Chylee POV
ILANG linggo na ang lumipas. At sa ilang linggong iyon, hindi ko akalaing napakarami ng nangyari.
Si Miko, pagkatapos ng practice niya sa SWU, at sa klase niya ay dumidiretso siya sa Jollibee para mag working student daw. Baliw talaga. Pinigilan ko siya kaso hindi nagpapigil. May advantage at disadvantage na nangyari.
Advantage. Dumoble ang kita. Halos lahat ng estudyante sa SWU, sa Jollibee na kumakain dahil naroon si Miko, para mag-take ng orders nila.
Disadvantage. Hanggang closing, puno pa din ang Jollibee na tipong parang ayaw pa nilang umuwi hanggat naroon si Miko.
Gabi gabi na kasi akong isinasabay ni Miko sa kotse niya. Hinahatid niya ako sa mansyon, tapos minsan sa bahay na siya nagdi-dinner. Para na kaming may relasyon, pero wala pa. Yes, wala pa sa ngayon pero open naman na ako sa kaniya. Handa na ulit akong tanggapin siya. Besides, bumabawi naman talaga siya.
"Hera. Isang round pa, please." Sabi ni Miko. Pawis na pawis siya.
"Miko, ayoko na. Nakakapagod, e." Reklamo ko. Nakakapagod naman talaga, e. Naka-tatlong round na yata kami.
Nag-puppy-eyes siya at nag-pout. "Please, Hera?"
Ano ba naman 'tong si Miko. Ayokong nagpapa-cute siya ng ganyan. Hindi ko na kasi matanggihan kapag ganyan siya, e. Hindi ko pa nga ma-imagine na naggagaganyan siya. E, napakasungit nga ng mukha niya.
"Oo na nga!" Sabi ko saka pinaypay ang sarili ko. Pawisan na talaga, e. Hindi yata napapagod si Miko.
"Fuck, alright. Na-e-enjoy ko 'to, Hera. Ang sarap, e."
"Masarap? Seriously?"
Ngumisi siya. "Masarap naman talaga mag-badminton. Palagi nalang basketball ang nilalaro ko. Isa pa, ikaw ang kalaro ko kaya masarap. Masaya pa."
I rolled my eyes. Uminom ako ng mineral water saka ko kinuha ang raketa ko at tumayo.
"Halika na. Laro na tayo."
Ngiting-ngiti siya. Kinuha na rin niya ang raketa niya at pumwesto.
Sunday ngayon. Niyaya ko si Miko na magsimba kaninang umaga. Natatawa pa ako dahil first time daw niyang magsimba. Psh. Buti nga hindi siya nasunog. Pagkatapos, nagyaya siyang magbonding, so ang naisipan namin ay ito---maglaro ng badminton dito sa may court nila, sa malapit sa garden nila.
Hindi na ako magtataka na may sarili silang basketball court. Si Tito Lance, basketball player. Tapos si Miko din.
Naglaro kami. Kaso sa kakaisip ko, napalakas ang hampas ko sa raketa at tumama sa mata ni Miko ang shuttlecock. Mabilis akong tumakbo sa kaniya.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
Kinukusot niya ang mata niya. "Masakit..." Sabi niya.
Nag-aalala ako. "Sorry. Sorry. Patingin nga. Hihipan ko." Sabi ko habang hawak ang mukha niya. Inihaharap ko siya sa akin.
"Aw..fuck." Lalo niyang kinusot ang mata niya. "Masakit dito..."
"Akina, hihipan ko na." Sabi ko saka tinanggal ang kamay niya sa mata niya saka ko tiningnan.
Medyo namumula ang mata niya. Ano ba 'yan. "Sorry talaga.." Mahinang sabi ko saka hinipan ang mata niya.
"It's fine. Don't worry too much." Sabi niya.
Hinipan ko ulit pero ngumingiwi pa rin siya.
"Masakit pa ba?"
"Yeah. May alam akong gamot."