POSSESSION
"Five hundred thousand? Iyon lang po ba lahat ng parte ko?" Hindi ko naitago ang gulat nang sabihin sa'kin ni Mommy Asha na kalahating milyon lang ang parte ko sa limang milyong ibinid ng babae kanina.
"Ten percent lang umano ang para sa'yo. Hayaan mo nalang, malaking halaga na rin 'yan, makakatulong na rin 'yan sa'yo." Alam kong malaki na ang kalahating milyon dahil kahit isang beses ay hindi pa ako nakakahawak ng gano'n kalaking halaga. Pero hindi naman ata tama ang hatian. Akala ko twenty percent ang para sa'kin.
"Pero twenty percent po ang pinangako sa'kin."
"Binawasan na nila dahil malaki naman daw. 'Wag ka nalang magreklamo, tanggapin mo nalang. Baka kung mapanu ka pa kung magrereklamo ka. Kilala mo naman sila," payo sa'kin ni Mommy Asha. Tumango nalang ako at hindi na nagreklamo pa.
"Mamaya lang ibibigay na nila sa'yo ang parte mo. Nasaan na nga pala iyong nagbid sa'yo at bakit nandito ka pa?" Nagpalinga-linga ito ng tingin para hanapin iyong babaeng nagbid ng limang milyon kanina.
"Hindi ko po alam. Hindi ko na rin po nakita matapos akong bumalik sa likod kanina."
"Gano'n ba? Dito ka na lang muna dahil baka inaasikaso pa ang magiging transaction ng pera. 'Wag kang aalis dito, baka tawagin ka na lang mamaya ni Bianca."
"Sige po."
Katulad ng sinabi ni Mommy Asha ay nanatili nalang muna ako dito habang hinihintay ang babaeng hindi ko pa alam ang pangalan. Until now hindi ko pa rin maisip ang posibleng dahilan niya sa pagbid kanina.
"Hailey, right?" Lumingon ako sa likod ko nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Opo," magalang na sagot ko sa babaeng mukang matanda lang sa'kin ng ilang taon.
"Wow, you're really beautiful. No doubt you got the highest bid of the night," papuri nito at nginitian ako. Ngumiti naman ako dito pabalik.
"Thank you po," medyo nahihiya pang tugon ko.
"You're welcome. By the way, I was instructed to give you this. Five hundred thousand pesos ang laman niyan." Inbot nito sa'kin ang brown envelope na halatang makapal ang laman.
"Maraming salamat po."
"You are also allowed to go home tonight. Mag iingat ka nalang pag uwi lalo pa't malaki ang dala mong pera," nakangiting sabi pa nito.
"Po?" Nakapagtataka na pwede na akong umuwi dahil halos lahat ng kasama kong mga babae sa auction kanina ay inuwi na ng mga nagbid sa kanila. "Hindi...hindi po ba ako iuuwi no'ng babaeng nagbid para sa'kin kanina?"
Natawa ito sa tanong ko kaya napansin ko ang dalawang dimples nito. "Hindi pa ba kayo nag uusap? Umalis na siya."
"Po?" Mas lalong lumaki ang pagtataka ko dahil sa sinabi nito. "Umuwi na po?"
"Yes, she already fixed everything. According to her, she'll allow you to go home tonight. Babalik na lang daw siya bukas."
"Gano'n po ba? Anong oras po ba ako babalik dito bukas?"
"You do—" She was cutted by someone.
"Bianca, I need you here!"
"Oh, I'm sorry, but I have to go, Hailey." Kaagad itong umalis sa harap ko at sumunod sa lalaking tumawag sa kaniya.
Nagbihis na muna ako ng maayos na damit bago ako lumabas ng lugar na 'yon. Habang nasa loob ng taxi ay hindi ko maiwasang isipin kung saan ako gagamitin ng babaeng 'yon. Hindi ko alam kung anong pakay niya sa akin. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
YOU ARE READING
SOLD
RandomKazumi Hailey Villaruel is a young woman with a heart of gold. Despite her difficult circumstances, she has always put her family first. When her mother fell ill and her youngest siblings' education was put at risk, Kazumi knew she had to take actio...