Arie
" Wow! Pritong bangus! " masaya kong sambit kay kuya kyer
Paborito ko kasi ang bangus lalo na pag sinigang
Nginitian naman ako ni kuya
Tinulungan ko siyang mag ayos sa aming hapag
Maliit lang ang tinitirahan naming bahay pero sobrang daming masasayang ala ala ang nabuo rito, naalala ko pa nung kaarawan ko at mag pi-pitong taong gulang ako nung nabubuhay pa si tiya maling eh ipinagluto niya ako nang paborito kong sinigang na bangus at nag prito rin siya nito dahil alam niyang paborito ko ito kahit halos wala kaming pera at puro gulay ang aming inuulam
" Magpaka busog ka Arie ha, dinagdagan ni Aling Susan nang limang daan ang sweldo ko kahapon dahil marami ang binuhat kong naka plastic na gulay " naka ngiting sambit ni kuya
" Salamat kuya ha!! ah kuya, may masakit ba sa iyo? nabanggit mo na madami kang binuhat kahapon, wala bang nasakit sa katawan mo? " sambit ko at nag-umpisa nang mag salin nang kanina sa plato ko at plato ni kuya
Kumuha na rin ako nang isang medyo malaking pirasong hati nang pritong bangus na iniluto ni kuya
" Ano ka ba Arie sanay na ang kuya mo sa mga ganung gawain, ang pinaka importante ay makita kong masaya ang kapatid ko habang kumakain nang paborito niyang ulam " naka ngiting sambit ni kuya kyer
Gusto kong umiyak dahil sa sinabi ni kuya pero mas mapapa iyak ata ako sa lasa nang pritong bangus na ngayon at ninanamnam namnam ko na
ang sarap talaga!
minsan lang ata kasi sa isang buwan kami makapag ulam nang bangus at karne kaya pag nakaka tikim ako muli nito ay parang bago lang sa aking panlasa
" Grabe naman mag lambing ang kuya kyer ko "
pagbibiro ko kay kuya na nagpatawa sa aminMasaya kaming nag kwentuhan ni kuya habang kunakain
Tumagal nang halos kinse minuto ang aming pag kwekwentuhan habang kumakain at kami ay natapos
nag presenta ako na mag hugas nang pinggan kahit ipinipilit ni kuya na siya nalang daw dahil uunti, sa huli ay ako ang nag hugas, alam kong pagod si kuya at mamaya ay mag tratrabaho ulit siya kaya pinag pahinga ka muna siya
Ilang minuto nalang at mag aalas dose na nang umaga, bigla tuloy akong nakaramdam nang saya, uuwi na ang mga kaibigan ko galing eskwela!
ngayon ay nagpapahinga pa si kuya kyer mamayang alas tres pa siya pupunta sa talipapa kaya hinayaan ko muna itong matulog
nakasanayan ko na, na pag alas dose y medya ay pupunta ako nang TAGAT upang makipag kwentuhan sa aking mga kaibigan
nagpahinga ako nang ilang minuto at nag ayos na upang maligo
ilang minuto lang ang inilagi ko sa pag-liligo at ako'y nag ayos na upang mag libot muna sa nayon bago ako pumuntang TAGAT
pagkatapos kong mag ayos ay naisipan kong puntahan si kuya sa kaniyang kwarto
gigisingin ko sana si kuya ngunit nagulat ako nang ito ay gising na pala
" oh kuya! bakit po ay gising ka na? " sambit ko rito
natawa naman ito kaya pati ako'y natawa narin
" bakit ka tumatawa kuya? " sambit ko muli
" ganitong oras kasi ay ginigising mo ako para magpaalam na maglilibot ka sa nayon at didiretso sa tagat, kaya nasanay na ako na magising nang ganitong oras " tugon ni kuya at ngumiti
tumayo ito at inayos ang higaan niya
" ah hihi na aabala ba kita kuya? Eh ayaw ko po kasing umalis nang hindi nagpapa alam eh " sambit ko
" itong kapatid ko talga oh, ano ka ba hinding hindi ka naging at magiging abala sa akin, masaya nga ako at ika'y nagpapa alam sige na, mag- iingat ka! Balik ka dito pag ala-sais na " tugon ni kuya at hinalikan ako nito sa noo
Ngumiti naman ako at tumango
" ikaw rin po kuya, mag-iingat ka po at huwag masyadong magpapakapagod! " masaya kong sambit at ngumiti muli
nginitian din ako ni kuya at ginulo ang aking buhok
Masaya akong naglibot libot sa nayon hanggang sa may naka pukaw nang aking atensyon
may batang umiiyak na malapit lang sa may talipapa
agad ko naman itong nilapitan at inalo
" ading, okay ka lang ba? " nag-aalala kong tanong sa batang umiiyak at pinapatahan
siguro'y sampong taon gulang palang ito
nilingon ako nang bata at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan
pero may saya, parang may mangyayaring maganda at masaya, hindi ko alam.
" a-ate? " sambit nito
" okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? At bakit ka andito? May kasama ka ba? Nawawala ka ba rito sa nayon? Bago ang itsura mo ha, taga saan ka? " sambit ko
ngumiti naman ito, napangiti rin ako at pinunasan ko ng luha na nasa mukha nito
" may mga nanghuhusga po kasi sa akin, binubully po nila ako " sambit nito
binubully? hinuhusgahan? tama! nabanggit sa akin yun nang isa kong kaibigan na nag-eeskwela, kung hindi ako nagkakamali eh ito'y wikang ingles
" saan sila? at bakit ka naman nila b-binubillu? " sambit ko
natawa ang bata na nagpa taka sa akin, doon ko lang napagtanto na mali ang aking nasabi, hindi pa kasi ako sanay sa wikang ingles na iyan
" binunillu? Binubully po iyon ate hihi " sambit nang bata
natawa naman ako nang mahina at tumango
" eh pasensiya ka na mahina ako sa pag-iingles " nahihiya kong sambit
" okay lang po yan, matutunan naman po iyan eh " naka ngiti nitong sambit
nginitian ko din siya
" oh ang bait bait mo naman, at wala namang problema sa iyo, maganda kang lalake at maputi, anong nakain nang mga iyon at ikay hinusgahan " sambit ko
napa iling naman ang bata
" wala raw po kasi akong mga magulang, alam mo ate ulila na po ako wala pong nag-aalaga sa akin at tanging panlilimos lamang po ang nagbubuhay sa akin " malungkot na sambit nito
Nagulat ako at sa hindi malamang dahilan ay niyakap ko ang bata kahit hindi ko ito kilala
napa iyak nalang ako dahil sa sitwasyon niyo, alam ko ang pakiramdam nang mangulila sa mga magulang, ma swerte pa ako at meron akong kuya pero itong bata, wala mag-isa niya lang
hindi ko alam bakit nagagawa pa nila itong husgahan, wala ba silang puso at awa sa bata
pinunasan ko ang luha ko at hinarap ang bata
" bakit ka ho umiiyak? " inosente nitong tanong
" wala na rin kasi akong mga magulang, hindi ko nga sila nakita at nakasama eh, pero alam kong may plano ang Diyos, ma swerte pa ako at meron akong kuya " sambit ko rito
ngumiti naman ito at nagulat ako nang pinunasan nito ang luha na pumatak sa aking mata kanina
" tama ka po ate may plano ang Diyos! ah ate ano pong pangalan mo? At ilang taon ka na ho? Ate salamat po ah kasi pag hindi kayo dumating baka susugurin at huhusgahan muli ako nang mga iyon " sambit nito at sabay turo sa nasa likuran ko
Ganun nalang ang gulat ko nang makita ko ang anak ni aling Celia na si Jared kasama ang mga kaibigan niya
sila ang nang-bully sa batang ito? bakit naman nila iyon gagawin, ngunit hindi naman sila ganiyan noon ha nagbago na ba sila?
ginagalang at lagi nila akong nginigitian pero bakit sila nang huhusga nang katulad nang batang ito
Si Jared kapatid ni Jacob, dati kong manliligaw.
-F'eimyel
YOU ARE READING
Borrowed Time
Teen FictionThis story is all about a manila boy named Ezekiel meet a province girl named Arie. When they first meet, Ezekiel know that Arie is his type, But Ezekiel is trying to avoide to fall inlove with Arie because he knows someday he will going to leave he...