Papunta ako ngayon sa bahay ni Zack. Mayroon kaming group project at siya ang kapartner ko. Kahit labag man sa loob ko na maging kapareha ito sa gagawing proyekto wala akong choice kesa bumagsak ako. Dala ko ang sarili ko laptop para may maiambag man ako sa kanya. Kahit alam ko na may sarili itong computer.
Naglalakad na ako papasok sa kanilang subdivision. Hindi pa nga ako papasukin ng guard dahil wala daw akong id. Takte pati ba naman dito hinahanapan din ng Id. Ibang klase! Nagmamakaawa pa ako kay Manong guard na papasukin na ako sa subdivision. Di ko naman papasabugin ehh. Tinawagan ko pa si Zack na ayaw ako papasukin ng guard dahil wala akong id. Ehh naiwan ko saka ano gagawin ko uuwe pa. Nababadtrip tuloy ako sa Manong guard na yun.
Andito na Ako sa harap ng bahay ni Zack. Nagdoor bell na ako nang ilang beses subalit wala pa rin nagbubukas ng pinto. Ano ba ginagawa ng lalaki na yun. Ang tagal ahh! Dahil sa inis ko malakas ako sumigaw dahil di man lang narinig ang doorbell pwes yung boses ko maririnig niya.
" Zack Lee Fierro! Ano di ka ba lalabas dyan!"
" Zack! Ano ba! Isa pang tawag ko sayo at di ka pa lumabas. Malilintinkan ka sa akin"
" ZACK! "
" Zack siraulo! Lumabas ka"
" Fuck you Sandra! Ang inggay mo!" sigaw sa akin ni Zack.
Lalabas naman pala sa lungga niya gusto pa ng sigawan.
" Kanina pa ako nag doorbell! Pero di mo ko pinagbubuksan. Ano ka bingi!" sabay taas ng kilay ko dito.
" I'm sorry saka naliligo ako at kakatapos ko pa lang" rason nito.
Tiningnan ko naman ito simula sa baba, pataas kung nagsasabi ba ng totoo. Oo nga naman basa pa ang buhok at halatang nagmadali magbihis dahil sa suot na damit baliktad pa. Natawa na lamang ako sa aking isipan.
" Tapos ka na ba pagnasahan ako" sabay ngisi nito.
" Duhh, kung pagbubuksan mo sana ako edi nakagawa na tayo ng project natin" pagtataray ko dito.
" Gusto mo ba gumawa ng baby" pangaasar nito sa akin.
Di ko ito pinansin at tinaasan lang ng kilay. Tuloy - tuloy lang ako pumasok sa kanyang bahay at pumunta sa kanilang sala. Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang mga dala kung gamit.
" Dito ba tayo gagawa" tanong ko dito ng di tumitingin.
" Hindi sa kwarto. Andun kase yung gagamitin natin"
Tumingin ako sa kanya at pinagkakatitigan ko siya kung nagsasabi ba ng totoo.
" Pinagloloko mo ba ako"
" Hindi malamang andun kase yung desktop ko" sabay sungit nito.
Tumalikod na ito sa akin.
" Aba, siya pa itong suplado ahh" bulong ko sa aking sarili.
Dali - dali ako sumunod dito kung di ko lng kailangan tulong nito sa project di na siya pupunta. Peste talaga itong lalaki masyadong maarte.
" Zack, ano ba? Iiwan mo lang ako doon sa sala"
" Zack" sunod ko dito.
" Zackzakan talaga ito ng suplado " inis na sambit ko.
" What did you say?" sabay harap nito sa akin.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at ngumisi.
" Nothing, Zack!" may diin kung sambit dito.
Inirapan lang ako nito at tumalikod na. Sumunod na lamang ako sa kanya nang pumasok sa kwarto nito.