Arie
" Oh Theo, Jared mag gagabi na ha " biglang sambit ni kuya napansin ko rin ang mga dala nitong ulam na nakabalot sa plastic
" Kuya kyer, dito daw po matutulog si Theo tapos bukas nalang daw po sa amin, at tiyaka pupunta raw po sila ate arie sa tagat eh " sambit ni Jared
Ini abot naman ni kuya ang dala dala nitong ulam sa mga kaibigan ko
" salamat po rito kuya kyer " masaya nilang sambit
nginitian naman sila ni kuya
" walang anuman, oh siya sige dito ka matulog theo, pero mag gagabi na delekado na sa tagat " sambit ni kuya
nilingon ko si theo at nakita ko ang paglungkot nang ekspresyon nito
" ganun po ba, sige bukas nalang po ako magpapasama kay ate arie sa tagat, labas po muna kami ni Jared laro po muna kami tiyaka balik po ako dito mamaya para kain " naka yukong sambit nito at hinila si Jared palabas nang bahay
alam kong labi ang magiging tampo sa akin ni theo dahil nangako ako sakaniya hays
nagkatitigan kami ni kuya kyer
" uhm ano arie, kausapin namin si theo mamaya, kuya kyer, arie mauna na po kami salamat ho rito sa ulam " nakangitingin sambit ni Janna
nilingon namin siya ni kuya kyer at nginitian
" mauna na ho kami kuya kyer, arie bukas ulit ah " sabay na sambit ni faye at isay
nginitian rin namin sila
" walang anuman, sige mag-iingat kayo, balik kayo ha " sambit ni kuya kyer
" ingat kayo ha " sambit ko at nilapitan ko sila
isa isa ko silang niyakap at nagpaalam muli sila
" Samahan ko kayo ni theo sa tagat, hindi pa naman gaano pagabi eh babantayan ko kayo " sambit ni Kuya kyer na nagpagulat sa akin
" tagala ho? Papayagan niyo po kami? Sasamahan niyo ho kami? " sambit ko at niyakap si kuya kyer
" oo pero kakain muna tayo ha tawagan mo na si theo " tugon nito at niyakap ako pabalik
" sige po! " masaya kong sambit at lumabas sa bahay
" theo " masaya kong sambit at nilapitan sila ni jared
naglalaro sila sa tapat nang bagay ni aling ising
nginitian lang ako ni theo pero alam kong pilit ang iyon
" tara kain na tayo, alam mo ba pupunta tayong tagat, sasamahan daw tayo ni kuya arie!! " masaya kong sambit
Nanlaki naman ang mata nito at biglang ngumiti
nagulat din ako nang niyakap ako nito
kaya't niyakap ko rin ito pabalik
" puwede po bang sumama ate arie? " sambit ni Jared
" oo naman, pero nakapag paalam ka na ba kay kuya mo? " tanong ko rito
YOU ARE READING
Borrowed Time
Teen FictionThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...