Chapter 12: The memories is back

1.1K 9 0
                                    

"Doc scar, akala ko ba half day ka lang today?" Tanong ni adrian, nagulat kasi siya ng makita ako dito sa information desk.

"May ooperahan pa ako mamaya"

"Edi, malalate ka sa party?"

"Okay lang, sa rooftop lang naman iyon. Okay ng late kesa hindi umattend"

"Dadating ba si calex?"

"Oo, papaunahin ko na siya sa rooftop mamaya"

"Okay. Bye, scar!" Ngumiwi ako ng umalis na siya.

"Doc! Tulong!" Mabilis akong lumapit sa matanda na hawak yung anak niyang may dugo sa tagiliran.

Binuhat ko ang bata at nilagay siya sa hospital bed at chineck agad ang vitals sign niya. Mahina ang pulson niya at namimilipit siya sa sakit.

"Tulungan niyo po yung anak ko, huhu. Sinaksak po siya ng ama niya, huhu" tumango-tango ako sa matanda at inutusan ang nurse na pakalmahin at bigyan ng tubig ang matanda.

Chineck ko ang heart beat niya at okay naman kaya sinimulan ko ng gamutin ang sugat niya. Malalim ang sugat niya kaya tinawag ko ang isa pang doctor upang alalayan ito.

Habang ginagamot ko ang sugat niya ay may biglang pumasok na alaala sa akin.

"Huhu, tama na!" Umiiyak kong sigaw sa kanilang anim. Kanina pa sila nagsusuntukam at kulang na lang ay magpatayan sila.

Inalalayan ko ang isang lalaking puro dugo ang mukha na mas lalo kong kina-iyak.

"Wake up, please"

"Doc scar, may naghahanap po sa inyo" napatingin ako sa nurse at tumango. Kanina pa ako tulala dito at iniisip ko pa din ang pumasok na alaala sa akin.

"Babe" napatingin ako kay calex na naka-suit attire pa kaya naaagaw niya ang atensyon ng karamihan dahil sa napaka-gwapo nitong mukha. "Are you okay? You look pale, what happened?"

"I'm just tired. You? Akala ko ba nareceive mo ang text ko--" parang nawala lahat ng pagod ko ng yakapin niya ako.

"Rest to me, scar"

"Thank you, calex" ngumiti ako sa kaniya at pinaharap siya sa akin.

"Anong oras matatapos ang operation mo?"

"Tatlong oras yun--"

"Then, hihintayin kitang matapos"

"Calex, you don't need to do that" hinawakan ko ang balikat niya. "Dala ko naman na ang gagamit ko para sa party kaya pagkatapos ng operation mag-aayos agad ako at pupunta na agad ako sa rooftop" napabuga siya ng hangin at tumango sa akin.

"See you later, scar"

"See you, babe" umalis na siya kaya pumunta na ako sa dress room upang ayusin ang sarili ko para sa operation.

Pumasok na ako sa OR dahil magsisimula na ang operation, napabuga ako ng hangin at sinimulan na ang operation. Habang patagal ng patagal mas lalo akong kinakabahan, napatigingin ako sa oras at mas lalo lang akong nangamba.

"Doc scar, calm down" saad ng nurse na kinatango ko, huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa operation.

Pagkatapos ng operation tumakbo agad ako papunta sa dress room upang mag-ayos. Malapit ng matapos ang party kaya mas binilisan ko pang mag-ayos.

"Doc scar!" Napatingin ako sa nurse at inabutan niya ako ng lipstick.

"Thank you"

"Go, doc scar!"

Pagkatapos kong mag-ayos, tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin. Naka-red dress ako at naka-white heels at naka-ponytail ako. Pumunta na ako sa elevator at sumakay agad ako, shemay! Kailangan kong makahabol.

The Moon And The Star. Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon