Ezekiel
" Dito ka muna Arie, mamaya lilinisan ko ang sugat mo" ani ko
" m-masakit ba pag nilinisan mo ang sugat ko? " tanong nito
" oo, magiging mahapdi iyon, pero hindi naman tatagal ang sakit na mararamdaman mo kasi mga ilang minuto lang ay mawawala na yung sakit, magiging maginhawa ang pakiramdam mo " sambit ko
ngumiti lang ito at tumango
" sa susunod maging maingat ka Arie " sambit ko
Tumango lang naman muli ito
nginitian ko lang din ito at kumuha na nang magagamit upang linisin ang sahig na may mga bubog
buong ingat ko itong nilinis at ilang minuto lang itong tinapos
" Arie, saan dito makaka bili nang alcohol? " tanong ko rito
" lagpas sa talipapa, may tindahan doon na nagbebenta nang mga alcohol at iba pang mga gamot at pang gamot malayo layo rin yun at siyaka mahal ang benta nilang alcohol dito " sambit nito
" i don't care how much it cost, ang importante magamot ko sugat mo, sige aalis muna ako para bumili nang alcohol, mag-iingat kayo dito " sambit ko
" ingat ka din " tugon ni arie
nginitian ko lang siya at nagpaalam na din ako kay theo at siyaka nag-umpisa nang maglakad papunta sa tindahan na sinasabi ni arie
habang naglalakad ay napapansin ko ang tinginan nang ibang taong nakakasalubong ko pero hindi ko nalamang iyon pinansin
ilang minuto pa ay nakarating na ako sa sinasabi ni arie na tindahan
bumili ako nang alcohol, cotton at bandage wrap
hindi aabot sa 200 pesos ang nagastos ko kaya nagtataka ako bakit sinasabi ni arie na mahal ang pagtinda nila sa alcohol eh normal price lang naman yun
baka nasaktohan ko lang siguro na mababa ang presyo nila
nag-umpisa na muli akong maglakad
nang makarating ako sa may dulo nang talipapa ay may nakita akong nagbebenta nang palamig
agad akong pumunta doon at bumili nang tatlo
chocolate flavor ang pinili kong bilihin dahil paborito ko ito, sana gusto nila itong flavor na napili ko
nagpatuloy ako sa paglalakad at nang may makita akong nag bebenta nang mga prutas ay bumili ako nito
magugustuhan nila toh
I buy some grapes, apples, ponkan, avocado, lansones, rambutan and manggo
namili na rin ako nang ulam at mga pampalasa upang iluto mamaya
nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay nila Arie
inilagay ko muna ang binili ko sa talipapa sa lamesa sa kusina at hinanap sila arie
isinalin ko din muna ang palamig sa baso at tinakpan ito gamit ang maliit na tray
wala sila theo dito nang dumating ako, nasaan kaya sila
" Arie? Theo? Andito na ako " sambit ko
lalabas na sana ako nang bahay nang may kumalabit sa akin
" kuya nasa kwarto po si ate Arie, nagpapahinga po siya, sumakit daw po bigla ulo niya eh " sambit ni theo
YOU ARE READING
Borrowed Time
Teen FictionThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...