Ch.5: Toxic Yes

231 5 0
                                    


CHAPTER FIVE: TOXIC YES

SA GABING sasagutin ni Monty si Renzo, nagdecide siya na isurprise ang lalaki. Alam niya kung anong oras ang break ng mga construction worker at pinuntahan niya ito, mas maaga sa kadalasang pagkikita nila.

Nasa ibaba lang ng construction site ang mga construction worker, nagkakanya-kanya sigurong hanap ng karinderya na makakainan. Iba-iba ang edad ng mga iyon. May mukhang edad singkuwenta hanggang sa mukhang menor de edad pa.

Pero pare-pareho silang mukhang pagod. Naisip ni Monty na kung magiging sila ni Renzo ay tutulungan niya ito na makahanap ng ibang trabaho.

Hindi makita ni Monty si Renzo, dahil maraming constru nga ang nasa construction site. Hanggang mahuli niya ang tingin ng isang lalaki. Ngumisi ito nang magkatitigan sila at naglakad palapit sa kanya.

"Bakit, miss?" sabi nito.

Matangkad ito at may hitsura. Moreno, parang Jericho Rosales.

Nginitian ni Monty ang lalaki. "May hinahanap ako."

"Naku, 'wag mo nang hanapin 'yon. May asawa na 'yon, kung sino man 'yon. Pito na anak no'n."

Natawa si Monty.

"Ako na lang." Itinuro pa nito ang sarili. "Ako, binata, promise."

"Thank you, but no thank you," matamis ang ngiting sabi ni Monty.

"Ba 'yan, nakakadurog naman ng puso. Sige na o, miss beautiful. Ako na lang. Kunin ko number mo."

"Ah, thank you but..."

Nahagip ng tingin niya si Renzo. Nakatitig ito sa kanila. Madilim ang mukha nito. Humakbang ito palapit sa kanila. Nang makalapit ay nakipagtagisan ito ng titig sa lalaki. Umatras naman agad ang lalaki nang matitigan ni Renzo.

"Aatras na," sabi pa nito, itinaas ang dalawang kamay. Tapos ay bumaling sa kanya ang lalaki. "Mahilig ka pala sa weirdo."

Tapos ay tinalikuran sila nito at naglakad ito palayo. Nang tingnan niya si Renzo ay nakangiti na ito sa kanya. "Kain na tayo?"

***

NAKAUPO uli sila sa bench sa ilalim ng puno ng narra. Kumakain ng nakaugaliang hotdog sandwich, softdrinks para dito at kape para sa kanya. Niyayakap ng banayad at mainit na hangin ng siyudad. Sinasabayan ng mga tunog ng busina, nabubuhusan ng liwanag ng poste.

"Buti nilayuan ka no'ng lalaking 'yon," sabi ni Renzo, medyo naka-pout habang ngumunguya ng pagkain. "Manyak 'yon, eh."

"Ano pangalan niya?"

"'Wag mo na itanong. Basta manyak 'yon."

Natatawa si Monty. "Fine."

"Naguwapuhan ka ba sa kanya?" biglang tanong ni Renzo. Nang tingnan niya ang mga mata nito ay nagpa-puppy eyes na naman ito sa kanya parang masasaktan kapag sumagot siya ng 'oo'.

"Kamukha niya si Jericho Rosales," sabi ni Monty.

"Hah, ang layo. Burnik ni Jericho Rosales, puwede pa."

Ang lakas ng tawa ni Monty. "Ewan."

"Basta ingat ka doon. Kita na lang tayo dito. Maraming manyak dun, lalo na 'yon."

"Don't worry, wala akong interes sa iba."

"Okay 'yan. Future girlfriend kasi kita." Sumubo ito nang malaki sa sandwich.

"Girlfriend," sabi niya rito.

Napatitig ito sa kanya.

"I mean, I don't identify as a woman, but that's the cutest way na naisip ko na sabihin sa 'yo na... sinasagot na kita."

Namilog ang mga mata ni Renzo. Hindi nakapagsalita. Tapos ay napahawak sa dibdib.

Nabulunan ang mokong!

"Renz..." Nag-alalang sabi ni Monty

Kuha agad ni Renzo ang bote ng softdrinks nito. Nanginginig pa ang kamay ng buksan ang cap ng softdrinks. Ininom ang soft drinks hanggang sa makahinga nang maluwag. Medyo natatawa na si Monty, hinihimas ang likod ng lalaki.

Nang makabawi si Renzo ay sinabi nito, "Bumusina ka naman bago mo ko shotain. Nagulat ako, eh!"

Natawa si Monty. Tapos ay natahimik ng lunurin siya ni Renzo sa mga titig nito. Mabilis ang tibok ng puso niya at parang hindi siya makahinga. Pero kailangan pa rin niyang magtanong para makasiguro.

"Pero ikaw?" Monty asked. "Sigurado ka ba? Kasi, totoo 'to, sasagutin na kita tonight."

Renzo smiled. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "Ngayong gabi, taken na ako," he said. "May shota na ako. May shota ka na rin. Sigurado na 'to."

Monty waited for Renzo's kiss, but it did not happen. Pero pinagsawalang bahala niya iyon. Masaya siya, eh. Umuwi siyang masaya, pero parang hindi na kumpleto. Parang may bahagi siyang naiwan kay Renzo.

Nang gabing iyon ay nag sex on phone sila. It was so feverishly good, even if Renzo had a funny nickname to his cock. Not the common "Junjun" but something else.

Iron man.

***

Two days after maging sila, the guy that looks like Jericho Rosales, na nagtanong ng number ni Monty will die because of a freak accident.

No foul play daw sabi ng mga pulis. Nadulas lang at nahulog. Iniyakan na lang ang lalaki ng asawa nito sa ospital.

***

Toxic (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon