Chylee POV
Ilang araw na ang lumipas mula nung um-eksena sa anniversary party ng parents ko sina Miko at Phoenix na kapwa naka-mascott ng Jollibee.
Nang kausapin sila ni Skyler at hindi na sila masyadong lumapit sa'ken. Sa pagkakaalam ko pa ay biglaan silang umuwi pareho. Sila ba naman ang pagtinginan sa party. Ewan ko nalang. I appreciate their effort pero kase, ewan. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan pa ako.
Si Phoenix. Lagi ko namang sinasabi. He's been good to me. Ginagawa niya ang lahat para mapasaya ako. He's a boyfriend material, actually. I like him but not love. Ayoko namang maging unfair sa kaniya kaya nga tumagal ng taon kaming lageng magkasama pero hindi man lang nagkaroon ng romantic feelings towards each other. Isa pa, aware naman siya na gusto ko lang talaga siya at itinuturing ko siyang special friend.
Si Miko. Mula nang umuwi ako dito ay lagi kong sinasabi sa sarili ko na naka-move-on na ako pero parang tumututol ang puso ko. Tina-traydor ako ng sarili ko na sa tuwing nakakaharap ko siya ay nagre-react pa din ang puso ko which means, tumitibok pa din ito sa kaniya. Siguro tinatakpan ko lang ang puso ko para maiwasang masaktan ulit. Ayoko ng masaktan pa dahil sa pagmamahal sa taong hindi naman ako mahal. But then now, he's acting strange. Kahit sabihin nyang mahal niya ako at nagsisisi na siya sa nagawa niya noon--sa pagreject sa akin at sa feelings ko, hindi ko pa din siya kayang basta basta nalang tanggapin. Natuto na ako. Hindi na ako tulad dati na bata pa. Hindi alam ang ginagawa, iniisip at sinasabi. Ngayon ay alam ko na lahat. Malaki na ako. Alam ko na ang tama sa mali. Alam ko na kung paano i-handle ang feelings ko at ang sarili ko para maiwasan ng masaktan.
Ilang araw na akong hindi nagpapakita sa dalawa at sa mga araw na iyon ay walang palya ang pagpunta nila dito sa mansyon. Yung ilang araw na iyon kase ay hindi na rin muna ako pumupunta sa trabaho. Pinaubaya ko muna kay Phoenix. Naguguluhan na kase talaga ako kaya hangga't maaari ay gusto ko muna silang iwasan pareho.
Napadako ang tingin ko sa pinto nang may kumatok ro'n. Kasunod niyon ang magaang pagbukas ng pinto. Si Sky.
"Hey." He approached me as he enters my room. Naupo siya dito sa kama ko kung saan ako nakasandal. Nag-aalalang tumingin siya sa'ken. "Are you okay?"
Nararamdaman yata ng ka-kambal ko na hindi ako okay. That invisible string that connects us..
"I'm okay. Don't worry."
"I know you're not. Ilang araw ka ng narito lang sa mansyon. Staying here at you're room doing nothing. Is that because of that two eggs?"
Kumunot ang noo ko. "Two eggs?"
"Tch. Abellano and Laurel. Sabi ni Manang, araw araw pumupunta 'yung dalawang iyon dito. Kapag hindi bulaklak, chocolate o kung anu-ano pa ang dinadala, nag-stay lang d'yan sa baba hinihintay na lumabas ka dito sa kwarto mo."
I pouted my lip. "Ganito ba talaga ang love, Sky?"
"What's bothering you?"
"Naguguluhan ako. Si Phoenix na mahal ako o si Miko na mahal ko."
"Damn love. Naguguluhan ka dahil hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo sa dalawang iyon?"
Tumango ako.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong pumili, Hera. Mahal ka nga ni Laurel pero masasabi mo bang hindi ka niya sasaktan?"
"Napatunayan na niya ang sarili niya sa'ken, Sky. You know that. Ilang taon natin siyang kasama."
He sighed. "Hera. Listen to me. May mga pagkakataon na sa isang iglap, nagbabago ang isang tao. Oo nga't napatunayan na niya sa'yo na hindi ka niya sasaktan. Pero paano ka nakakasiguro? Lahat ng tao nagbabago."
Nagsisimulang manubig ang mga mata ko. I'm having a conversation with my twin brother and it's all because of love.
"Pero, Sky.."
"Do you have a plan na sagutin siya? Na makipag-boyfriend sa kaniya, Hera?"
"M-mali ba? Mahal naman niya ako eh. At aware naman siya na hindi ko siya mahal. Na gusto ko lang siya. Na--"
"Hera. Stop. Please. Don't be unfair. Just because he loves you, means you need to take advantage. Hindi porket mahal ka niya ay gagawin mo 'yung reason para sagutin siya? Para ano? Para masiguro mo na 'di ka masaktan dahil nakatatak na d'yan sa isip mo na hindi ka niya sasaktan. What a reason, Hera!"
Tuluyan na akong naiyak. Alam ko namang magiging unfair 'yon kay Phoenix eh pero..
"Pero, Sky. I'm willing to learn to love Phoenix.."
"Ngayon pa? Ngayon lang? Sa loob ng limang taon na kasama natin siya sa US, bakit ngayon mo lang naisipan na gusto mong matutunan na mahalin siya? Is that because of Abellano? Dahil gusto mong patunayan sa sarili mo na wala ka ng pakialam sa lalaking 'yon dahil natuto ka. Natuto ka dahil sinaktan ka niya noon. At gusto mong ipakita sa kaniya na kaya mong magmahal ng ibang lalaki. Seriously, Hera?"
Patuloy na tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako sa sinasabi ni Sky dahil lahat iyon ay tama.
He held my hand and hugs me. "Stop crying. I don't want to see you in pain. You know that. It fucking hurts. I'm your twin brother. I'm your protector. I can do everything for you. Even my own happiness, I can sacrifice that for you. So please cheer up."
Lalo lang akong naiyak sa sinabi ni Sky. How lucky I am to have a twin brother like him.
Kumalas ako ng yakap sa kaniya at hinarap siya. He wiped my tears. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Ang isang Skyler Knox Shin-woo na kilala sa pagiging seryoso at masungit like Dad, lumalabas ang soft side niya pagdating sa'ken.
"Sky, I don't know what to do anymore."
"Ginagawa ko ang lahat para maiwasan nang masaktan ka ulit, Hera. Hinding hindi ako makakapayag na maulit pa ang nangyari noon. That Abellano.."
"Sky. Hindi ko alam pero bakit gano'n. Akala ko naka-move on na ako sa kanya pero bakit..bakit ngayon eto na naman. Bakit apektado pa din ako sa presensiya niya? Bakit tinatraydor ako ng sarili ko?"
"Hindi ka naman talaga nag-move-on. Itinatak mo lang sa isip mo na magmo-move-on ka but you never let you heart do that. Natakpan lang ng galit ang puso mo--ng hinanakit. Pero moving on? You never tried, Hera. Alam ko 'yon dahil ramdam ko. Isip mo lagi ang pinapairal mo kaya pati sa pag-mo-move-on, isip mo lang din ang gumawa. Para mo lang nilagyan ng shield ang puso mo. Pero ang totoo, hindi nawala ang pagmamahal mo sa lalaking 'yon."
I took a deep breath. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Totoo ba lahat ng sinasabi ni Sky? Ang mga perceptions niya, it's true.
"Ngayon, si Laurel. Ginagamit mo siya para ipakita at patunayan kay Abellano na naka-move-on ka na kahit hindi pa. Don't do that, Hera.
"But, Sky."
"Naguguluhan ka 'diba? Dahil hindi mo alam kung sinong pipiliin mo. You forgot. Kasama sa choices ang hindi pagpili. May nakasaad ba na kapag torn ka between two lovers, kailangan mo ng pumili? Wala 'diba? Ayaw mo masaktan? Ayaw mong makasakit? Ayaw mong maging unfair? Isa lang sagot d'yan, don't choose. Normal na 'yung may masasaktan pero hindi ba't mas makakasakit 'yung, kung si Laurel ang pipiliin mo pero ang puso mo nakay Abellano? O kaya si Abellano ang pipiliin mo pero patuloy na mananaig ang takot sa dibdib mo na baka saktan kalang niya ulit?"
I'm doomed. Skyler could be a good adviser. Hindi ko ine-expect na siya pa ang maglilinaw sa'ken ng lahat without asing him. Naramdaman niya lang kaya narito siya sa harap ko, comforting me.
"Don't choose, Hera."
"Iiwasan ko ba sila?"
Umiling siya. "Hindi mo sila kailangang iwasan. You just need to learn to control your emotions. Huwag kang magpapadala sa kanila. Huwag mong isipin 'yung mga what ifs. Just go with the flow. Kay Laurel, 'wag mong i-consider na dahil mahal ka niya, at kay Abellano, 'wag mong i-consider na dahil nasaktan ka niya. Let them prove to you that they are serious and they would do everything for you."
"Sky.."
"Sshh. Stop crying, my princess. I'm already testing them. You know, being Skyler Knox Shin-woo. They are afraid of me, Hera. I can use that to test who's willing to face me, just for you."
Napangiti ako sa isipin iyon. Ang hilig talaga manakot nitong ka-kambal ko. Alam niyang nasisindak sa kaniya sina Phoenix at Miko.
"Now, act normal. Act as Chylee Hera Shin-woo. Remember? You're my gorgeous twin sister na pinaglihi sa megaphone. The jolly one. Huwag mong gayahin ang pagiging seryoso ko."
I smiled. Bukod kay Mom, si Skyler lang talaga ang nakakapagpagaan ng loob ko. Skyler is one of the best guy. Kaya galit ako..kay Rianna dahil ni-reject niya ang ka-kambal ko.
"Thank you, Sky."
He smiled at me. "Cheer up! Do your usual and please? Take a nap. Ang laki na ng eyebags mo."
Sumimangot ako. "Eyebags! Pinaghirapan ko 'yan. Psh."
"It's okay. You're still the most gorgeous woman for me..next to Mom. Ahaha! I have to go. Pupunta pa ako sa company. Be okay and smile, Hera."
I hugged him again. "Thank you, Sky. You're the best. Find your happiness and don't you dare sacrifice it again for me. Or else, I'm gonna beat you." I joked and looks at his eyes. "I want you to be happy, Sky. Hindi naman dapat na happiness ko lang ang nakasalalay dito."
Ginulo niya ang buhok ko. "I know. At hindi ko naman 'yan minamadali."
"Psh. Sige na nga! Pumasok ka na sa company. Not because you're the CEO ay pwede ka ng ma-late. Shoo!"
He laughed. "Alright. I love you, my princess."
"I love you too, twin! Take care. Don't be so masungit. Smile!" I shouted as he bid his goodbye.
Naiwan na akong mag-isa dito sa kwarto. Ang gaan sa pakiramdam. Tama si Sky, hindi ko naman kailangang pumili ngayon eh. Patunayan nila ang mga sarili nila sa'ken. And prove to me that they deserve me.
So..
I grabbed my phone from my side table and tap a message. It's for Miko and Phoenix. Send to two.
To: Phoenix ; Bigas
May the best man wins..
SENT!
Alright. Sabi nga ni Jollibee! Be happy. So..smile! And act natural. I'm okay now.
-
Miko POV
Damn. I'm upset! Ilang araw ko ng hindi nakikita si Hera and it freaks the hell out of me. I miss her!
"Go chynix! Go chynix!"
Kumunot ang noo ko sa kumakantang iyon. Damn. It's Reiko. Hanggang ngayon ba naman, maka-tanda pa din siya?
"Shut up, Reiko!"
He showed me her nang-aasar-look, "What?"
"Chynix your ass. Tch."
"Bakit ba? I just saw Phoenix's status lang naman eh. Printscreen ng text ni Ate Chylee sa kaniya."
Kumunot ang noo ko. "What text?"
"Duh! Look at your phone kaya. Baka na-send-an ka niya."
Napabalikwas ako. Ang ganda ganda ng upo ko dito sa sofa sa salas. Fuck! My phone.
Mabilis akong tumayo at tumakbo paakyat sa kwarto ko. Kinuha ko agad ang phone ko na nakapatong sa kama. And the moment I saw it. I unlocked it and..
169 new messages
Damn it! Damn those text messages na galing lang sa mga kung sinu-sinong babae. Bakit kase nagmana ako kay Tito Luke at naging babaero ako? Tch. Dati hindi ngayon. Hindi na. Loyal na ako kay Hera.
I searched for Hera's messages. Sana meron. Damn it! Hindi ako makakapayag na si tanda lang ang meron! Kahit 'di ko pa nakikita kung anong klaseng text 'yun na sinabi ni Reiko, nagseselos pa din ako. Fuck shit!
A sudden heartbeat..
Napatigil ako sa pag-scroll nang makita ang pangalan ni Hera. Para pa akong naba-bakla sa pag-open ng message. Kinakabahan ako, damn it!
From: My Hera
May the best man wins..
-end-
I cleared my throat. My eyes widened nang mag-sink in sa isip ko ang laman ng text niya. Does it mean..
"PUTANGINA!"
"PRINCE MIKO ABELLANO, WHO TOLD YOU THAT YOU CAN CUSS LIKE THAT INSIDE THIS MANSION?!"
Damn it, napatingin ako sa pinto ng kwarto ko na nakabukas pala. There, si Mom, nakapamewang at ang sama ng tingin sa'ken.
I showed her my peace sign. "Sorry, Mom!"
She walks out and now, I'm alone. Fuck! Hera's message..it's gay but damn, kinikilig ako! Binibigyan na niya ako ng chance na ligawan siya at patunayan ang srili ko sa kaniya.
"WHOAH! WHOAH! FUCK!" Napapasuntok pa ako sa ere.
"PRINCE MIKO!"
Oopss. Nadala lang. Tangna, nakaka-bakla 'to! "Sorry again, mom!" I shouted. Narinig pa din ang sigaw ko sa kabilang kwarto? Tch.
"OA mo, Kuya. Psh!" Sabi ni Reiko na ngayo'y nasa may pinto ng kwarto ko.
"Hera gave me a chance. Damn it! Magiging akin din si Hera! Tatak mo 'yan sa makunat na mukha ni tanda! Tch."
She rolled her eyes at me. "Whatever, Kuya Miko. Chynix lang ang may forever. Tse!" Aniya saka nag-walk-out.
Kapatid ko pero hindi ako sinusuportahan? Tch. Chynix..sucks! Chyko for the win.