Ch.4: Toxic Dates

238 5 1
                                    


CHAPTER FOUR: TOXIC DATES

MASARAP sa pakiramdam ang maligawan, naisip ni Monty. Parang nakaka-powerful, nakakaganda. Gusto man niyang ishare sa kaibigang si Gerald na may nanliligaw sa kanyang constru, minabuti niyang hindi na lang kasi kilala sa pagiging bitter ang pekpek ni Gerald. Baka sabihin nito sa kanya na pera lang ang habol sa kanya ni Renzo.

Kaya sa halos gabi-gabi nilang pagkikita ni Renzo, palihim niya itong pinupuntahan sa park kung saan sila unang nag-usap, sa bench na tila minarkahan na nilang kanila.

"Lagi mo na lang ako nililibre," sabi ni Monty nang iabot sa kanya ni Renzo ang hotdog sandwich na binili sa convenience store. "Next time, ako naman ang manlilibre."

"Ako ang lalaki, ako ang manlilibre." Inabot nito sa kanya ang iced coffee niya.

Tinanggap niya ang iced coffee. "Wala naman 'yon sa kung sino ang lalaki," sabi niya.

"Pero ako ang nanliligaw," dagdag ni Renzo. "Saka na tayo maghati sa gastos. Kapag girlfriend na kita." Umangat ang sulok ng labi nito. "Saka, enjoy ka kaya panoorin kumain ng hotdog."

Sinundot niya ang tagiliran nito. Napaigtad ito at natawa. "Ayan ka," sabi ni Monty na nag-iinit ang buong mukha. "May pagkabastos ka."

"Ano'ng bastos do'n?"

Maang-maangan ang lalaki.

Nagsimula silang kumain. Tinitigan ni Monty ang manliligaw. Napansin niyang walang bakas ng putik ang suot nito. At mabango ito.

"Naligo ka ba bago makipagkita?"

Tumango si Renzo. "Kakahiya sa 'yo, eh. Ikaw, amoy cookies lagi. Ako, amoy paksiw. Paano kita mapapasagot kung mabaho ako, 'di ba?"

Umiling lang si Monty, nagpatuloy sa panonood sa lalaki. Saka niya naisip bitiwan ang tanong na ilang araw na rin niyang iniisip. "Wala ka bang FB?"

Nag-angat ito ng tingin mula sa kinakain at tinitigan siya ng mata sa mata. Sandaling napahinto na parang inisip ang sasabihin. "Meron," sagot nito sa wakas. "Pero deactivated na. Hindi ko na gustong buksan. Ang daming ano... bakla na ano, nagchachat."

"Ano'ng sinasabi?"

"Nag-aalok ng ano, bastos. 'Di ko sasabihin sa 'yo. Gagawin naman natin kapag girlfriend na kita."

Lalo pang nag-init ang mukha ni Monty. Pupusta siya na nagkulay rosas ang mukha niya. "Oh, eh kung ayaw mo pala sa bakla, bakit mo ko liligawan?"

"Sinabi ko bang ayaw ko sa bakla? May gusto akong bakla. Ikaw. Nagagandahan ako sa 'yo. Ikaw... puwede ka sa 'king magtext ng bastos. Magrereply ako." Renzo beamed. Nasundan pa iyon ng kindat.

"Sira-ulo," nangingiting sabi ni Monty.

It was crazy how summer seemed to be living inside Monty's body. The heat is on their cheeks, the drought is in their throat, the flowers in their blood, and the butterflies in their stomach.

Nang matapos silang kumain ay tumingin-tingin sa paligid si Renzo bago sabihing, "Hatid na kita. Kahit hanggang sa labas lang nitong park."

Tumayo silang dalawa at hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito. Inabot nito ang kamay niya. Natigilan siya at napatitig dito. Ngumiti lang ito sa kanya, ang guwapong mukha nito ay lalo pang pinaguwapo ng orange na ilaw ng poste na nakipagtalik sa liwanag ng buwan.

"Puwede ba?" He asked.

"Kapag sinabi kong 'di puwede?"

"Bibitiwan ko. Pero malulungkot ako." Nag-puppy eyes ito sa harap niya.

Monty almost snorted. Usually ay nacocornyhan siya sa ganitong eksena. Pero iba pala talaga kapag siya ang bida. "Kapag sinabi kong ipapahawak ko?"

"Eh 'di hindi ko makakalimutan ang unang beses na nag-holding hands kami ng future girlfriend ko."

The summer was there again and it had no intention of leaving.

***

NAKAUWI si Monty ng 11PM. May text sa kanya si Renzo. Agad niya iyong binasa nang makapaglinis ng katawan at makahiga sa kama.

Ang bango ng kamay ko. Amoy cookies. Amoy ikaw. Ayaw ko na tuloy hugasan. Bukas pala, day off ko. Di tayo magkikita. Pero iiisipin kita.

Mabilis ang naging reply ni Monty.

Ako rin, iisipin kita.

At doon siya nakabuo ng desisyon. 27 na siya. Hindi na uso sa kanya ang magpakipot nang sobrang tagal.

Sa susunod nilang pagkikita ni Renzo, sasagutin na niya ito.

***

"TAGAL na din nating hindi nakapagdate, mahal," sabi kay Zandra ng boyfriend na si Renzo. Day off nito sa construction site kaya naisipan niya na yayain itong magdate. Usually, kapag nagde-date sila ay nanonood sila ng sine at nauuwi sa pagmomotel.

At nasa motel na nga sila. Pagkapasok na pagkapasok nila ay "Hugas lang ako ng katawan," sabi ni Renzo.

Isa lang ang ibig sabihin niyon. Gusto nito na may mangyari sa kanila. Tumango siya at pumasok na ito sa banyo. Nasundan iyon ng lagaslas ng tubig. Binuksan niya ang aircon bago umupo siya sa silya na katapat ng mesa na may salamin. Inayos niya ang sarili.

Inisip niya kung saan nakakuha ng pambayad si Renzo sa motel at sa sine. Alam niya na hindi mataas ang sahod ng construction worker. Ayaw niyang isiping may ibang babae si Renzo. Siguro ay nakahingi na naman ito sa mama nito. Mama's boy kasi ang boyfriend niya.

Nagtatagal si Renzo sa paghuhugas ng katawan kaya binuksan muna niya ang tv. Balita ang palabas. May isa daw transgender woman na nawawala sa Makati. Baka raw nakipagtanan sa boyfriend, pero kinatatakutan din na nabiktima noong killer ng isa pang transgender woman noong isang linggo.

Umiiyak ang nanay ng nawawalang biktima. Sana raw ay hindi nabiktima ng serial killer ang anak niya.

Doon bumukas ang pinto. Lumabas si Renzo na nakabrief na lang na gray. Ipinatong nito ang mga damit nito sa silya sa tabi ng kama, sabay humiga nang pabukaka. Bilang girlfriend ay hindi niya mapigilan ang sariling mapatingin sa kung saan nagtagpo ang dalawang hita nito.

Sinitsitan siya nito. Tapos ay sinenyasang lumapit. "Dito ka na."

Ngumiti si Zandra saka sumampa din sa kama, sa bandang paanan ng boyfriend. "Masads po kuya?"

Umangat-baba lang ang kilay ni Renzo.

Sinimulan niyang masahehin ang paa nito. Napapikit ito at napaungol. Sapat na para mag-init ang katawan niya. Tumaas ang pagmamasahe nila mula sa paa nito papunta sa binti nito, paakyat sa mabalahibong kita. Nakita niyang bumubukol na ang pagkalalaki nito sa brief nitong gray.

"Namiss ka na niyan," sabi nito.

"Miss ko na rin si Junjun."

Ngumiwi si Renzo. "Parang 'di bagay sa ano ko ang Junjun. 'Pag Junjun kasi, parang palayaw ng grade five."

"Eh anong bagay?"

"Iron man," confident na sabi ni Renzo.

"Parang gago." Natatawa na nagkicringe na sabi ni Zandra. "Pero sige nga, patingin kay Iron man."

"Hubarin mo na brief ko."

Hinubad na nga ni Zandra ang brief ng boyfriend at tumambad sa kanya ang pagkalalaking nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan at naangkin na niya.

"Sa 'kin lang ba si Iron Man?" Nasabi bigla ni Zandra. Dahil bigla niyang naisip kung ano kaya ang mararamdaman niya kung may angkining ibang katawan ang ari ng boyfriend niya. Nahuhulaan na niyang masakit.

Hinawakan ni Renzo ang kamay niya at ipinatong sa pagkalalaki nito. "Sa 'yong sa 'yo lang."

Kung anomang susunod man niyang tanong ay natunaw na ng mga halik nito.

Toxic (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon