Scarlet POV
Today is a great day, I smiled and fixed my bed. Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako at ang ngiting naka-ukit sa labi ko ay biglang nawala. He left without saying goodbye, hays. As always naman, scar.
Bumaba ako sa hagdan at dumeretso sa kusina at agad akong nagulat ng makita ko siya doon na nag-aalmusal.
"Y-You're still here?" Napatingin siya sakin ngunit saglit lang iyon dahil niligpit na niya ang pinag-kainan niya.
"I need to go"
"Ah? W-Wait!" Tinaasan niya ako ng kilay kaya mabilis akong umiling.
"Tsk, say it"
"Ahm, gusto ko sanang bisitahin ka sa office mo. Kung maaari--"
"Okay" sabay alis niya, naiwan naman akong nakanganga dito. Totoo ba na pinayagan niya ako?
Hanggang sa pagligo ko nakangiti ako at ewan ko ba, nababaliw na ako sa kaniya ng sobra. Malapit na kaming ikasal kaya dapat masanay na ako sa kaniya, total ako ang may gusto nito. Pinilit ko ang mga magulang ko na makipag-kasundo sa mga magulang niya at ang nakakagulat lang doon kasi pumayag ang mga magulang niya, tatlong buwan na kaming engaged ni calex at walang nagbabago sa trato niya saking malamig.
Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight pero ng makita ko si calex na papasok sa restaurant bumilis agad ang tibok ng puso ko at parang nag-slow motion ang paligid ko. Pakiramdam ko din ay tinamaan talaga ako sa kaniya kaya inalam ko lahat ng pagkatao niya at doon ko na sinabi sa mga magulang ko na gusto ko ng maikasal, natuwa naman sila dahil iyon din ang gusto nilang mangyari kaya dali-dali nila akong pina-engaged kay calex. Ang mga magulang naman ni calex ang nag-set ng engagement party noon dahil gusto na din nilang maikasal ang anak nila.
Nagluto na muna ako ng kare-kare dahil favorite ni calex ito at nagsaing na din ako ng kanin. Pagkatapos ay nilagay ko na ito sa container at nilagay sa malinis na bayong.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito papunta sa kompanya ni calex, nang makarating ako pumasok na ako sa loob ng kompanya at dumeretso sa office ni calex. Akala ko madadatnan ko siya doon yun pala hindi, ang mga kaibigan ni calex ang nadatnan ko doon.
"Oh, scar! Napadalaw ka?" Sambit ni Jacob kaya napangiti ako at napatango.
"Nasa meeting ngayon si calex, sayang kakaalis lang. Hindi mo na tuloy siya naabutan"
"Ayos lang" sanay naman na ako, eh. "Iiwan ko lang itong pananghalian niya, pakisabi na lang na napadaan ako"
"Ah, sige. Hindi mo na ba siya hihintayin?"
"Hindi na, mauuna na ako" tumango lang silang dalawa sa akin.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kusa na itong bumukas at niluwa nito si calex, bumilis agad ang tibok ng puso ko at agad umiwas ng tingin.
"Oh, you're here" sambit niya at pumunta sa cabinet niya.
"A-Ah, paalis na rin ako" tumango siya at tumingin sakin.
"Malalate pala ako ng uwi mamaya or baka dito na ako matulog sa opisina ko. Just informing you"
"A-Ayos lang. Ahm, aalis na--oo nga pala, nilapag ko na sa table mo yung pananghalian mo" tinignan niya lang ang baunan at nag-ayos na ulit.
Lumabas na ako sa opisina at habang naglalakad ako sa hallway, nakakarinig ako ng chismis.
"What if, bumalik yung first love ni sir calex? Paano na kaya si ma'am scar?" Sabi ng isa, napakunot noo naman ako. Paano nga ba? Impossible! Matagal na silang hiwalay ni calex, for sure nakalimutan na siya ni calex.
BINABASA MO ANG
The Moon And The Star. Book 1
Cerita PendekShe is scarlet and she loves calex so much, she almost chases him and begs him not to leave her. But how long will she stop chasing the man who can never love her?