Arie
" Ayos ka na ba talaga Arie? " Tanong ni Jacob
Nilingon ko ito at tumango
" Oo ayos na ako, Salamat " naka ngiti kong Tugon
" Ate Arie sino po bumili nang mga prutas na ito? " Tanong ni Jared
" Si Kuya mo Ezekiel " Tugon ko rito
" Wow! Mukhang mayaman ka po Kuya Ezekiel ha!"
Nakangiti nitong aninapatawa naman si Ezekiel
" Huh? ako? Hindi naman " sambit nito
" Pa humble pa siya oh " natutuwa namang sambit ni Janine
" oo nga eh itsura palang mukha nang mayaman" sambit naman ni Faye
" Tama! " sambit din ni Isay habang pinapapak ang ubas
" Ate Isay pahingi ako ubas! " sambit ni Theo at lumapit kay Isay
Kinuha kasi nito iyong plato na may lamang ubas
" ay oh ito oh, sorry halos maubos ko na ang sarap kasi " nahihiya nitong sambit at ini abot kay theo ang hawak nitong plato
napansin ko naman ang mahinang pag tawa ni Ezekiel
Hindi ko namalayan na napa titig na ako dito nang matagal
at nang mag tagpo ang aming mga mata ay natuwa muli ito
ang saya niya ata
" Oh Arie, baka matunaw si Ezekiel " pabirong ani ni Janine
Nilingon ko ito at pinanlakihan nang mata
tumawa naman ito ganun din sila Isay
normal na sa amin ang ganun, mag-asaran at mag kulitan
" Tunaw na tunaw na nga ako eh, ikaw ba naman ang titigan nang isang magandang dilag " sambit ni Ezekiel na ikinatili nang lahat
" Manahimik ka Ezekiel " ani ko
" Kiss Muna " natutuwa nitong sambit
Binato ko ito nang unan na nasa tabi ko
" Hoy! Hoy! Hinay hinay sa kalandian, andito si Jacob oh! " sambit ni Isay
" Isay!" Naiinis naman na ani ni Jacob
" Ha? Ano pong ibig mong sabihin ate Isay? Ano pong masama kapag naglalambingan si ate Arie at kuya Ezekiel sa harap ni Kuya Jacob? " inosenteng tanong ni Theo
NAGLALAMBINGAN!!
" Hindi kami naglalambingan Theo! " ani ko rito
" pa humble ka rin pala Arie eh " pabirong bigkas nito
" Tigil tigilan mo ako Ezekiel " sambit ko rito
" ah, may gagawin pa pala ako, Arie lagi kang mag-iingat, Jared dito ka muna makipag laro ka muna kay theo, at tanungin mo nalang siya mamaya kung doon o dito siya matulog, sige una na ako " Ani ni Jacob at tumayo
YOU ARE READING
Borrowed Time
Novela JuvenilThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...