11: Knowing You

4 0 0
                                    

--AYCEE--

Yung boses na yun..

"Sa sitwasyong 'to, hindi ako ang masama."

Si Dominic? Pero bakit? Pano?

Pagmulat ng mata ko, si Dominic nga talaga ang nagligtas sakin.

"Kaya mo na bang tumayo? Uuwi nako."

Nang patayo na siya, hinawakan ko siya sa braso. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya ngayon. Siguro dahil sa nangyari kanina, sa takot ko din.

Inalalayan niya ko na makatayo. Tapos naglakad papunta dun sa motor niya. Nakita ko yung baril na hawak niya.

"Bakit ka may baril?"

"It's a fake. It looks real though. And sounds real."

"Ahhh. Eh bakit nga may ganyan ka?"

"To scare bad guys away. Dami mo pang tanong. Sakay na."

Inalalayan niya ko na makasakay sa motor niya tapos siya naman yung sumunod.

"Humawak ka na lang sa balikat ko para di ka malaglag. And tell me the directions ng papunta sa inyo."

At yun nga ang ginawa ko.

-----

Natraffic kami ng onti sa isang kalsada. Medyo nakakaawkward na din kaya nagsalita na 'ko.

"Thank you for saving me."

"Pasalamat ka nagbasketball muna ko sa court. Buti na nga lang at naabutan kita. Bakit ka kasi naglalakad dun ng walang kasama?"

"Eh gusto ko nang umuwi. Tsaka nagugutom na din ako eh."

"Tsk."

After niyang gawin yung palatak na yun, bigla siyang lumiko. Napapunta kami sa may Mini Stop.

"Wait here." Pagkapark niya pumasok agad siya dun at bumili ng chips tska kung ano pang pagkain.

Paglabas niya, pinapili niya ko kung anong gusto kong kainin.

"Seryoso ka?"

"Kung ayaw mo, ako kakain nito lahat. Hintayin mong maubos ko."

At dahil nagugutom na rin ako, no choice kundi lumamon na.

-----

Pagkatapos naming kumain, bumili siya ng mineral water para naman bumaba ang kinain namin. Tapos ngdrive ulit siya.

Binilisan na niya yung pagdadrive para makauwi na rin ako.

"White gate! That's our house."

Pagdating sa tapat ng bahay namin. Inalalayan niya kong bumaba. Biglang kumirot ang tuhod ko. Muntikan na 'kong tumumba pero nahawakana niya ko. Bakit ba ang bait niya ngayon?

Nagdoorbell na 'ko. Biglang lumabas yung maid namin pati si Mommy. Halatang alalang alala sila sakin.

"Honey, what happened to you? Bat ang tagal mo? Anong nangyari sa tuhod mo? Who's that guy?" Andami agad tanong ah.

"Ma, I'm fine. Nasiraan ulit si Mang Ronaldo. Makina naman this time. Kaya sabi ko magcocommute na lang ako. Nung naglalakad ako papuntang sakayan, some guys chased me, kaya ayun, napatakbo din ako. Eh nadapa ako kaya naman meron akong sugat sa tuhod."

Si Dominic nga pala, baka hinahanap na rin siya sa bahay nila.

"Mommy, this is Dominic. Kaschool mate ko. Siya po yung nagligtas sakin. Napatigil niya yung mga lalaki. Natraffic po kami tsaka nilibre pa po niya ko kata natagalan."

"Good evening po. Sige po. Aalis na rin ako. I just wanted to bring your daughter home."

"Naku, thank you hijo ha? Thank you for saving my daughter. I would be glad to invite you some other time dito sa bahay."

"Thank you po."

And after that, he rode his motorcycle again.

Ngayon, nakita kong mabait nga talaga siya. Siguro ayaw niya lang ipakita?

Totoo nga kayang si Denver ang masama sa kanilang dalawa?

-----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon