Chapter 11

34 2 0
                                    

"A-ahh...." Di pa ako tapos magsalita ng Biglang sumulpot Si Aian.

"Good Morning Guys! Aga niyo ata dito?" Sabi niya sabay upo sa tapat ko. Nalipat naman agad ang Atensyon nung 4 sa kanya at tila nagtataka.

"Ba't ngayon ka lang?!" Sabay Sabay na tanong nung Apat sa kanya.

"Whoa! :O Chill. Ang Aga aga pa kaya. :3"

"12:30pm na p're, Anong Maaga dun?" Sabat ni Zach Nanlaki naman ang Mga mata  ni Aian ng marinig ang sinabi  ni Zach.

"12:30? O_O Ano....Paanong....Weh?"

"Late ka na naman natulog kagabi ano? Ano ba kasing ginawa mo? Naghanap ka ng Chiks ano? Hahaha"

"Chiks mo mukha mo! Tss" Sabay upo  niya sa tapat ko at nakisabay kumain sa amin.

Napansin kong Tapos na yung apat sa Pag kain, kaya Lahat sila nakatitig ngayon sa aming dalawa ni Aian.

"Problema niyo?!" Pagtatanong ni Aian.

"Seah! Anong oras ka nakauwi kagabi?" Paguusisa ni Chloe.

"2am I guess? Why?"

"Hoy Aian! Ikaw Anong Oras kang natulog kagabi?!"

"Ano bang problema niyo?!"

"Sumagot ka na lang!"

"Aish! Fine! 2am ako nakauwi mga 3am na ako nakatulog, Okay na?"

"Ohmyghad! Magkasama ba kayong dalawa buong gabi?" -Chloe

Sabi ko na nga ba, wala talaga akong ligtas sa mga to. :3 Daig pa ang Nbi kung maka imbestiga eh.

"Onga! Pareho kayong wala sa mga bahay niyo buong gabi. Ibig sabihin magkasama kayo?!" -Steven

"Saan kayo Galing? Saan kayo nagpunta? Nagdate ba kayo? Ba't di man lang kayo nagpaalam sa amin na uumagahin na kayo ng uwi? Ano ba kasing ginawa niyo at inumaga kayo ng uwi? Ohmyghad! O_O Don't tell me........No! No! No! This can't be!" Halos matawa na ako sa reaksyon ngayon ni Aila. Hahah Alam ko na ang takbo ng mga isip ng apat na to. Nang tumingin ako kay Aian naka kunot noo lang siyang Nakatingin sa apat.

"P're May Nangyari nga kagabi? O_O" -Zach

"Ah, Oo! Nangalay nga ako dahil kay Eiah e. Inam! Mukang nasarapan ata. Tulo laway pa yan kagabi e. Hahahaha" Di ko alam if matutuwa ako o ano sa sinabi niya. Alam kong hindi iyon ang ibig sabihin niya alam ko yung pagtulog ko kagabi ang ibig niyang sabihin kaso yung apat Alam ko na yung nasa isip nila. Asar!

"Ohmyghad Seah!" Sabay sabi ni Chloe at Aila.

"Sabi ko na nga ba! Masakit ba yung ano mo?......Ugh! Alam mo na yun! Diba Sasakit daw yun after niyong mag ano?! Ano bang nafifeel mo ngayon?! Geez! Paano pag nalaman to nina Tita at Tito? Jusko naman Seah!" -Chloe

"Gago ka Pare! Paano pag nalaman ng Media to?" -Zach

"Wala na! Sira na Career mo panigurado! Ano ba kasing pumasok sa isip niyo at Naisipan niyo gawin yun?!" -Steven

"Gumamit ba kayo ng Ano......yung pang proteksyon?"

"Huh? Anong pang proteksyon Aila?"

"Anak ng tokwa!!! Di kayo Gumamit nun?! Aian for pete's sake lalaki ka pa naman, Alam kong alam mo yun pero ano?! Di ka gumamit! Para ano?!!! Paano pag nabuntis yang Kaibigan ko?! Pucha naman!!!!"

Sabi ko na talaga e! Kung ano pinag iisip ng apat na to. Ang Green ng mga pagiisip. :3

"HAHAHAHAHAHA Buntis? Bakit? Eh Natulog lang naman kagabi yang kaibigan niyo e dahil na stuck kami sa room natin, nalock kmi kaya nakatulog kami dun, nakakabuntis ba yun?" Natawa na rin ako sa sinabi ni Aian. Natatawa na rin ako sa mga reaksyon ngayon nung apat. Hahaha

My Celebrity BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon