BEYOND OF SMILE
Nagising na lamang ako sa malakas na katok sa pintuan. Tumingin na lamang ako sa kisame at iniisip ko kung kakayanin ko pa ba ang mga nangyayare sa akin. It's always happen at nasasanay na lamang ako. Napatawa na lang ako sa aking naiisip parte ba ako ng pamilyang ito. Iba ang trato nila sa akin. Hindi ko alam kung saan ba ako lulugar sa tuwing naalala ko mga nangyayare sa akin.
Wala na ako magulang at iniwan na lamang ako sa aking tiyahin. Kinupkop ako ng tiyahin ko sa edad na pitong taong gulang siya na ang nagpalaki sa akin. Kahit labag man ito kalooban ng asawa nang aking tiyahin kinupkop nila ako. Malaking utang na loob ko sa kanila kahit di man anak ang turing nila sa akin. Nagpapasalamat pa rin ako nariyan sila. Pero hanggang saan ko pa ba kakayanin ang pagpapahirap nila sa akin?
Marami akong gusto sa buhay na gawin. Subalit, nabibigo na lamang ako lalo't pa may mga tao talagang huhusgahan ka kahit di pa alam ang buong katotohanan. Minsan, napapaisip na lamang ako na gusto ko na umalis sa bahay na impyerno ito. Tinuturing nila ako na walang kwenta sa lahat. Di ko alam kung pamilya ba ang turing nila. Arghhh! Why my life it's too unfair. Gusto ko lang naman maranasan na may nagmamahal sa akin kahit kaunti lang na pagmamahal.
Napapaiyak na lang ako sa tuwing naalala ko mga nangyayare sa akin. Hindi ko alam kung buhay pa ba ang magulang ko! Gusto ko sila makita pero sa tuwing nagtatanong ako sa aking tiyahin kung nasaan ang tunay ko na magulang. Tanging sinasabi niya, wala ka nang magulang iniwan ka na nila sa akin.
Ang sakit isipin na ang magulang dapat ang nagpaparanas sayo ng halaga at pagmamahal. Pero nasaan! Sila pa ang may gana na iwan ang kanilang anak.
" Sydney, ano di ka pa ba dyan lalabas sa kwarto"
" Isa, pang tawag ko sayo! Malilintinkan ka sa akin" sigaw ng aking tiyahin.
My life is like a hell always!
" Sandali lang po, inaayos ko pa po ang higaan" pagpapalusot ko.
" Bilisan mong bata ka dyan, magluluto ka pa ng almusal! Bilis - bilisan mo paggalaw mo para kang bulati" malakas na sigaw nito sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking mukha at tumayo na sa aking kama. Kailangan ko maging matatag dahil ang kakampi ko na lamang ngayon ay ang aking sarili.
" Anoo! Di ka ba pa dyan lalabas" sigaw nito.
" Andyan na po!"
Naghilamos muna ako sa banyo at inayos ko ang aking sarili.
Lumabas na ako ng aking silid na kalapit lamang nang kusina.
Dumiretso na ako sa kusina para maghanda nang almusal nila. Binuksan ko ang ref at kumuha ako ng itlog, bacon saka hotdog.
Niluto ko na ito at sinunod ko gawin ay nagluto ng fried rice. Nang makatapos na ako, inihain ko na ito sa mesa. Alam ko na nasa sala sila at nanunuod ng TV. Palagi ko ito ginagawa sa araw - araw.
Nagaaral ako habang nagaasikaso sa gawaing bahay. Sabado ngayon kaya natitiyak ko na marami ako gagawin.
" Tita! Kakain na po!" Tawag ko sa kanila.
Pumunta na sila sa hapag - kainan. Dalawa ang anak ni tita at tito. Ito ay babae at lalaki. Spoiled ito sa lahat nang bagay kaya minsan napapansin ko nagiging abuso din ito. Hindi ko na lang pinapakialaman sila lalo pa ayaw man nila ako makasama.
Uupo na sana ako at sasabay sa kanila kumain. Subalit napatigil ako nang may sambitin ang aking tiya.
" Mamaya ka na kumain! Maglinis ka na muna doon" seryusong saad nito.