Ch.6: Toxic Beginnings

236 4 0
                                    

CHAPTER SIX: TOXIC BEGINNINGS

Kung walang nagkaroon nang masamang kutob nang mamatay ang katrabaho ni Renzo sa construction site, wala ring nagkaroon nang kakaibang hinala nang may mangyaring masama kay Francis Paolo Guzman, ang karibal ni Renzo kay Zandra three years ago.

Hindi pumasok ang teacher ng mga Grade 12 ABM students sa Pio Pilapil Integrated School. Kaya kanya-kanyang kumpol ang magbabarkada. Si Zandra ay tahimik na nagre-review sa isang subject, katabi ang manliligaw niyang si Francis Paolo.

Pero ang atensyon ni Zandra ay wala sa binabasang libro, o kay Francis Paolo. Ang atensyon niya ay na kay Renzo, na isa pa niyang manliligaw. Kinakausap ito ng tatlong kabarkada nito dahil sinabi ng bakla nilang teacher na nanganganib itong bumagsak.

"Ano'ng sabi ni Manchu sa 'yo?" Narinig ni Zandra na tanong ni Jose kay Renzo. Best friend ni Renzo si Jose.

"Bagsak daw ako no'ng midterm. Mabababa mga quiz ko. Baka ibagsak ko daw subject niya," malungkot na sabi ni Renzo. Bagsak ang mga balikat nito at nilalaro-laro ang ID, nililibang siguro ang sarili.

"Patay ka," sabi ni Seb, isa pang kabarkada ni Renzo.

"Makakapasa 'yan, may pag-asa pa 'yan," sabi ni Jose. Minasahe nito ang balikat ni Renzo. "Parang 'di naman natin kilala si Manchu."

Mr. Aguilles ang pangalan ng terror teacher nilang bakla, pero "Manchu" ang karaniwang tawag dito ng mga bulakbol na lalaki nilang classmate. Nagturo dati ng history si Mr. Aguilles sa kanila, itinuro ang tungkol sa Manchuria, at ito na ang naging bansag dito. Hindi mo na kailangang maging matalino para maintindihan kung bakit.

"Tip ko sa 'yo, pare, pumikit ka na lang. O magsabi kay Manchu na manonood ka ng porn habang ginagawa mo ang special project mo."

Nalungkot si Zandra sa narinig, lalo pa nang makita niyang natigilan si Renzo at parang napaisip nang malalim.

Narinig niyang umismid ang manliligaw na si Francis Paolo. "Hindi kasi mga nag-aaral nang mabuti."

Kung ang manliligaw na si Renzo ay tamad at bulakbol, masipag at matalino naman si Francis Paolo. Pasado na ito sa isang big university at sure na scholar na ito.

Pero mas trip ni Zandra si Renzo. Si Renzo na kulay red orange ang buhok, na may hikaw sa isang tainga, na madalas makapagpatawa ng teacher. Si Renzo na matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, pilyo lagi ang ngiti. Si Renzo na feeling niya ay kinulang lang ng limang paligo kay Daniel Padilla.

"Kawawa naman siya," sabi ni Zandra.

"Hindi siya kawawa." Inayos ni Francis Paolo ang salamin. Napakapayat ni Francis Paolo. Luwa na rin ang mga mata. Sa kababasa siguro. "Mas kawawa ang Pilipinas kung makakapasa siya, eh wala naman 'yang alam."

Hindi na sumagot si Zandra. Hindi maalis ang tingin sa malungkot na si Renzo.

Kinagabihan, nang uwian na ay nagdahilan siya kay Francis Paolo dahil nagpupumilit ito na ihatid siya. Nagpunta siya sa likod ng school, sa tapat ng abandonadong sari-sari store, kung saan madalas tumatambay si Renzo kasama ang barkada nito.

Nakita niya na naninigarilyo ang mga ito. Nang makita siya ni Renzo na palapit ay agad-agad nitong hinagis ang sigarilyo nito.

"Huli ka boooy!" Pang-aalaska ni Jose dito. Generic na senior high school student ang mukha ni Jose. Ngising-ngisi ito na lalong namaga ang pimples nito.

Ngumiti lang nang pa-cute si Renzo. "'Pag girlfriend na kita, 'di na 'ko maninigarilyo." Itinaas nito ang isang kamay. "Promise."

Inalaska ito ng barkada nito.

"Ah, 'di 'yon ang concern ko," sagot ni Zandra. "Ang concern ko, iyong baka ibagsak ka ni Sir Aguilles. Nakausap mo na ba siya?"

Tumango si Renzo. Nanonood lang sa kanila ang mga kaibigan nito na sige sa paninigarilyo, binubugahan ng usok si Renzo kaya nagmumukha itong panaginip.

"Ano'ng sabi sa 'yo?"

"Need ko daw ipasa ang final exam," sagot ni Renzo. "Makakahabol pa daw ako kapag mataas ang score ko sa exam."

"Pero 'pag binagsak mo 'yun, magpachu ka na lang kay Manchu," sabi ni Jose na ikinatawa ng mga lalaki.

Doon napaisip si Zandra kung bakit para sa mga kabataang lalaki tulad ng mga ito, nakakatawa na maabuso ang katawan ng mga ito. Nag-isang linya ang labi niya, hindi siya natuwa.

"Masarap naman magpachu kay Manchu," sabi ni Karlo, ang nag-iisang kaibigan ni Renzo na may hitsura. "'Di ka na rin lugi, ipapasa ka naman."

"Tama na 'yan," saway ni Renzo sa mga kaibigan, nakatingin sa kanya.

"Gagawin mo ba 'yon kapag bumagsak ka?" tanong niya kay Renzo.

Panay ang iling ni Renzo. "Hindi. Promise." Itinaas pa nito uli ang kanang kamay.

"Okay," sabi ni Zandra, inayos ang pagkakakipkip ng mga libro sa dibdib. "Tutulungan kita."

Renzo smiled.

"Itututor kita sa subject ni Mr. Aguilles. Sa Sabado. Ime-make sure natin na mapapasa mo 'yung exam."

Inalaska uli ito ng mga kabarkada nito. Tinapik sa balikat na parang kino-congratulate. Lalo pang tumamis ang ngiti ni Renzo. Mas makislap pa ang mga mata kaysa sa mga bituin sa itaas.

"Sige," sabi ni Renzo. "See you sa Sabado."

Tumango siya, nginitian si Renzo at saka tumalikod at naglayo palakad sa mga ito. Narinig pa niya ang pang-aalaska ng mga ito kay Renzo. "Kinikilig si kupal," sabi ni Jose, sabay halakhak.

Kahit si Zandra, aaminin niya sa sarili niya, kinikilig siya.

Toxic (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon