HOLDING HANDS
"Good morning, Azumi. Kain ka muna sa baba?" Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay si Chantelle agad ang bumungad sa akin. Nakangiti ito ng malaki kaya napangiti na rin ako ng kahit na tipid. Nakakatuwa na kahit papaano ay may taong masigla dito sa mansion na to. Halos lahat kasi ay mukang seryoso at nakakatakot kausapin.
"N-nasa baba na ba si Miss Gunn?" May pag aalinlangan na tanong ko. Ang sabi kasi sa'kin ay ang kwartong tinulogan ko ay ang kwarto ni Miss Gunn. Kaya pala sobrang laki at ang daming pinto. Ang kaso lang ay hindi ito bumalik sa kwarto simula no'ng iwan niya ako sa veranda kagabi. Hindi siya sa kwarto natulog.
Hindi naman sa gusto ko siyang makatabing matulog. Napaisip lang kasi ako kung saan siya natulog. Sigurado naman kasi akong hindi dito sa kwarto dahil halos hindi ako nakatulog kakaisip kila nanay.
"Maaga siyang umalis. 'Wag mo nang isipin 'yon, mabuti nga't wala siya rito, makakagalaw tayo ng maayos kahit papaano. Halika na sa baba para makakain ka na," sagot nito at hinila na ang braso ko. Napatingin nalang ako sa kamay nitong nakahawak sa akin. Kung makakapit kasi siya akala mo'y matalik kaming magkaibigan.
"Pinagluto kita ng bacon, paborito mo ba 'yon?" Masiglang tanong nito habang pababa kami ng hagdan.
"H-hindi," nahihiyang sagot ko. Sa totoo lang ay hindi pa nga ako nakakakain no'n.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Ayos lang 'yon, marami naman kaming hinandang pagkain sa baba.
Pagdating sa dining ay sinalubong ako ng napakaraming pagkain. Akala ko ay para sa aming lahat 'yon pero ako lang ang naupo ro'n habang sila ay nakatayo lang sa gilid.
"Hindi niyo ba ako sasabayang kumain?" Tanong ko sa kanila pero mabilis silang umiling. Halos sabay sabay pa sila.
"H-hindi po kami maaaring sumabay sa inyong kumain. Magagalit po si Miss Gunn," sagot ng hindi ko kilalang katulong.
"Pero wala naman po siya rito," katwiran ko pero umiling pa rin ito sa akin. Napasimangot nalang tuloy ako. Marami ngang pagkain pero mag isa lang akong kakain. Bigla na namang pumasok sa isip ko si nanay at Mayumi, may pagkain kaya sila ngayon?
"Sasabayan nalang kita," rinig kong sabi ni Chantelle na agad na umupo sa tabi ko. Wala sa sarili tuloy akong napangiti.
"Chantelle," rinig kong saway sa kaniya ng kung sino kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Ross na nakatingin kay Chantelle habang salubong ang mga kilay.
"Sasabayan ko lang namang kumain si Azumi para hindi na siya masyadong malungkot," malungkot na sagot ni Chantelle kay Ross.
"Alam mong hindi pwede ang gusto mong gawin," pangaral dito ni Ross.
"Pero..."
"Tumayo ka—"
"Hayaan mo na siya. Wala naman si Miss Gunn at hindi rin ako magsusumbong." Ako ang sumagot kay Ross kaya napunta sa'kin ang tingin nito. Hindi siya nagsalita pero mukang tutol pa rin siya. Maya-maya pa ay tumalikod ito at naglakad palayo.
"Kain na tayo?" Rinig kong tanong ni Chantelle kaya muli akong humarap sa kaniya at tumango.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam muna sa'kin si Chantelle na may gagawin pa siya kaya mag isa akong bumalik sa kwarto. Kaso hindi ko pa rin kabisado itong mansion kaya nahirapan akong hanapin kung nasaan ba iyon. Masyado kasing maraming pinto at pasikot-sikot.
YOU ARE READING
SOLD
RandomKazumi Hailey Villaruel is a young woman with a heart of gold. Despite her difficult circumstances, she has always put her family first. When her mother fell ill and her youngest siblings' education was put at risk, Kazumi knew she had to take actio...