" ah oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo, may magaganap kaming program bawat studyante eh kailangan magdala nang isang participant " pag-iiba nang usapan ni Janna" ha anong program? " tanong ni isay
" hindi ko din alam basta kailangan mayroon kaming dadalihin na kahit sino basta ka edad namin, hindi ko din alam kong ano ano ang trip nang mga classmate ko " sambit ni Janna
napatawa naman kami rito
" alam ko na kung sino ang magiging participant mo " sambit naman ni Faye
napatingin naman kami sa kaniya
at nang tinignan ako nang tatlo kong kaibigan ay mukhang alam ko na
ako siguro ang tinutukoy ni faye
" OH MY G! oo ngaaaaaaaa tama tama!!! Arieee ikaw ang gagawin kong participant ko para sa program please pumayag ka! " masayang sambit ni Janna napa palakpak pa ito
natawa naman ako
" oo ngaa, magandaa yung pagkakataon na toh, at sure ako pag program pwede magdala nang kahit anong gadgets like cellphone may binigay sa akin si tita na ganun, at pwede tayo doon makapag picture" sambit muli ni Janna
" pwede naman kahit dito tayo mag picture ah " sambit ko
" eh kasi pinapayagan lang ako gamitin iyon pag kailangan, hindi ako pinapayagan na lagi ko iyong gamitin baka ma addict daw ako " sambit ni Janna
tumango lang naman ako
" Arie magpaalam ka na kay kuya kyer ah! Pleasee masayaa iyon, hays sana may program rin na maganap sa amin " sambit ni Isay
nginitian ko siya
" sige magpapaalam ako " masaya kong tugon
" ako na bahala sa susuotin mo arie ha " naka ngiting sambit ni faye
" ako na ang bahala sa pag aayos nang buhok ni arie " sambit naman ni Isay
" ako naman sa cellphone hihi " sambit ni Janna
natuwa naman ako, mukhang masaya ang magiging program na sinasabi ni Janna
makakapag picture din kami, nabanggit nila sa akin na pwede raw itong ipa laminate at ilagay sa frame
pag nagka picture kami ipapa laminate ko iyon para hindi ko makakalimutan ang una naming picture na magkakasama
at ang unang beses ko ding maka punta sa kabilang nayon
pag nagka trabaho ako bibili talga ako nung cellphone na sinasabi ni Janna at lagi akong magpapa picture kay kuya at mag iipon ako para ipa laminate lahat iyon at gawing frame ang iba
si kuya at ang mga kaibigan ko nalang ang meron ako kaya ibibigay ko lahat nang bagay na alam kong ikakasaya nila
" sa tingin niyo wala bang mang huhusga sa akin doon sa kabilang nayon? " malungkot ko na sambit
napa isip ako, baka husgahan nila ako dahil simula bata hanggang ngayon ay hindi ako nakapasok sa eskwela
nilingon ako nang mga kaibigan ko
" ano ka ba arie, bakit mo naman naisip iyan? hindi ka kaya kahusga husga, maganda ka mabait, masipag, ang puti mo pa at meron kang magagandang kaibigan " sambit ni Janna
nginitian ko lang ito
" kaso, mangmang ako " sambit ko
napansin kong nanlambot aag ekspresyon sa mga mukha nila
" A-arie wag mong sabihin iyan " sambit ni Isay at Faye
" Oo nga hindi ka mangmang, okay? " sambit rin ni Janna
" Hindi ko pa gaano alam magbasa, may mga malalalim rin na salita sa wikang inglis ang hindi ko maintindihan, pangit ang sulat ko dahil hindi ako sanay, paano pag.. paano pag kailangan nang talino ang gaganapin program niyo Janna? eh di wala na.. baka maging pabigat ak-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang bigla silang humiyaw
" HOY ANONG PABIGAT KA DIYAN " sabay sabay nilang sambit
natawa naman ako sa reaksyon nila
" Arie, tandaan mo, hindi contest ang sasalihan natin okay? program, para iyong event baka may mga palaro at kaunting uhm parang seminar, hindi ko pa alam kong paano tatakbo yung program na gaganapin dahil hindi pa nila iyon in a-announce, basta magsama lang raw kami nang participant, at tandaan mo, kahit kailan hindi ka naging pabigat sa amin " sambit ni Janna
" paano pag yung palaro ay kai- "
" hephep! tama na yan arie! baka ang ending eh hindi kita maging participant, ano ka ba! Wag kang mag-alala, magkakampi tayo at by two iyon at kung may di ka man maintindihan pag may mechanics kung meron mang palaro, eh ituturo ko sayo, ha, okay? Wag ka nang mag-alala patungkol doon ! Arie naman eh "
tumango naman ako at niyakap siya
" ang swerte ko talga sa inyo " sambit ko
" mas maswerte kami sa iyo Arie " masaya nilang sambit
" samahan ka na namin mamaya magpaalam kay kuya kyer, okay? " sambit ni Janna
tumango naman ako
at pagkatapos nang ilang oras pa naming pag kwekwentuhan ay naisipan na naming maligo sa tagat
ganito ang lagi naming gawi
at pagkatapos maligo ay papahiramin kami ni faye nang damit at tiyaka bibili kami sa nayon nng meryenda namin pag mag alas tres na
malapit lapit lang kasi ang bahay nila faye sa tagat
ang mga damit na ipinapahiram niya ay ibinabalik namin pagkatapos labahan
matagal na kaming magkakaibigan kaya normal na sa amin ang maghiraman nang gamit nang isa't isa
ganun na kami ka komportable sa isa't isa
binibigyan ako minsan nang pera ni kuya at ang iba'y iniipon ko
nag-iipon ako para sa eskwela ko, pero pag may mga espesyal na araw katulad nang kaarawan ni kuya at nang mga kaibigan ko ay nagagastos ko ito
pag hindi naman ako binigyan ni kuya ay hindi ako magdadala nang pera para makatipid hindi nalang muna sana ako bibili nang meryenda pero nililibre nila ako Janna
tinatanggihan ko sila pero pinipilit nilang i libre ako dahil hindi raw nila matitiis na may hindi makaka kain sa aming apat
kaya minsan ay nagdadala ako kahit kinse pesos para kahit tinapay lang ang aking bilihin at tubig ay ayos na, ayaw kong lagi magpa libre sa mga kaibigan ko dahil alam kong may pinag iipunan din sila at alam ko ang hirap nang buhay dito sa nayon
Paborito ko ring bumili nang tinatawag nilang
" palamig " may nagbebenta nang ganun na nasa dulo nang talipapa kahit malayo layo ay nilalakad namin ito para maka biliSikat raw ang inuming iyon sa syudad at kabilang nayon, dahil bukod sa makaka tipid ka na eh sulit ito, limang piso lang ito minsan nakaka dalawang bili pa nga ako rito dahil sa lasa nito, napaka sarap
May iba't ibang flavor ito, ang paborito ko ay iyong " chocolate "
kaso minsan nauubusan na kami kaya minsan ay sayang ang pagod namin
pero hindi iyon gaanong sayang, ang importante meron kaming mga masasayang ala ala na magkakasama at konpleto nang mga kaibigan ko at tama at hindi mababa ang tingin nila sa akin kahit hindi ako katulad nilang edukada.
ang kunting oras lang na magkakasama kami ay nakakapag kompleto na nang araw ko, kaya walang sayang na oras kapag kasama ko sila.
-F'eimyel
YOU ARE READING
Borrowed Time
Teen FictionThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...