--DOMINIC--
Makapunta nga muna sa garden. Chips lang naman binili ko sa canteen. Tsaka na lang ako kakain kapag nakauwi na 'ko.
Pagdating ko dun...
Lyka. Lagi na lang siyang nauuna sa mga pupuntahan ko.
Aalis ba ko?
Bakit naman? Dahil nandito siya?
Eh siya nga ang may problema dahil ayaw niyang gamitin yung other name niya? Bahala siya.
"Sinusundan mo ba 'ko para bwisitin mo 'ko?"
What did she just say? Nagpapatawa ba siya?
"Gosh, you're delusional. Lagi akong natambay dito. Ngayon lang kita nakita dito. Tsaka bakit kita bibwisitin? Are we even friends? Kung ayaw mo 'kong makita eh di umalis ka."
"At bakit ako aalis? Sayo ba tong garden?"
"So childish. Kung ayaw mo eh di wag kang umalis. Pero alam ko namang nabibwisit ka sakin. But don't expect me to be a gentleman for you. Kung naiinis ka sakin I don't care."
"Aycee, wag ka nang makipagusap sa lalaking yan. He's just going to drag your life to hell."
That voice..
That evil brat..
Denver.
Hindi na 'ko lumingon pa, dahil alam kong lalaki lang kung gagawin ko yun.
"Eh di kayo na close. Umalis na nga kayo dito. Oh, andyan na yung knight in shining armor mo sinusundo ka na."
"Ayusin mo nga yung paguugali mo. Pati babae pinapatulan mo."
Nagpantig yung tenga ko dun ah. Wala na 'kong magawa.
Tumayo ako. Nilapitan ko siya.
"Kung ayaw mong magkapasa pasa yung mukha mong malinis, wag mong sabihin yan sakin. At talagang manggagaling pa talaga sa bibig mo yan? Hindi ka na nahiya!"
Tumingin ako kay Lyka, halatang naguguluhan siya at nagugulat sa nangyayari saming dalawa.
"At ikaw Lyka, wala akong pakialam kung magalit ka sakin. Binantaan na kita. If you want your life to be simple as what it is now, layuan mo 'tong Denver na 'to. He's going to make your life a living hell, soon. I'm doing you a favor here. Sa sitwasyong 'to, hindi ako ang masama."
-----
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
Hayran Kurgu"You create your own fate.. but some people could intervene, too.."