Chapter 5: Letter

1.2K 19 0
                                    

"Calex" tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako, inabot ko sa kaniya ang tote bag. "May extra clothes ka na diyan, may essential din at pagkain mo" ngumiti siya at tinanggap yun.

"Salamat"

"Uuwi ka mamaya, diba?"

"Mm"

"Hihintayin kita" napatigil siya ngunit agad din tumango.

Sumakay na siya sa kotse niya kaya pumasok na ulit ako sa bahay namin at ni-lock ang pinto. Pumunta ako sa kusina at gumawa ako ng cake, 4th monthsary namin ni calex ngayon kaya gusto kong icelebrate.

Pagkatapos kong gumawa ng cake, nagluto din ako ng spaghetti at kung ano-ano pang masarap na handa. Nang matapos ang lahat, naligo na ako at hinintay si calex sa sala.

Tumingin ako sa relo at ala-otso na, baka pauwi na siya. Naghintay ulit ako ng isang oras at wala pa din siya kaya napag-pasyahan kong tawagan siya ngunit hindi niya sinasagot.

Kinuha ko ang susi at sumakay ako sa kotse ko at agad akong pumunta sa alpha hospital, nang makarating ako agad akong pumunta sa ICU at wala ng tao doon. Nasaan kaya siya? Sumilip ako sa kwarto ni angel at nakita ko doon si calex na mahimbing na natutulog sa tabi ni angel.

Agad akong napaluha dahil hindi manlang niya naalala ang monthsary namin, sinubukan ko siyang tawagan at mas lalo akong nanlumo ng patayin niya ang tawag at inayos ang kumot ni angel.

"I'll stay with you, angel. I love you so much" sambit ni calex, mahina man iyon ngunit pakiramdam ko isinigaw ni calex iyon.

Pinunasan ko ang luha ko at naupo sa bench, napatingin ako sa mga doctor at nurse na nagtatakbuhan sa hallway at dali-daling pumasok sa isang kwarto. Para bang napaka-importante ng pasyente dahil may bodyguard pa ito. Napabuga ako ng hangin at napatingin sa dingding.

Malapit na kaming ikasal ni calex, sana pag kasal na kami wala ng sagabal. Sa ngayon hahayaan na muna kitang lumalapit kay angel pero kapag kasal na tayo hindi na kita ipapalapit sa kaniya kahit kailan.

Tumayo ako at nagulat ako ng ilabas nila ang pasyente sa isang room, naka-oxygen ito at tila nagca-cardiac arrest siya.

Agad akong nagtago ng lumapit sa kanila si xander, lumabas din si calex upang malaman kung anong nangyayari.

"Anong nangyayari?" Tanong ni xander sa mga nurse.

"Doc, humihina ang pulson niya"

"Dalhin siya sa OR"

"Yes, doc"

"He will be fine?" Tarantang tanong ni calex kay xander na agad tumango kaya naka-hinga ng maluwag si calex. Why is he so concerned? Did he know that person?

Napatingin ako sa pasyente at may naka-lagay sa bunganga niyang tubo, nakaka-awa naman.

"What are you doing here?" Agad akong nagulat ng biglang sumulpot si adrian sa harap ko.

"W-Wala! Ano bang paki mo?" Ngumisi siya at lumapit sakin.

"Siguro, hinihintay mo ang off ko. Ikaw, ah!"

"Ano ba! Madiri ka nga, adrian!"

"Tsk, arte"

"Talaga! Tsaka, bahala ka nga diyan!" Umalis na ako doon baka mahuli pa ako ni calex na nandidito ako sa hospital.

Pag-uwi ko sa bahay, pinaputok ko agad ang confetti at sabay sabing..

"Happy 4th monthsary, calex"

Lahat ng hinanda ko, ako din lang mag-isang kumain. Nilantakan ko na din ang cake at nakakainis lang dahil sa tuwing kumakain ako, tumutulo ang luha ko. Argh!

The Moon And The Star. Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon