Seah's Pov
"Napasa mo na ba?" Salubong agad sa akin ni Aian ng Makalabas na ako ng Faculty's Office. Di na kasi sya pumasok sa FO Kaya sa Labas na lang siya ng Office naghintay. Buti at may Bench naman sa Tapat.
"Oo, Sorry natagalan may panibagong Article na naman kasing pinagawa si Miss e. :3"
"Tungkol saan naman yun?"
"Ha? A-ahhh E-Ehh W-wala. Tungkol lang sa Ilang Estudyante dito. Tara na! Gabi na rin e. 7pm na. Gutom na rin ako." At tumalikod na nga ako sa kanya. Di pa man din ako nakakalayo ng bigla syang magsalita.
"Labas tayo! May malapit na Resto dyan 10 mins. Away from here. Gutom na rin naman ako. :3"
Napatigil naman ako sa Sinabi nya. Ano daw? Labas? As In Date? O_O Weeh?
"L-Labas? Ikaw at A-Ako lang?"
"Oo, Wala naman tayong Ibang kasama. Unless kung may mga kasama kang di ko nakikita. Haha" Bwisit! Maka Asar. -_-
"Oo Meron akong nakikitang di mo nakikita."
"O_O Saan?!" Nanlalaking mata nyang tanong. Bwahahaha. Kala mo! Ngumiti ngiti ako at Tumingin sa Tabi nya As If may nakikita nga ako.
"Hi! :D" Sabi ko at tumingin sa tabi nya na kunwari ay may kinakausap kuno. Hahahah
"HOY! EIAH!! Tumigil ka!"
"Okay lang ikaw?" Di ko pa rin titigil ang pananakot sa kanya. Kahit Halos Matawa na ako sa reaksyon nya pilit kong pinipigilan. Hahaha
"ANO BA!!! TARA NA NGA!!" Aba. Nag walkout at nilagpasan ako. HAHAHAHA Duwag naman pala!
"Ano? Di ka na Aalis dyan?!"
"BWAHAHAHAHAHA!!! You Should've Seen your face kanina! HAHAHAHAHAHA"
"Anong Nakakatawa dun? Tss! Bilisan mo na nga at ng makauwi na tayo!"
"Haha. Sungit mo. :P tara na nga." Naglakad na ako at Nilagpasan siya pero maya maya lang din ay Nakasunod na pala siya sa akin. Kaya Sabay na kami naglakad papuntang gate. Kaya lang di pa man din kami nakadating sa Gate eh may naalala ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Teka lang!" Pagpigil ko sa Paglalakad niya kaya napalingon siya sa akin.
"Oh?"
"Naiwan ko yung Notes ko sa Physics sa Room natin. Kukunin ko lang." Tatalikod na sana ako ng Magsalita siya.
"Wag na. Bukas mo na lang kunin di naman mawawala yun e." Hindi pwedeng Wala akong Notes Kasi May quiz kami bukas sa Physics. Kaya kelangan ko talagang Pag aralan yun. :3
"May Special Quiz tayo bukas diba? Paano ako Makapag aral nun?"
"Ipapahiram ko na lang sayo Notes ko."
"Ehh? Paano ka? Ikaw na naman ang di makapagaral nyan. Kunin ko na lang yun. Saglit lang naman. Pero kung gusto mo ng Mauna Okay lang. Baka Hinahanap ka na Dun sa inyo." Tatalikod na sana ako sa kanya ng Hawakan niya yung Braso ko.
"Samahan na kita!"
"Wag na. Saglit lang talag...." Di pa man din ako tapos sa sasabihin ko ng magsalita na naman siya.
"Wag ng makulit! Samahan na sabi kita! Tara na nga." Hinila na niya ako kaya di na ako nakatanggi pa sa kanya.
Tumakbo kami para makabalik na kami agad Kaso sa gitna ng pagtatakbo namin biglang namatay yung lahat ng mga ilaw kaya napahinto kami ni Aian. Ghad! Buti na lang at nasa 4th floor na kami. Konting hakbang na lang patungo sa Classroom.

BINABASA MO ANG
My Celebrity Boyfriend
Teen FictionThis story is a work of fiction based on the author's imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, events, places and/or other stories is entirely coincidental and not intended by the author. Copyright © 2014 by itsZeyyzee. All righ...