CHAPTER 5

17 5 0
                                    


Arie

mag aalas kwatro na nang hapon at ngayon ay patungo na kami sa aming bahay upang ipaalam kay kuya kyer ang patungkol sa program na sinasabi ni Janna

" Kuya! " masaya kong sambit kay kuya ay niyakap siya

niyakap naman ako nito pabalik at ginulo ang aking buhok

" oh Janna, Isay, Faye mabuti naman at napadalaw kayo rito sa amin, kumain na ba kayo? Kung gusto niyo'y dito ba kayo kumain may inuluto akong adobo " masayang sambit ni kuya at nginitian ang mga kaibigan ko

nginitian naman nila si kuya pabalik

" Hello ho kuya kyer! ayos lang po kami kakatapos lang din po namin mag meryenda sa susunod nalang ho salamat po! " sambit naman ni Isay

" oo nga ho kuya kyer, salamat po sa pag-aalok at may ipapaalam po sana kami sana ho pumayag kayo " sambit ni Faye

" salamat ho sa pag-aalok kuya kyer pero busog na busog po kami sa aming kinain kanina hihi " pahabol ni Janna

" oh siya sige kung gusto niyo padalahan ko nalang kayo kahit ilang piraso nitong adobong manok na iniluto hindi naman namin ito mauubos ni arie, tanggapin niyo na gusto ko matikman niyo ang iniluto ko " sambit ni kuya kyer

" sige ho, salamat po! " sambit nang mga kaibigan ko at nginitian si kuya

" walang anuman basta kayo! Oo nga pala ano ang ipapaalam niyo faye? " tanong ni kuya

" uh may program po kasi sina Janna, sila lang ho magkaka klase ang kasama rito, at ang programa po nila ay kailangan nang ka edadan nila na kalahok, bale po bawat studyante po ay kailangan may dalihin na kanilang participant o kalahok para sa program, at napili po niya si Arie, kung papayagan niyo po sana siya na maging participant ni Janna "  sambit ni Faye

" Hayaan mo po kuya kyer hindi po namin papabayaan si Arie doon sa CRISPENVERA mababait din po ang mga ka eskwela po namin, at si faye at ako po ang bahala sa isusuot at pag aayos sa kaniya " sambit ni Janna

" Mababait po ang mga ka eskwela namin kuya kyer, wag po kayo mag- alala ako po bahala kay arie " sambit ni Janna

nginitian naman sila ni kuya kyer at napalingon ito sa akin

nginitian ko siya at ganun rin ito

" kailan ba gaganapin ang program na sinasabi ninyo? " tanong ni kuya kyer

napangiti ako nang labis nang marinig ko iyon ganun din ang mga kaibigan ko

nakumbinsi nila si kuyaa!!

hindi ito nag kwesyon o kung ano ano, tiyak ako may kunting impormasyon lang ang gusto nitong malaman  at papayagan ako nito!!

" wala pa pong iksaktong sinabing araw yung kaklase ko kuya kyer pero ang bulong bulungan ay baka raw ko sa susunod na linggo " naka ngiting sambit ni Janna

" oh siya sige sabihin mo kami pag kailan ha " sambit ni kuya kyer

Gusto kong tumalon sa tuwaa!! Pumayag si kuyaa!

" sige ho! Kung ganuna salamat po at pinayagan niyo si arie! Pangako po na hindi ko siya papabayaaa doon at magiging masaya ang araw nang program namin para kay arie " sambit ni Janna

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now