Chylee POV
"I am completely in love with you." Nahihiyang sabi ko kay...
KYAAAA! Nikikilig ako eh.
"Tigilan mo nga ako, Chylee." Naglakad na siya palayo.
Wala akong nagawa kundi sundan siya. "Miko naman eh! I'm serious kaya!" Naiinis na sabi ko habang nakasunod sa kanya.
"I'm busy. Stop following me. Tch."
He's masungit talaga. Hmp! Napatigil na ako. He's like a...menopause! Sobrang sungit.
Naupo ako sa bench dito sa may SWU quadrangle. I'm alone. Kasi wala pa ang friends ko.
Hello there, I'm Chylee Hera Shin-Woo. You can call me Chy for short. Sometimes my parents call me Hera. I have twin, and he's so gwapo! His name is Skyler Knox. Then yung bunso namin is triplets. Sina Enzo, Kenzo and Renzo. My parents are really good in choosing name, pansin nyo?
College na ako. Second year college sa Shin-Woo University, school na pag-aari ng pamilya ko. While my twin brother, he's fourth year na. Why? Kasi he's so talino. Sobrang taas ng IQ niya. I'm taking up Culinary Arts kasi I really want to learn din how to bake cakes and such!
And kanina, yung sinasabihan ko na in love ako sa kanya is Prince Miko Abellano, my prince charming. Were not that close. Our parents are close but kame? No. Kasi ang sungit sungit nya. Bata palang kami, may gusto na ako sa kanya pero ayaw nya saken. I don't know why. Maganda naman ako, medyo sexy..aish!
He's the second guy na na-inlove ako. I have story and it's really funny. When I was a child, five years old I think, I'm in love with..
JOLLIBEE!
Yes. It's tru. I'm not kidding. I'm really in love with him pero nung lumaki na ako, na-realize ko na he's not human, he's not real. Na mascott lang yung gumagalaw na Jollibee sa fastfood, ganon. Nagpabili pa nga ako sa Daddy ko no'n ng statue ni Jollibee then pinalagay ko sa may labas ng room ko. Ganon ako ka-adik dati kay Jollibee.
But now iba na, I'm really inlove with Miko. Waaaaa!
"Chyleee! Ang aga mo naman pumasok."
Dumating na ang bestfriend kong si Shanice. Shanice Chan. Half-chinese half filipino. Kaklase ko siya. Pareho din kami ng block section. Nakilala ko siya dito sa SWU nung highschool palang kami.
"Kasi---"
"Sinundan mo na naman ang man of your dreams mo?" Natatawang tanong niya.
Alam na alam na niya. Kasi naman eh..
Nagpout ako tapos tumabi siya sa'ken dito sa bench.
"Hay naku Chylee. Move on! Ipinagkalandakan na kaya niya sayo na ayaw niya sayo. Hindi ka man lang ba nasaktan?"