Chapter Fourteen

1.1K 40 4
                                    

PHONE CALL

It's been two days since the day that I saw Nyx with another girl and I noticed that there's something strange about her. Alam ko naman na malihim talaga siya, but this one gives me strange feelings too. Pakiramdam ko she's up to something I wouldn't like.

It made me wonder about the fiance thing. I don't know if I should really hold on to that kasi hindi naman namin napag usapan ang bagay na 'yon. She just told me that I'm already her fiance tapos ayon na, fiance niya na ako. Minsan tuloy napapaisip ako kung dapat ko bang seryosohin 'yon o hindi. Nag aalala na rin ako para sa sarili ko at para sa nararamdaman ko.

"Saan ka pupunta?" I asked her nang makitang nakabihis ito at mukang may pupuntahan. I took my phone and look what time is it. It's already 12 midnight.

"Something happened. Go back to sleep. I need to go now." Without hearing how would I respond, she left.

Sa halip na matulog ulit katulad ng sinabi nito ay bumangon ako. Malamig man ay lumabas ako ng veranda para tanawin ang paalis na sasakyan ni Nyx. Mukang nagmamadali pa ito.

This past few days I kept on thinking about Nyx, about the other girl, about my feelings, and about us. I don't know how to deal with what I'm feeling and with those thoughts that keeps on bugging me. Hindi ko alam kung paano magreresponse sa sitwasyon ngayong hindi ko alam kung may karapatan pa akong maaapektohan.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at matamlay na naupo sa ibabaw ng kama. Huminga ako ng malalim, trying to stop myself from overthinking. Nang hihiga na sana ulit ako ay biglang may nagring na cellphone. I know it wasn't mine dahil hindi naman gano'n ang ringtone ko.

I searched for it hanggang sa matagpuan ko ito sa couch. Medyo natatabonan ito ng throw pillow kaya hindi ko agad nakita.

It was Nyx's phone. Tiningnan ko ang caller at parang biglang bumigat ang paghinga ko nang makitang pangalan ng babae ang caller. Pakiramdam ko ay medyo sumikip ang dibdib ko nang sagotin ko ang tawag.

Alianna calling...

Hindi ako nagsalita at itinapat lang sa tenga ko ang cellphone. Hinintay ko na magsalita ang caller sa kabilang linya.

"What took you so long to pick up the call?" Tunog nagtatampong tanong ng caller. Humigpit ang kapit ko sa cellphone.

"And why are you still not here anyway? I thought you're already coming? I already miss you so much," dagdag pa nito na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.

"Hey? Are you still there?" Pinatay ko ang tawag at pabatong inilapag muli sa couch ang cellphone ni Nyx. Ramdam ko ang sunod sunod na mabibigat na paghinga ko. I need to calm myself.

Lumabas akong muli ng veranda at do'n nagpahangin. Kahit anong pilit kong 'wag isipin ang lahat ng 'yon ay hindi ko magawa. Naiiyak na naman ako.

Tumingala ako para pigilan ang sarili kong umiyak. I shouldn't be hurting. I shouldn't...

Ang hirap masaktan ng walang pinanghahawakan.

Ang hirap masaktan kung hindi mo alam kung saan ka talaga dapat lumugar.

Ilang oras rin akong nagtagal sa labas bago ko naisipang bumalik sa loob. Sa ilang oras na 'yon ay hindi pa rin bumabalik si Nyx.

SOLD Where stories live. Discover now