Uminom ako ng beer at tumingin sa langit, buwan lang ang mayroon ngunit alam kong kasama ng buwan ang mga bituin, natatabunan lang sila ng mga ulap.
"Masarap bang uminom mag-isa?" Napatingin ako sa bagong dating, si calex.
"Hindi ko alam, kung samahan mo kaya akong uminom. Oh!" Natatawa niyang kinuha iyon at tinagay. "Ayaw mo bang bantayan si angel ngayon?"
"Si dark na muna daw magbabantay"
"Tsk, buti pumayag ka?"
"Actually no, but I'm worried about you"
"For?" Seryoso niya akong tinignan sa mata.
"Tell me, pumunta ka kanina sa office ni chairman?" Uminom ako ng beer at hindi siya sinagot. "Silence means yes" napabuga siya ng hangin. "Why did you go there? Akala ko ba sa ER ka pupunta?"
"Akala ko din"
"Scar, huwag ka namang pilosopo" sumandal ako sa pader at tumingin sa langit.
"How I wish I can felt the butterflies again, calex. Just like the old days" agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa kaniya. "Do you know, how much I loved you right?"
"Scar.."
"I-I'm tired, calex. I'm so tired" pinunasan niya ang luha ko at sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Then, rest. Sa akin ka magpahinga, scar" napangiti ako at tuluyan ko ng naipikit ang mata ko dahil sa antok.
Nagising ako ng maka-amoy ako ng mabango'ng pagkain, naghilamos na muna ako bago bumaba. Dumeretso ako sa kusina at agad akong nagulat ng makita ko si calex na nagluluto ng breakfast.
"Calex?" Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Sit there, I'm almost done here" naguguluhan man ay tumango agad ako. Hindi ko akalaing ipagluluto ako ni calex, ano kayang nakain nito?
"Ahm? Anong nangyari kagabi?" Sabay hawak ko sa ulo, tumingin siya sa akin at natawa.
"Muntik mo na akong galawin kagabi" nanlaki ang mata ko at agad napatakip sa mukha.
"Shit! Really?" Inalis niya ang kamay ko sa mukha ko at tumango-tango siya na mas lalo kong kinamula.
"Cute" pinisil niya ang ilong ko at bumalik na siya sa pagluluto.
"Calex, sorry"
"What?" Nagpanggap siyang hindi ako narinig.
"Sorry" tumawa siya at tumango-tango sa akin, tila ba binibiro na ako. "Yah! It seems like not!" Mas lalo tuloy siyang natawa sa akin.
"Haha, sorry" nagulat ako ng buhatin niya ako at ipina-upo niya ako sa sink.
"May nagsosorry bang tumatawa? Hindi ka pa talaga sincere, ah!" Ngumiti siya at hinakawan ang pisngi ko.
"I'm sorry" sabay halik niya sa akin, napangiti ako at ginantihan siya ng halik. At habang hinahalikan ako ni calex, may alaalang pumasok sa isip ko
"Please.." nakiki-usap kong sabi sa isang lalaki.
"No, scar. I'm scared lalo na at hindi pa tayo kasal.
Agad akong lumayo kay calex at hinabol ko ang hininga ko.
"Scar, are you okay?" Tumango ako kay calex at agad niya akong binigyan ng tubig na agad kong ininom. What was that?! Who's that guy? Hindi kaya siya yung ex boyfriend ko na sinasabi nila? No way! "Maybe, you really need to rest"
"I'm okay now, calex. Masakit lang ang ulo ko" binaba niya ako sa sink at hinanda na niya ang pagkain namin sa mesa. Hanggang ngayon nababahala pa din ako sa pumasok sa isip ko. What if siya nga ang ex ko? Pero, bakit hindi pa siya magpakita sa akin? Ano ba talagang nangyari 3 years ago? Bakit wala akong maalala?
BINABASA MO ANG
The Moon And The Star. Book 1
القصة القصيرةShe is scarlet and she loves calex so much, she almost chases him and begs him not to leave her. But how long will she stop chasing the man who can never love her?