Chapter 6: Iris
—————☆—————
Kristoff's POV
Pagkatapos ko dumaan ng Shakeys na malapit samin, agad na akong dumeretcho sa bahay nila Jess. Ang dami kong bitbit palabas ng kotse. Lahat na ata ng pwedeng bilhin doon binili ko na—-pizza, pasta, mojos, etc. Hindi ko pa sigurado kung anong gusto ni Jess. Di din kasi kabisado ni Malc kung ano bang mga gusto ni Jess eh.
Hay, makapagdoorbell na nga lang. At nagdoorbell na ako.
Inaasahan kong maid ang magbubukas ng gate pero nabigla ako nang siya agad yung bumungad sakin. Muntik ko na tuloy mabitawan itong mga dala-dala ko.
"Uy, Toff!" bati sakin ni Jess at saka siya ngumiti. Ngiti pa lang niya, ayos na yung araw ko.
"Uhm, hi Jess." Sh*t yun lang nasabi ko. Utal pa. Tsk.
"Tara pasok ka," aya niya. "Akin na yung ibang bitbit mo."
"Hindi na, Jess. Kaya ko naman." Nginitian ko na lang siya at ganon din naman siya. Agad naman akong pumasok at sinundan siya papasok. Hindi naman ito yung unang beses kong makapunta dito kaya alam ko na din kung saan pupunta. Hindi na bago sakin yung bahay. Agad kaming deretcho sa theater room nila.
"Wala pa si Malc?" tanong ko pagkalapag na pagkalapag ko ng mga dala kong pagkain.
Agad siyang umiling, "Nope, he's not here yet. Akala ko nga mauuna siya sa'yo since he invited himself here at my house."
Natawa na lang ako, "Alam mo naman yun."
Napatingin ako sa relo ko. Nakita ko namang lagpas 1PM na din.
Aba, himala yata at nalate yun.
Hindi kasi siya yung taong nagpapalate talaga lalo na may balak ata yun maging pulitiko sa future. Isa siya sa mga disiplinadong taong kilala ko pero pinakabaliw at loko-loko din. Masyadong madaming pakulo sa buhay.
"Grabe, you bought so many foods!" masayang sabi niya. "Mga pang limang tao. Hahaha. Ganon na ba kami katakaw ni Malcy(/mal-ki/)?"
"Uy, hindi. Hindi," agad na depensa ko. Napayuko naman ako at napakamot ng ulo, "Sa totoo lang kasi, hindi ko alam kung anong gusto mong pagkain sa Shakeys kaya medyo napadami ng bili."
"Ikaw talaga."
Nakita ko naman na medyo namula siya pero nginitian niya pa din ako. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti. Alam ko namang nahihiya at naaawkward siya sakin kahit papaano pero eto siya, pinapatunguhan pa din niya ako ng gaya ng dati.
"Oo nga pala!" Bigla kong naalalang may pagkain akong nabili na sigurado akong gusto niya. Agad kong tinanggal sa pagkakatali yung boxes ng pizza, "Ito sigurado gusto mo..."
Kinuha naman niya yung box at saka binuksan, "OMG, Angus Steakhouse!"
Sa loob-loob ko, napasuntok na ako sa hangin. Hindi nga ako nagkamali sa favorite pizza niya. Muntik pa kong magkamali dahil sabi ni Malc pepperoni daw. Buti na lang naalala ko nung minsang nag-order kaming dalawa (para din sa pagkain ng barkada namin sa isang sleepover), ito pinili niyang flavor.
"Uy Toff, thanks ah," at sabay kuha ng isang slice ng pizza, "Una na ko kumain."
Natawa naman ako, "Sige lang."
Ang cute niya talaga, hay...
"Anong trip mo palang movie, Toff? Ikaw na magchoose kasi napanood ko na naman lahat yan." tanong niya habang ngumunguya ng konti. "Para pagkadating ni Malcy, ready na din."
BINABASA MO ANG
Vulnerable
Roman pour Adolescents[Unlucky I'm In Love With My Best Friend sequel/Book 3] Kylie was taught to be strong. She was taught not to show others her weaknesses. She doesn't really show other people how vulnerable she is. She's an expert in hiding her pain. But they say tha...