NAEKKEO
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang nakatingin sa mga gamit na binili ni Miss Gunn para sa akin kahapon. Hindi ko alam na para sa akin pala ang lahat ng napili ni Miss Irene sa mall.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinapayagang umuwi. At sa tingin ko ay wala rin siyang balak na pauwiin ako. Mabuti nalang ay napakiusapan ko siya na tawagan ko si Mayumi. Wala kasi akong cellphone dahil binigay ko kay Mayumi kaya pinabilhan niya ako ng sariling cellphone kahapon.
Ngunit sa kabila no'n ay nag aalala pa rin ako kila nanay. Iba pa rin kasi talaga kung naroon ako at makikita kong maayos talaga sila.
Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Hapon na at bagot na bagot na ako dito. Wala kasi akong ibang ginagawa maliban sa magkulong sa kwartong 'yon. Hindi rin ako hinahayaang makalabas ng mga taohan ni Miss Gunn.
Balak ko sanang bumaba kaso napadaan ako sa office ni Miss Gunn. Pansin kong medyo nakaawang ang pinto kaya palihim akong sumilip sa loob. Hindi pa kasi ako nakapasok dito sa office niya dahil limitado lang umano ang mga taong hinahayaan niyang pumasok dito.
"That's bullshit! Don't come back here until you've fixed that shit. I don't care if we will only lose twenty million over this, I won't tolerate any wasted transactions!" Narinig kong may kausap ito sa telepono at mukang hindi maganda ang usapan nila dahil sa taas ng boses nito. She's speaking with conviction and authority na naging dahilan para kahit ako ay kabahan.
"And make sure na malinis ang lahat pagkatapos...kung ayaw ninyong kayo ang linisin ko." Napalunok ako dahil sa sunod na sinabi nito. Para bang she won't tolerate any mistakes.
"Ah—hmm." Halos tumalbog palabas ang puso ko dahil sa gulat ng may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Nang alisin nito ang kamay niya at bitawan ako ay tyaka ko lamang nalaman na si Ross pala iyon. Hinila ako nito palayo sa office ni Miss Gunn.
"Anong ginagawa mo?" May bahid ng iritasyon ang boses nito. Hindi naman ako sumagot dahil naisip kong muli ang mga sinabi ni Miss Gunn sa kausap niya kanina. Tungkol saan kaya ang problemang 'yon?
"Hindi mo dapat ginawa 'yon," saad pa nito nang makalayo kami sa office ni Miss Gunn. Huminto siya at humarap sa akin.
"A-ang alin?" Pagmamaang maangan ko kahit alam ko naman ang tinutukoy niya.
"Alam mong ayaw niyang magpapasok ng iba sa office niya maliban nalang kung may permiso niya. Naisip mo ba kung anong pwede niyang gawin sa'yo kung nahuli ka niyang nakikinig sa usapan nila?!" Napayuko ako nang makita ko ang galit na mukha ni Ross. Hindi ako sumagot sa kaniya dahil tama siya. Hindi dapat ako nakinig sa usapan ni Miss Gunn at ng kung sino man 'yon.
Nang mapansin nitong hindi ako kumikibo ay hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya.
"Look, I'm saying this for your own safety. Gusto mo pa namang makaalis dito diba?" Tumango lang ako sa sinabi nito.
"Ede gawin mo ang sinabi ko. Hangga't maaari ay umiwas ka kay Miss Gunn."
Ako naman ang napabuntong hininga sa sinabi nito. Paano ko naman gagawin ang bagay na 'yon?
"Sa tingin mo ba magagawa ko 'yon ngayong fiance niya na ako?"
"You're not her fiance," deretsong sagot ni Ross habang nakatingin sa mga mata ko.
YOU ARE READING
SOLD
De TodoKazumi Hailey Villaruel is a young woman with a heart of gold. Despite her difficult circumstances, she has always put her family first. When her mother fell ill and her youngest siblings' education was put at risk, Kazumi knew she had to take actio...