Chapter 12

19 1 0
                                    

Seah's Pov

"Sakay!" Paguutos ni Aian. Di na ako nag protesta pa mukhang mainit ulo nun eh. Tinext ko na lang sina Aila na sumunod na sila sa bahay.

"Ba't pumapayag ka na pagsalitaan ng di maganda nung babae!?" Napatingin ako kay Aian na nagdridrive.

"Uhh... di naman kasi ako guilty sa mga sinabi niya. Alam ko naman sa sarili ko yung totoo eh."

"Kahit na Eiah! Next time wag ka ng pumayag na pagsalitaan ka ng masama."

"Hayaan mo na. Aminin ko nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina pero ayaw ko lang ng gulo. Ayaw kong ibaba ang level ko sa kanya."

"Tss -_-"

***

"Bes, andito na sina tita at tito." Sigaw ni Aila mula sa baba. Nandyan na nga siguro sina mommy.

Tapos na naman akong mag ayos kaya bumaba na ako.

"Hi mom! I miss you. :)" Bati ko kay mommy ng makababa na ako. Kiniss ko din siya sa cheeks at naghug.

Ilang weeks kaming di nagkita kaya namiss ko talaga siya.

"Namiss ko rin ang little princess ko. :)"

"Ma, di na po ako bata. Haha"

"I know, pero kahit na malaki ka na ikaw pa rin ang baby princess ko."

"Mommy talaga. Haha"

"You're so beautiful tonight. :) Dalaga ka na talaga, marunong ka ng mag ayos ng sarili mo dati ako pa nag aayos sayo."

"Maka drama ka naman Ma. Hahaha By the way, saan na pala si Ry...Tito Ryan?"

"Nasa labas, tinawagan niya kasi yung anak niya."

"So, tayo na po?" Nagpaalam na kami kela Aila at Chloe bago umalis. Si manang Elsa lang yung kasama nila sa bahay ngayon pero mamaya maya pupunta naman daw sina Steven at Zach.

"Hi Seah! :)" Bati ni Tito Ryan sakin binati ko rin naman siya. Sumakay na rin kami agad sa kotse niya at umalis na.

After ng ilang minuto nakarating na rin kami sa restaurant nila Tito Ryan. Pagdating na pagdating namin sa garden ng restaurant kami agad pinapunta. Dun daw kasi kami magdidinner. Mukang wala pa ang anak ni Tito Ryan kasi kami pa lang 3 yung andun at wala ng ibang tao sa restaurant bukod sa amin at sa mga staffs and crew.

"Mom, excuse muna mag cCr lang ako." Tinanguan naman ako ni Mommy kaya hinanap ko na yung Cr nila. Dalawang beses pa lang ako napadpad dito pero hindi pa ako napunta sa Cr nila, kaya eto di ko pa rin mahanap. :3 Makapagtanong na nga lang.

"Uhm, excuse miss. Saan po yung Cr dito?" Pagtatanong ko dun sa babaeng nadaanan ko. Syempre agad niya naman akong binigyan ng direksyon at nagpa thankyou rin ako.

Pero habang papunta ako sa Cr may nakasalubong ako.

"Aian/Eiah?" Sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo dito?"

"May dinner. Ikaw? Diba may dinner rin kayo ng Mommy mo?"

"Yeah, kasama ko siya ngayon may hinihintay lang kami. Osya Cr muna ako. Bye!" Nagmadali na akong pumuntang Cr kasi ihing ihi na talaga ako.

After kong mag cr bumalik na ako sa garden kung saan sina mommy. Kaya lang papalapit pa lang ako sa pwesto nila mommy may nakita akong lalaking nakaupo kaso nakatalikod kaya di ko makita ang mukha. Ang puti niya kahit sa malayuan at kahit likod lang nakikita ko. Mga kasing tangkad siguro ni Aian. Kaso habang tinititigan ko ang likod niya napansin ko yung suot niyang damit. Ganyan din yung suot ni Aian kanina nung makasalubong ko siya. Di kaya...?

"Oh Seah, buti at andito ka na. Kanina ka pa ba dyan?"

"Ah di naman po." Di pa rin ako naalis sa kinatatayuan ko.

"Oh? Halika na umupo ka na." Lumapit ako dun sa table, umupo ako ng di tinitignan yung katabi ko. Pero after a minute unti unti kong nilingon yung katabi ko.

"Aian/Eiah?" Sabay ulit naming sabi. Si Aian yung magiging kapatid ko? Siya yung anak ni Ryan?

"Magkakilala kayo?" Pagtatanong ni Ryan.

"Dad, she's my girlfriend!"

"WHAT!? O_O" This time sina Ryan at mommy naman ang nagulat kaya sabay silang napa 'what'

Di ba sila nakikinig ng balita at nanunuod sa Tv? Ba't di nila alam yun? Ganun na ba sila ka busy sa kasal nila at di na nila alam ang nangyayari sa amin? Ewan, pero kasi bigla ko na lang naramdaman 'to. Ayaw kong maging kapatid si Aian. Di ko alam kong bakit ganito yung na feel ko nung nalaman ko 'to.

Oo di nga kami totoong magkapatid pero nasabi kasi dati sakin ni Mommy na baka aampunin daw ako ni Ryan. If mangyayari yun magiging kapatid ko na talaga si Aian legally and I don't f*ck*ng know kung bakit bigla ko syang ayaw maging kapatid. -_-

"Girlfriend ko si Eiah kaya di pwedeng maging kapatid ko siya!" Oo alam kong fake lang yun and tinupad ko ang nasa rule namin na bawal ipaalam sa iba na fake lang kami. Di ko na rin sinabi kay Mommy kasi, Fake nga lang. :3

"Is this true Seah?" Pagtatanong ni Mommy sakin.

"Yes Mom."

"Well, bagay naman kayong dalawa eh. :) Actually boto nga ako sayo Aian kasi nakikita kong di mo lolokohin at aalagaan mo ang anak ko." Anong bagay? Tss :3 Kung alam lang ni Mommy eh.

"Hindi pwedeng maging kayo!" Pagtututol ni Ryan. Bakit ginusto ko bang maging kami? Kung di lang ako blinack mail nyan ni Aian ayaw ko naman pumayag dyan eh.

My Celebrity BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon