Hi guys! I'm back! 😊 After how many years nakapag update rin. 😂 Sorry dear readers if di ko na inupdate to sobrang busy lang sa school dati. Ngayon bubuhayin ko na ulit to. 😊
Btw, ieedit ko muna to sa mga susunod na araw para umayos naman to. Hehe
Enjoy kayo sa bagong update and don't forget to vote, comment and share. 💖
Aian's POV
Nagulat ako sa sinabi ni dad. Naiinis ako sa kanya, of all the people bakit siya pa ang tututol?!
"Seriously dad?!" Nakakunot noo 'kong sabi.
"Hon, bakit naman? Wala naman akong nakikitang mali if mag nobya o mag nobyo ang mga anak natin. Di naman sila magkadugo. Masaya naman sila, hayaan na natin." Sabi ng mommy ni Eiah.
"Gusto niyo bang pag chismisan ang pamilya natin?! Alam niyo naman ang mga tao, kung ano ano na lang ang sasabihin, at saka baka masira pa ako niyan sa mga kasosyo ko sa negosyo! Hangga't maaga pa maghiwalay na kayo kung ayaw niyo na ako mismo gagawa ng paraan!" Cold na sabi nito. Sinamaan ko sya ng tingin sa sobrang inis ko.
Parang umiba rin ang mukha ni Eiah after hearing those words kay dad at napatingin rin sya sakin.
"Excuse me!" Tumayo na ako at pupunta na sana sa ng cr ng magsalita si dad.
"Where are you going Aian?! Di pa tayo nagsisimulang kumain, wag kang bastos!"
"Sorry!" I said and leave the table at lumabas na ng resto.
Di ko na rin kayang umupo pa dun and sumabay sa kanilang pagkain. Ugh! I don't know why bakit ganun na lamang ang pagtutol niya, though fake lang naman ang pinapalabas namin ni Eiah but I can't help it na magalit kasi eversince gusto ko na si Eiah and totoo lahat ng pinapakita ko sa kanya, di yun part ng pagpapanggap. Tss!
Andito ako sa labas di ko alam if saan ang punta ko, gusto kong umalis dito kaya sumakay na lang ako sa kotse at nag drive pabalik ng bahay ko. Gustuhin ko man mag bar kaso di pwede baka madaming makakita sakin. Sa bahay na nga lang. Tss.
Biglang tumunog ang phone ko and nakita ko may nagtext. Malapit na rin naman ako sa bahay kaya dun ko na lang iopen.
1 message received
From: Eiah
Where are you? Okay ka lang ba? Hinanap kita sa labas kaso wala na yung sasakyan mo.
I smiled while reading her text. She's looking for me pala? Concern rin siya sakin.
To: Eiah
Aww my girlfriend is looking for me pala. Sorry, if I left and sorry for what I acted earlier Eiah and to your mom.
Bigla kong naisip na tawagan na lang si Eiah. Di rin kasi kami nakapagusap ng maayos kanina.
I dialed her number and luckily she answer.
Hi Wifey!
Oh bakit? Miss mo agad ako?
Oo eh, ikaw ba di mo ko namiss?
Bakit naman kita mamimiss? Ano ba kita?!
Parang kanina lang concerned to sakin ah, biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Incase you forgot Ms. Alleje I'm your boyfriend!
Incase you also forgot Mr. Young, our relationship is just fake!
Sungit mo naman babe, meron ka ba? Kanina lang hinahanap mo ko ah.
Tse! Kanina yun noh, ngayon di na. Okay ka naman.
Paano pag sabihin kong di ako okay?
Ayaw 'kong paghiwalayin tayo, ayaw kong mawala ka pa ulit sa akin Eiah.
Matagal 'kong hinintay ang araw na to, na makasama ka. Tapos ngayon na andito ka na sa akin, saka na naman tayo paghihiwalayin. Tss!Tahimik lang si Eiah sa kabilang linya, pero rinig ko yung hininga niya akala ko binaba niya na.
Still there Eiah?
A-ah e-eh Oo andito pa 'ko. Uhm, pwede bang wag mo masyadong careerin yung role mo? Di bagay yung mga drama mo eh. Hahahah
Natawa na lang ako sa kanya.
Basag trip ka talaga lagi. Tss!
Tumawa naman siya sa kabilang linya. Matagal pa kaming nag usap ng kung ano ano. Nakauwi na rin naman siya hinatid siya ng mommy niya sa kanila. Di ko namalayan ang oras, 10pm na pala kaya umakyat na ako sa room ko.
****
Seah's POV
"So kamusta ang dinner with tito Ryan and his son?" Bungad agad ni Aila sakin na nasa sala.
"Ayun, it didn't turn out well." Sabi ko sabay akyat sa hagdan patungo sa kwarto ko. Naramdaman ko rin naman ang mga yapak ni Aila, for sure susundan ako nito kasi knowing her makiki chismis naman yun. Hahah
"Wait, what? Bakit ano bang nangyari?"
"Si Aian yung anak ni Ryan, siya ang magiging kapatid ko." Casual 'kong sagot sa kanya.
"O anong problema dun? Si Aian lang naman pala..." Bigla siyang napatigil at napatingala sa akin na tila gulat na gulat.
"Wait! Si my labs yung anak niya? Waaaaaah! Omg beshy!" Pagulong gulong siya sa kama ko na tila di makapaniwala.
"Yup, and gusto niya kaming maghiwalay ni Aian sa ayaw at gusto namin...mabuti na ri..." bigla naman ako napatigil sa sinasabi ko kasi narealize ko na dapat walang makakaalam na fake lang yung relationship namin ni Aian.
"Ha? Anong mabuti??" Pagtatanong niya na tila nagtataka.
"A-ah w-wala, I mean m-mabuti sana kung magkadugo kami ni Aian, kaso hindi naman kaya okay lang naman eh."
"Tama bes, tsaka sa papel lang naman kayo magiging magkapatid. Ano ba yan panira, tss! Kung saan may lovelife ka na friend! Ako nga kahit na baliw na baliw ako dun kay my labs never akong tumutol sa inyo." Nakapangalumbaba niyang sabi.
"Kaya nga eh, di tuloy namin alam ni Aian kung anong gagawin." Sabi ko at humiga na rin sa kama ko.
"Kung mahal niyo naman ang isa't isa at masaya kayo edi ipaglaban niyo. Wag niyong hayaan na paghiwalayin kayo at magsisisi sa huli na wala kayong nagawa para isalba yung relationship niyo. Osya, balik na ako sa room ko ah. Good night bessy!" Sabi niya at sinara yung pinto.
Tumatakbo ngayon sa isip ko ang sinasabi ni Aila. Ewan pero nalungkot rin ako nun kanina habang sinasabi ni Ryan na maghiwalay kami. Alam ko naman na fake lang ang lahat ng ito pero half ng heart ko nalungkot bigla. Haysss.
BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfriend
Teen FictionThis story is a work of fiction based on the author's imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, events, places and/or other stories is entirely coincidental and not intended by the author. Copyright © 2014 by itsZeyyzee. All righ...