone just pissed me off big time."

"Tama na yan girl. Kumain na lang tayo ha? Nagugutom na ko eh. Tsaka tapos na yung ginagawa ko."

"Puro ka kain kaya ka nataba eh!"

-----

--DOMINIC--

Hmmm. That's weird. Ginugutom na 'ko. Good thing for me.... wala akong baon (-_-)

No choice but to go to the canteen.

Pagdating ko sa may pintuan..

Awkward.

That Lyka girl. May kasamang isang chubby na babae.
Yung tingin niya sakin. Parang anytime pwede na 'kong mawala sa universe.

Tss. Kung ayaw nilang pumasok eh di ako muna papasok.

-----

--AYCEE--

Ugh! Sa lahat pa ng mga tao, siya pa makakasabay ko sa canteen -_-

"Carla, kilala mo ba yung lalaking dumaan?"

"Oo naman! Si Dominic! Grabe ang gwapo niya talaga *0*"

Fangirl ang bestfriend ko. Kainis.

"Tara na nga! Ayun si Denver oh."

-----

--DENVER--

"Hey girls! Kumuha na din ako ng pagkain niyo. Ang haba kasi ng pila eh baka malate tayo for our next class."

"Thanks Denver :)"

Should I ask Aycee about what happened to her a while ago?

Maybe now is not the time. Pero sobrang curious talaga ako eh.

Tatanungin ko na sana siya, nang biglang nakita ko si Dominic. Nakakakulo ng dugo.

Biglang nagsalita si Aycee.

"Carla, di ako gutom eh. Ikaw na lang umubos ng pagkain ko please? Pupunta lang ako ng restroom."

"Oh sige girl."

Ano kayang meron?

"Aycee, are you alright?"

"Oo Denver. Don't worry. Pupunta lang ako sa comfort room."

-----

--AYCEE--

Tsk. Kakain na sana nang makita ko yung lalaking yun. Nakakainis.

Pero dahil kailangan ko ding magcr, nagCR na nga ako.

Habang nasa stall ako, may narinig akong pumasok.

"Girl, that Warren boy sure is handsome!"

"Oo nga eh. Pero guess what, may pangtapat yung kabilang section! Yung Denver ba yun? He's friendly pa! Unlike Dominic."

Tsk. Nagtsismisan pa talaga. Oo, dun na lang kayo kay Denver. Wag sa Dominic na yun.

"But Dominic is closer to grab. Alam mo, hawig nga sila nung other guy na binanggit mo eh. Are they related?"

"I don't think so. May lahi si Dominic eh."

Hay naku. Ayoko nang mageavesdrop. Pagbukas ko ng stall, medyo nagulat sila. Akala ata nila walang tao.

Lumakad nako palayo.

San naman kaya ako susunod na pupunta? Wala pa kaming klase. Maaga aga pa naman. Ayokong bumalik ng canteen dahil baka makita ko lang si Dominic dun.

Pumunta na lang ako sa may garden. Tutal wala namang tao. Tahimik.

Napaupo ako sa isa sa mga benches dun.

Akala ko tama na sa garden ako nagstay.

Wrong choice.

-----

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon