Chapter Eight

1.4K 54 1
                                    

APOLOGY

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi ko pa rin kinikibo si Miss Gunn. Napansin kong pasulyap-sulyap ito sa akin pero nagpatay malisya na lang ako.

Nauna akong umakyat sa kwarto at hindi na ito hinintay. Nahagip ng paningin ko na tumayo na rin ito pero hindi ko alam kung saan siya pumunta. Ilang minuto na rin kasi akong nasa loob ng kwarto pero hindi ito sumunod.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ross kanina. Habang naaalala ko ang mga sinabi niya ay parang nahihiya ulit ako kahit wala naman siya dito at walang nakakakita sa akin.

Natigilan ako sa pag iisip at napasulyap sa pinto nang marinig kong may pumasok. Nagtama ang mga tingin namin ni Miss Gunn pero nag iwas din ako agad.

"Do you want to go somewhere... tomorrow?" Mahinahon ang boses niya nang itanong niya iyon.

Hindi ako nagsalita at naglakad papuntang veranda. Napapikit naman ako ng salubongin ako ng malamig na simoy ng hangin.

"It's cold in here," rinig kong sambit ni Miss Gunn. Nakasunod pala ito sa akin.

Hindi ko pa rin ito pinansin at nanatiling nakapikit. Wala akong ideya kung anong nakain niya't napapadalas na ang pakikipag usap niya sa akin. Hindi naman siya ganiyan no'ng bago pa lang ako dito. Halos hindi niya nga ako kiboin buong araw at palaging katulong ang inuutosan kapag may gustong ipasabi sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito malapit sa akin pero hindi ko pa rin ito pinansin.

"I can't bear this silent treatment from you anymore. Why aren't you talking to me? Are you mad because of what happened yesterday?"

Dumilat ako at masama siyang tiningnan. Ilang hakbang lang ang layo niya sa akin.

Pansin kong naghihintay siya ng sasabihin ko pero nag iwas lang ulit ako ng tingin sa kaniya at hindi nagsalita.

Bago ko tuluyang maiiwas ang tingin ko ay nakita ko pang kumibot ang panga nito. Mukang nauubosan na siya ng pasensya.

"Fine! Tell me what should I do to expunge that madness your feeling towards me. What should I do, Kazumi?"

Natawa ako ng pagak dahil sa sinabi nito. Kailangan ko pa bang sabihin sa kaniya kung anong dapat niyang gawin? Hindi ba siya nag iisip?

"Wala akong sasabihin," tanging sabi ko at babalik na sana sa loob ng kwarto ng hawakan nito ang braso ko. Natigilan ako sa paglalakad at bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang maalala kung paano niya ako hawakan ng mariin sa braso kahapon.

Nang mapansin niya ang reaksyon ko ay binitawan niya rin naman ako. Inangat ko ang tingin ko para salubongin ang mga tingin niya sa akin.

"Okay, fine...fine." Huminga siya ng malalim at nag iwas ng tingin sa akin. "I'm sorry."

Kumunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagsabi nito. Hindi naman siya sincere. Hindi niya nga magawang tumingin sa akin.

Napailing nalang ako na tinalikuran ito. Wala naman sa loob niya ang paghingi niya ng tawad. Magsasayang lang ako ng oras sa kaniya.

"Kazumi!" Malakas ang boses na tawag nito sa pangalan ko pero tuloy tuloy lang ako papasok sa loob.

"What's wrong with you?! You're being so..." Huminto siya at hindi tinuloy ang sasabihin kaya humarap ako sa kaniya.

"What?" Tanong ko dito habang mariin ang titig sa kaniya.

"Just talk to me properly," pag iba nito ng usapan.

SOLD Where stories live. Discover now