Ch.10: Toxic Revelation

283 5 1
                                    


CHAPTER TEN: TOXIC REVELATION

DUMATING ang next semester, at minsang naglalakad si Zandra papunta sa canteen ay may sumabay sa kanyang lalaki. Si Francis Paolo.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

Kita niyang super eager si Francis Paolo na kausapin siya kaya tumango siya. Dinala niya ito sa bench na malapit sa canteen. Umupo sila doong dalawa.

"Ano ba 'yon?"

Baka makita sila ng boyfriend niyang si Renzo at pag-ugatan pa ng away iyon sa pagitan nilang dalawa.

"Hiwalayan mo si Renzo," sabi ni Francis Paolo.

Napailing si Zandra. "You know, I thought you would handle rejection gracefully—"

"Nakita ko siya, lumabas siya ng bahay ni Mr. Aguilles kagabi."

Natigilan si Zandra.

"I don't know what he was doing there, but I am sure the both of us can put two and two together." Namimilog pa ang mga mata ni Francis habang nagsasalita. "Kapitbahay ko si Mr. Aguilles, nakita ko siyang lumabas ng gate, tapos nagbike palayo."

Hindi pa rin makapagsalita si Zandra.

"Ni hindi na nga natin teacher si Mr. Aguilles this sem. Kaya kung pumunta man siya doon, hindi na dahil sa grade 'yon. Baka sa pera."

Pero may kaya sina Renzo. Hindi naghihirap ang mga ito.

"Please don't be like that," sabi ni Zandra, sinamahan ng iling. Nanliit ang tinig niya. "Alam kong tingin mo hindi mo kalevel 'yong tao, pero 'wag mo namang siraan."

Si Francis Paolo naman ang natigilan. Tapos ay napailing na lang ito. "Don't look at him through rose-tinted glasses, Zandra. He is a manipulative, deceitful creep. Don't say I didn't warn you."

And then he left her sitting on a bench as still as statue.

***

"SINISIRAAN lang ako ng gagong 'yon!"

Napasigaw si Renzo nang sabihin niya rito ang sinabi sa kanya ni Francis Paolo. Nasa bahay sila—wala ang mama at papa niya, pati mga kapatid niya. Niyaya niya ito sa sala para makapag-usap sila nang masinsinan. Pero parang mapapatayo na ito mula sa pagkakaupo sa sofa dahil sa galit. Parang balak nitong sugurin si Francis Paolo.

"Kumalma ka," sabi ni Zandra sa boyfriend, humawak sa balikat nito.

Kuyom ang kamao ni Renzo. Humugot nang malalalim na hininga bago tumitig sa kanya. "Naniwala ka naman? Naniwala ka sa kanya? Tingin mo... tingin mo magagawa ko 'yon sa 'yo?"

Damang-dama niya ang hinanakit sa tinig nito. Nakita rin niya na pinangiliran ng luha ang mga mata nito.

Umiling si Zandra, humawak sa magkabilang pisngi ng boyfriend. "Hindi ako naniwala sa kanya."

Pumatak ang luha ni Renzo. Mabilis niyang pinahid 'yon.

"Hindi 'yon totoo," sabi pa ni Renzo. "Hindi ko gagawin 'yon sa 'yo. Bulakbol ako, hindi ako matalino, pero alam ko namang magpahalaga ng mahal ko. Suwerte ako sa 'yo, suwerte ako na ako ang pinili mo, hindi 'yang Francis Paolo na 'yan. Kasi 'di ba, lahat naniniwala na magiging successful siya. Kasi siya ang pinakamatalino. Ako, dahil hindi ako matalino, walang naniniwala sa akin. Kahit mga teacher natin, pinagtatawanan ako. Ikaw lang ang naniwala sa 'kin. Kaya bakit pa kita tatarantaduhin? Bakit pa kita hindi iingatan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Toxic (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon