" Arie! " Rinig kong sigaw ni kuya kyer" bakit kuya? " sambit ko
lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko
nandito ako ngayon sa tabing dagat na kung tawagin namin ay TAGAT
" May problema ba? " tanong nito sa akin
nilingon ko siya at umiling
" wala po " tugon ko at ibinaling muli ang atensyon sa dagat
" bakit ka andito sa tagat? " tanong nito
" wala po akong magawa sa nayon eh "
nakatira kami sa nayon, ang nayon namin ay tinatawag na BYIENVENEDO
masaya sa aming nayon ngunit mabilis akong mabagot lalo na pag umaga, wala kasi akong maka kwentuhan dahil ang mga kaibigan ko ay pumapasok sa eskwela sa kabilang nayon, sa CRISPENVERA
" sige, samahan kita rito para magpalipas oras, mamaya naman ay darating na ang mga kaibigan mo galing sa eskwela " sambit ni kuya
nilingon ko muli siya at nginitian
" pasensiya ka na arie ha " sambit ni kuya
napatigil naman ako
" ha? Bakit kuya kyer? anong problema? " nagtataka kong tugon
" wala pa kasi akong sapat na pera para mapag aral ka, alam mo naman na ang pagbubuhat lang nang mga gulay sa talipapa ang pinagkukuhanan ko nang ikabubuhay natin, hayaan mo pag naka luwag luwag tayo at may mahanap ako na ibang trabaho na mas malaki ang sweldo, iipunan ko ang eskwela mo " sambit ni kuya na nagpaiyak sa akin
Wala na ang mga magulang namin ni kuya kyer, sila ay namatay dahil sa biglaang pagsugod nang mga sundalong taga syudad dito sa nayon sa hindi malamang dahilan, buti ay nailigtas kami ni tiya maling nang mga araw na iyon, sanggol palamang ako nang mawala sila at pitong taon palang si kuya nun, si tiya maling ang nag alaga sa amin ngunit nang mag sampong taong gulang na ako ay namatay sila dahil sa malubhang sakit, labing pitong taon palang ni kuya kyer ay sinalo niya na ang responsibilidad bilang magulang at kuya sa akin.
Kaya napaka swerte ko na meron akong kuya kyer
niyakap ko siya nang mahigpit
" tahan na arie, ano ka ba bakit ka umiiyak? " pag- aalo sa akin ni kuya
" ang swerte ko po kasi dahil meron akong kuya na katulad mo, tumatayong magulang at kuya ko, kuya wag mo masyadong isipin ang pag pasok ko sa eskwela, labing pito na ang gulang ko kuya, dapat ang iniisip ko ngayon ay kung paano ako magkakaroon nang trabaho " sambit ko sakaniya
ngumiti lang siya at niyakap ako pabalik
" wag mo munang isipin ang paghahanap nang trabaho arie hangga't kaya ko pa, ako ang magtataguyod nang pang araw araw mong pangangailangan, pangako ni kuya kyer na kahit ilang taon ay mapapag-aral kita sa kabilang nayon " mahinahon nitong tugon
mas hinigpitan ko pang pagkakayakap ko kay kuya at tumango lang
ilang minuto ang itinagal namin sa ganong lagay at ako na ang humiwalay sa pagkakayakap
pinunasan ko ang luha ko at nilingon si kuya kyer
Ngumiti ito sa akin at ginulo ang buhok ko
" tara na arie, kain muna tayo hmm mamaya pauwi na ang mga kaibigan mo, halika na " naka ngiting sambit ni kuya
tumango lang ako at sumunod sakaniya.
-F'eimyel
YOU ARE READING
Borrowed Time
Teen FictionThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...