--AYCEE--
"Sa sitwasyong 'to, hindi ako ang masama."
Napatulala na lang ako. Ano bang meron? Bakit sila nagaaway? Magkakilala ba sila?
Naiwan kami ni Denver sa garden. Walang nagsasalita. Walang kumikibo.
Malelate na kami sa next class namin.
"Tara na."
Naglakad na 'ko palayo. Kung susunod siya sakin o hindi, hindi ko na alam. Masyado na 'kong naguguluhan sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.
-----
Buti naman. Uwian na din. Pagod na ang utak ko sa pagprocess ng mga nangyayari.
" Sa sitwasyong 'to, hindi ako ang masama."
Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi niya. Hindi siya ang masama, eh kung makaakto nga siya, si Denver ang nasa tama sa sitwasyong yun.
Tsk. Makauwi na nga.
"Girl, lalim ng iniisip ah. Nandyan na ba yung sundo mo?" Si Carla. Nahahalata niya sigurong kay problema ako.
"'Yun na nga eh. Wala pa yung sundo ko. Pero siguro paparating na yun."
"Sana lang. Pagabi na oh. Yung research kasi na yan, sumingit pa, eh di sana nakauwi na tayo kanina pa."
"Wag mo nang problemahin yun. Ayan na si Mang Dante oh. Susunduin kana.'
"Di ka ba sasabay? Sabihin mo na lang sa sundo mo kasabay mo 'ko."
"Hindi na girl. Andyan na yun maya maya ^_^"
"Oh sige. Sabi mo eh."
-----
Sana pala sumabay na lang ako kay Carla.
"Ma'am, nandito ako vulcanizing shop. Nabutas yung gulong tapos ayaw magstart."
So kailangan kong magcommute? Kung hihintayin ko yung sundo ko lalo lang akong matatagalan.
Kaso nakakatakot. Ang layo pa naman ng sakayan mula dito sa school.
Ah bahala na. Nagugutom na din ako eh.
Nagsimula na kong maglakad.
Ang dilim naman. Parang mapupundi yung mga street lights anytime. Just keep walking. Wag kanang lilingon. Baka may makita ka pang hindi mo makita. Naku, wala naman sanang maligno dito..
So far nakakasurvive pa naman ako. May nadaanan akong eskinita. May mga nakatambay na lalaki. At dahil baka may gawin silang masama, nilagpasan ko na lang. Binilisan ko ang lakad ko.
Pakiramdam ko sinundan ako ng mga lalaking yun.
"MISS!"
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Nagsisisi na talaga ako ba't di pa ako sumabay kay Carla.
"MISS!"
Hindi ko na alam kung anong nasa harapan ko. Nakikita ko sa gilid ko yung mga anino nila. Mga 4 sila. Kailangan ko ng tumakbo.
At yun nga ang ginawa ko.
Bakit ba kasi ang layo ng sakayan? Kanina pa 'ko naglalakad pero hindi ko pa rin matanaw.
At sa kamalas malasan..
Nadapa ako.
Nagkasugat ako sa tuhod. Nakalimutan kong may takong pala yung suot ko.
Sinubukan kong tumayo pero biglang kumirot yung kanang tuhod ko. Napahawak na lang ako sa may wall at sinubukang maglakad kahit paika ika.
Naririnig ko na sila, papalapit na. Kung may gagawin man silang masama wala akong kalaban laban.
Napaupo na lang ako. Kumikirot na kasi talaga yung sugat ko.
Ilang hakbang na lang nila mahahawakan na nila ko. Nang mau marinig akong motor. Ang lakas ng busina. Ang bilis ng takbo.
At isang putok ng baril.
Pumikit na lang ako. Natatakot na ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko.
Narinig ko na lang na may nagtatakbuhan papalayo. May nabaril ba?
Sumunod nun, narinig kong may naglalakad, papalapit sakin.
Napayuko na lang ako, naiiyak, natatakot. Ano nang mangyayark sakin?
Nasa harapan ko na siya. Naramdaman kong umupo siya sa harap ko.
Hinawakan niya yung ulo ko sabay sabing..
"Okay ka lang?"
-----

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
Fanfiction"You create your own fate.. but some people could intervene, too.."