Chylee POV
Pababa ako ng hagdan nang makasabay ko si Kenzo. Tumatakbo pababa, nagmamadali. At aba, naka-civilian. Hindi naka-uniform?
"Ate! Don't forget to watch our game later. Bye!" Sigaw nya saka diretsong lumabas ng main door.
Mukhang late ang kapatid ko. Baka may practice pa. May laban nga pala sila ngayon ng basketball. They need my support as Ate syempre.
Niyaya ko naman si Phoenix so may kasama ako papunta dun mamaya. Teka, anong oras nga ba start non?
I'm heading to living room nang madatnan ko si Enzo na nagsusuot ng rubber shoes nya.
"Ate, yung game namin mamaya ah. One pm. Manood ka. Tapos pagdala mo na din ako ng pakwan. He-he!"
Pakwan monster. "Saan naman ako kukuha ng pakwan, Enzo?"
"Sa watermelon plantation ni Dad. And marami pa dyan sa fridge. Pagdala mo lang ako mamaya para sweet ang dating, Ate." Nakangiting sabi nya.
Umingos ako. "Dami mong alam. Ikaw talaga. Siya sige, di ka ba nagmamadali? Si Kenzo nauna ng lumabas."
"Bahala siya, Ate. Most punctual na nga yun. Tch. Ayaw na ayaw male-late. Kelangan advance siya ng one hour. The heck! Saka marami naman tayong driver at sasakyan kaya ayos lang na di na kami sabay sa isang kotse."
Ang mga kapatid ko talaga, pinalaki din ni Dad sa luho. Parang ako.
"Kids."
Lumingon ako and there, si Mom and Dad na parehong nakabihis. Si Dad na naka-business suit at si Mom na semi-formal attire. Bagay sa kanya ang mini dress na suot nya.
"Hi Mom, Dad!" Bati ko.
"Hey, baby. Wala kang lakad today? Anong balita sa location ng business mo?" Tanong ni Dad.
"Okay na Dad. Siguro babalik nalang kami dun for payment na. And you know, sayo manggagaling 'yun, Dad. Hehe!"
He smiled at me. "Alright. Daan ka sa company later then I'll give you the check for payment."
Waaa! Dad is so galante talaga. Pero yung gagawin ko namang business is magiging responsible ako don.
"My baby is all grown up. Marunong na sa business. I'm proud of you." Sabi naman ni Mom.
"Mom, Dad! My allowance?" Singit ni Enzo na mukhang ready na sa pagpasok.
"How much do you want?" Tanong agad ni Dad saka naglabas ng wallet mula sa pocket nya sa likod ng pantalon nya.
"Hep! Ikaw Enzo, kakabigay ko lang ng allowance mo kahapon." Naka-poker-face na sabi ni Mom.
"Mom naman. Kulang sa'ken ang five thousand." Ungot ni Enzo.
"Seriously, Enzo? Tatlong araw lang pasok mo sa isang linggo and the rest of the week, puro basketball lang kayo. Kulang pa din sa'yo yon?"
Mom will always be mom. Well, di naman sa sobrang pagmamayabang but we really have lots of money. Mayaman talaga si Dad. He's the youngest billionaire sa Asia. Ang dami nyang companies even in abroad and other business. Magaling pa syang mamahala na namana ng ka-kambal kong si Skyler.
But then, kahit ganon, hindi nagbabago ang pananaw ni Mom na hindi dapat kami nagsasayang ng pera sa mga walang halagang bagay. Kumbaga kahit alam naming marami kaming pera, hindi dapat gastos ng gastos. Kelangan may sense din ang pinagkakagastusan. Ako, lumaki akong spoiled kay Dad pero habang lumalaki naman ako naiintindihan ko si Mom.