Chapter Thirteen

1.2K 45 0
                                    

LIES

"Nandito ka lang pala. I've been searching for you all around the mansion." Ramdam ko ang biglang paninigas ng katawan ko nang yumakap sa akin mula sa likod si Nyx. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman o kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang mga nakita ko kanina. Ang alam ko lang ay natatakot ako ngayon, kung para saan ang takot na 'yon? Hindi malinaw sa akin.

"Why are you so quiet? Masama ba ang pakiramdam mo?" Kumalas ito ng yakap sa akin at ipinaharap ako sa kaniya. Tumingin ako sa mga mata nitong may bahid ng pag aalala.

"What's wrong? Are you okay?" Hindi ako nagsalita at tinitigan ang mga mata nito. Gusto kong tanongin sa kaniya kung anong klaseng tao ba talaga siya pero parang may pumipigil sa akin.

"Are you sick?" Idinampi niya sa noo ko ang palad niya pero hindi ako nagsalita. Naramdaman kong biglang nag init ang mga mata ko.

"H-hey, what's the problem?" Mas lalong tumindi ang pag iinit ng mga mata ko nang makita kung paano siya mag alala sa akin.

Malinaw pa rin sa isip ko ang mga nasaksihan ko kanina. Malinaw pa rin sa isip ko kung paano niya kinalabit ang gatilyo ng baril dahilan para bumagsak ang katawan ng lalaking 'yon sa harap niya. At ang higit na malinaw sa isipan ko ay ang mga ngiti niya habang nakatingin sa walang buhay na katawan sa harap niya.

Simula pa lang alam kong hindi lang siya katulad ng mga pangkaraniwang tao. Alam kong may kakaiba kay Nyx. Noong una palang ay sumagi na sa isip ko na maaaring masama siyang tao.

Ngunit ang masaksihan mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya kumitil ng buhay ay hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap lalo pa't alam kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya.

"What happened, Naekkeo? May masakit ba sa'yo? Did something happened?" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko habang nakikita itong nag aalalang nakatingin sa akin. Noong una ay wala siya sa aking pakialam, ngunit habang tumatagal ay nakikita ko ang pagbabago niya. Nakikita kong may halaga na ako sa kaniya.

Nalilito ako sa nararamdaman ko. Ayokong paniwalaan na gano'ng klaseng tao si Nyx...pero anong magagawa ko kung ako na mismo ang nakakita sa ginawa niya?

Hindi ko na napigilan ang paghikbi nang yakapin ako nito... mahigpit na yakap. Ramdam ko ang mahinang paghagod niya sa likod ko na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Tell me what happened, Naekkeo... please?"

Masamang tao si Nyx. Pumapatay siya ng kapwa niya. Gusto kong itatak sa isip ko ang mga salitang 'yon pero pinipigilan ako ng damdamin ko. Sinasabi ng isip ko na masama si Nyx, ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang damdamin ko sa nararamdaman ko sa kaniya.

Alam kong hindi mabubura ng mabubuting nagawa ni Nyx ang masasamang ginawa niya. Ngunit hindi rin mabubura ng masasama niyang nagawa ang mabubuti niyang ginawa.

"Wala ng mabuti sa mundong 'to, Miss Villaruel."

Unti-unting gumalaw ang mga kamay ko para yakapin pabalik si Nyx. Nang maramdaman nito ang ginawa ko ay muli siyang nagsalita.

"I'm worried, Naekkeo. Tell me what happened." Umiling ako dito habang yakap niya pa rin ako.

"You can always tell me what's bothering you," patuloy pa nito pero muli akong umiling.

SOLD Where stories live. Discover now