42

110K 2.7K 894
                                    

Chylee POV

KINAKABAHAN ako. Hindi ako makatulog kaya kahit gabi na ay gising pa din ako. Para ngang hinihintay ko talaga sila Mom na umuwi galing sa dinner date nila ni Dad. Argh! Si Miko kasi, e. Ano kayang pinag-usapan nila ni Mom kanina no'ng iwan ko sila sa office?

Narinig ko na ang pagdating ng sasakyan nila Mom at alam kong nandyan na sila. Baka mamaya, pagalitan ako o kaya ma-sermunan dahil kay Miko!

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko para i-relax ang sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag bigla akong kinausap ni Mom tungkol kay Miko. Paano na ito?! Alam pa naman nila Mom na si Miko ang dahilan kung bakit kinailangan nila akong papuntahin noon sa US. Tapos ngayon, maggaganyan si Miko? Saka ano ba kasing nakain ng isang 'yon?

Girlfriend daw niya. Sa puso daw niya. Ako daw. Naka-katol ba siya? Napaka-cheesy niya sa part na iyon, ha.

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng pagkatok sa pinto. Gosh! Si Mom na 'yan. Patay na. Anong gagawin ko? Magpanggap na tulog? Arghhh. Natatakot ako kay Mom.

Huminga ako ng malalim saka bumangon mula sa kama. Inayos ko ang buhok ko at dahan dahang nilakad papunta sa pintuan saka iyon dahan dahang binuksan.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Si Mom nga. Im dead.

"H-Hi, Mom!" Bati ko. Nauutal pa ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Alam niyo 'yung feeling na kapag nahuli kayo ng magulang niyo na may dyowa kayo? Ganoon. Ganoon ang feeling ko. Pero hindi ko dyowa si Miko, ha.

"It's late. Bakit gising ka pa? Are you waiting for me?"

OMG. Ramdam yata ni Mom na hinihintay ko siya dahil gusto kong maki-usyoso sa pinag-usapan nila ni Miko kanina.

"A-Ano, Mom. No. I was just..."

"Can we talk?"

I gulped. Eto na 'yon. Kakausapin ako ni Mom. Papagalitan ba niya ako? Shems. Ang lakas lakas lalo ng kabog ng dibdib ko.

Marahan akong tumango. "S-Sure..." I answered. "Come in, Mom." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto saka pumasok si Mom.

This is it. Kaba dito, kaba doon. My golly. Patay na talaga. Napaka-seryoso pa naman ng mukha ng nanay ko. Hindi ko pa totally nakikitang galit na galit si Mom kasi mabait talaga siyang nanay. Nagagalit siya, pero hindi 'yong sobra.

Isinara ko ang pinto saka sumunod kay Mom sa sofa. Naupo ako sa tabi niya.

"So, Prince Miko loves you, anak."

Nanlaki ang mga mata ko sa panimula ni Mom. Ano ba 'yan. Lalo pang kumakabog ang dibdib ko. Ano ba 'to.

"M-Mom..."

"You loves him, too." Dugtong pa niya.

Paano nalaman ni Mom? Ah, syempre patay na patay ako noon kay Miko. Saka, nabanggit ko na yata kay Mom.

"Nararamdaman ko iyon, anak. Nararamdaman kong mahal ka talaga niya. He's sincere when he told me that he loves you and he's willing to wait, until you are ready to open your heart again, for him."

Iyon ba ang sinabi ni Miko? Shems. Nakakahiya.

"He maybe like his father. Kilala ko ang ama niya mula pa noong college days namin. Upon looking at Miko, nakikita ko sa kaniya ang ama niya. Mataas ang pride. Parang walang pakialam. Cold and yes, may pagka-masungit na personality. But you could see it through his eyes. He's so inlove with you, anak."

Wait. What's with Mom? Ang akala ko pagagalitan niya ako. Kasi nga si Miko ang dahilan kung bakit ako pumuntang US noon. Kung bakit kinailangan nila akong ilayo. Pero bakit sa mga sinasabi niya, parang pinupuri pa niya si Miko?

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon