EPILOGUE
"Ano ba, Miko!' sigaw ko. Kasi naman, ang aga aga, kalabit ng kalabit sa akin. Hindi na nakakatuwa ang kahiligan niya, ah.
Sinamaan ko siya ng tingin nang humagalpak siya ng tawa. Hinampas ko nga ng unang malaki.
"Fuck, Hera! Baby. Tch." Reklamo niya. Akala niya nakakatuwa siya, ah. Ganyan 'yan, e. Lakas na mambwisit kapag umaga, lakas pa tumawa. Nakakairita.
"Dapat talaga hindi na kita pinakasalan, e!" sabi ko.
Bigla niya akong niyakap. "Sorry. Don't say that."
Pero, malambing naman 'yang lalaki na iyan. Six years na kaming kasal pero wala pa rin siyang kupas. Hindi ako nagsisi na binigyan ko siya nuon ng last chance, kasi pagkatapos nuon, hindi na niya ako sinaktan pa. Araw araw niyang pinaramdam sa akin na mahal na mahal niya ako, at syempre mahal na mahal ko din siya. First love never dies nga, e.
Noong ma-engage kami, hinintay muna naming maka-graduate siya nuon bago kami nagpakasal, then iyong fastfood ko, may iba nang humahawak nuon. Kumbaga empleyado ko. Hindi ko na kasi siya naasikaso nuong nabuntis ako. Pagkatapos kasi ng kasal namin, honeymoon agad at shoot,nakabuo agad kami ni Miko. Basketball player nga talaga siya. Sharp shooter, e.
"Bumangon ka na nga diyan. Papasok ka pa sa company." Sabi ko sa kaniya. Siya na ang namamahala ng Abellano-Hayashi Corporation. Hindi na rin kasi maaasikaso ni Tito Lance kasi matanda na, so ine-enjoy nalang nila ang buhay nila katulad ni Mom and Dad.
"I don't want to go. Tch. Mas gusto kong makipaglaro sa kambal."
Napangiti ako. Yes, may kambal kami. Well, hindi na nakapagtataka. Nasa genes ko, e. Ang cute lang kasi katulad naming sila ni Skyler. Babae at lalaki. Five years old na sila ngayon, and I'm sure gising na ang mga 'yon at ginugulo ang mga yaya nila. Isa kasi sa gusto ko sa kambal, hindi nila kami ginugulo ditto sa kwarto naming kasi alam nila na bawal mang-istorbo kapag tulog.
Kung paano ako pinalaki ni Mom, ganoon ko pinalaki ang mga anak ko. Gusto kong lumaki silang mabuting tao.
"Miko, kailangan ka sa company."
He kissed me in instant. "Dito na lang ako sa piling mo, baby. Please." Iniyakap pa niya ang mga braso niya sa bewang ko.
"Miko.."
"Why don't you call me, baby? Tch."
"Ang aga aga nagpi-feeling masungit ka na naman, ha. Manang mana talaga sa kasungitan mo ang isa sa kambal, e." Sabi ko. Nakakatuwa ang kambal, ewan ko ba kung anong mayroon sa pamilya namin. Weird, e.
Tumayo na ako mula sa kama. Wala na siyang nagawa at sumunod sa akin.
"Hindi talaga ako papasok sa company ngayon, baby."
I rolled my eyes. Nang dahil sa kambal, kinatatamaran na ni Miko ang pumasok sa company. Tuwang tuwa kasi siya sa kambal. Masarap kasi sila ng kausap at napakalambing nila.
"It's up to you." Sabi ko saka lumabas na ng kwarto naming. As if naman may magagawa pa ako kung ayaw niyang pumasok sa company.
Sa ngayon, hands-on ako sa pag-aalaga sa kambal. Tulad nang ginawa ni Mom nuon sa amin. Mas maganda raw kasi kapag hands-on ang pag-aalaga sa mga anak lalo na kapag mula pa bata.
"Baby. Hey.." hinila ako ni Miko sa kamay at hinigpitan ang pagkakahawak.
"Ano?"
"You're so cold to me."
"Miko naman, ang aga aga."
"Hindi mo na ba ako mahal? Iiwan niyo na ako? Isasama mo ang kambal at magpapakalayo? What? Pupuntahan mo ang bestfriend mong ulupong at siya na ang ipapakilala mong ama sa kambal? That's it? Magugulat nalang ba ako na pinagtatatapon mo na ang mga damit ko sa labas? What, Hera. Tell me. Sawa ka na ba sa akin?"