Ch. 3: Toxic Intuition

291 7 0
                                    


SABI nila ay magtiwala daw dapat ang mga babae sa intuition nila. Bullshit iyon para kay Zandra. Ang intuition ng babae, sa tingin niya, ay justification ng mga paranoid at nagger sa gawain nila.

Pero may kakaibang kutob si Zandra dahil ilang araw na siyang hindi nasusundo ng boyfriend na si Renzo.

Granted, nagtatrabaho ito sa isang construction site, pero kahit pagcha-chat nito ay dumadalang na.

Naisipan niyang tumawag dito.

Ilang ring din bago ito makasagot.
"Bakit, hal?" pagsagot nito sa kanya.

"Wala lang, chine-check lang kita."

Umupo si Zandra sa tapat ng computer niya at nagsimulang buksan iyon.

"Nakauwi ka na?" tanong ni Renzo.

"Oo. Magstart na ko magwork."

Working student si Zandra. Mahirap ang pamilya kaya kailangang kumayod para makapag-aral. Freelancer editor siya ng essay na may barok na english ng mga ibang lahi.

"Musta pag-aaral? Baka masyado ka namang pagod."

Inipit niya sa tainga at balikat ang cell phone bago tinype ang password niya sa Windows. "Ikaw ang baka pagod."

"Sakit nga ng katawan ko, eh.

Masahehin mo ko sa weekend, ah?"
Ngumiti si Zandra. Hindi naman siya malibog, pero ewan kung bakit kayang-kayang buhayin ni Renzo ang init sa katawan niya. Palagi niyang hinahanap ang silangan hanggang kanluran ng katawan nito.

"Masahe lang ba?" sabi niya.

"Siyempre, matik na 'yon, alam mo na 'yon," sagot ni Renzo.

Napangiti na si Zandra. Inalis na mula sa pagkakaipit sa tainga at balikat ang cell phone. "Okay. Excited ako."

"Ako rin."

"Kala ko... kala ko 'di ka na interesado. 'Di mo na ko chinachat halos, eh. Iniisip ko nga may babae ka na."

"Babae? Yuck, kadiri mga babae."

Natawa si Zandra.

"Ikaw lang ang babaeng hindi kadiri."

"Corny mo."

"Pagod lang ako kaya 'di ako makachat," sabi ni Renzo. "Pero promise, ni hindi ako tumitingin sa mga babae."

"Parang imposible naman na 'di ka mapatingin."

"Mga three seconds lang. Tas naaalala kita agad."

"Corny mo talaga," nangingiti pa ring sabi ni Zandra, ginagalaw na ang mouse ng computer. "Sige na, sisimulan ko na work ko. Pahinga ka na. I love you, mahal."

"I love you, too."

Natapos ang tawag. Nakumpirma ni Zandra sa isip na ang women's intuition ay hindi totoo, isa lang talagang palusot ng mga babaeng insecure para sakalin ang lalaking mahal ng mga ito.

***
ILANG minuto ring tumigil si Renzo sa pagchachat kay Monty, kinakausap daw kasi ng nanay nito. Nang makabalik si Renzo ay nagpaalam na rin itong matutulog na. Nagreply siya ng "okay".

Gusto man niyang itanong ang apelyido nito para masearch ito sa Facebook ay hindi na niya magawa. Ayaw niyang isipin nito na pushy siya.

Bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si Abel, ang anak nga ng stepfather niya. Sisinghut-singhot ito nang ibagsak nito ang katawan nito sa kama nito na tatlong metro ang layo sa kama niya. Ilang sandaling walang nagsalita sa kanila at nabigyan ng daan ang tunog ng lumang aircon. Hanggang sa pinunit ng tinig nito ang kapayapaan ng madilim na kuwarto.

"Ano'ng pakiramdam na maging all out?" tanong nito sa kawalan. "Ano'ng pakiramdam na hindi natatakot? Na hindi nagkukunwari?"

Hindi agad nakasagot si Monty.

"Kasi nakakapagod magpretend," dagdag pa nito.

Bumuntong-hininga si Monty. "'Wag kang mapagod. Hindi tayo natatapos magkunwari. Makapag-out ka man sa pamilya mo, 'pag nagkaroon ka naman ng bagong kakilala, katrabaho, kaibigan, maiisip mo palagi kung magkukunwari ka uli."

Suminghot si Abel. Tapos ay nagtanong, "Ano ang lasa ng lips ng lalaki?"

Wala pa palang nakakahalik kay Abel.

"Minsan lasang paa," sagot ni Monty. "Minsan lasang 'yung kinain niya an hour ago. Minsan lasang maasim na kape, lasang lipstick ng ibang babae, lasang upos ng sigarilyo. Pero lasang tama. Nanghalik na rin ako ng babae, parang mali. Parang hindi tama. Kapag sa lalaki, anomang lasa talaga, parang palaging tama."

"Sana kasingtapang mo ako na maging kung sino talaga ako," sabi ni Abel.
Hindi masabi ni Monty na ang tatay nito ang dahilan kaya ito takot, kaya ito naduduwag, kaya sinabi na lang niya,

"Sana nga."

Hindi na nakasagot si Abel. Nakatulog na siguro.

Tiningnan niya ang usapan nila ni Renzo. At inisip niya kung ano ang lasa ng lips nito.

***

Toxic (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon