Chapter 1

81 21 1
                                    

Author's Note; Hindi po ako professional na writer. Actually, first time ko pong magsulat ng isang story. Kaya i-expect nyo na posibleng maraming error's. Kayo na po ang bahalang humusga sa akda kong ito. Maraming SALAMAT!


Writer; @CasirayanJunrey871


<iframe allowfullscreen></iframe>



CHAPTER [1]


→→→→→→→→→→→→


                             Ako nga po pala si Erika Gomez Bermundo. 15 year's younger, hehe. At sa wakas magfo-fourth year na ako. Dalawa lang kaming magkapatid, ako at ang kuya Enzo ko. Uhm, yong papa ko ay... hmm, wala na sya. Namatay sya sa isang aksidente nitong nakaraang taon lang. Mahal na mahal namin si papa, sobrang bait kaya nun, pero nakakalungkot lang isipin na maaga syang binawi ni LORD sa amin. Sobrang sakit ng nangyari, grabe... sino ba namang anak ang gustong mawala ang mga magulang diba? Oo, pati mama ko wala na rin, pero hindi pa sya patay ha, hmmm.. lumandi eh, kaya ayon sumama sa lalaki nya. Ini-isip na lang namin ng kuya ko na wala na rin sya... na patay na sya, ang sakit lang eh. Iniwan na nga kami ni papa, tapos pati sya iniwanan din kami. Di man lang nya kami inisip ni kuya. Di man lang nya pinahalagahan yong nararamdaman naming mga anak nya. Iniwan nya na lang kami ng basta-basta, para lang sa lalaki nya.


                            Masakit man pero kailangan naming tanggapin ito. Kailangan naming magpakatatag at ipakitang kaya naming lampasan lahat ng hamon sa buhay. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pagsubok eh, kailangan lang natin ng lakas ng loob para mapagtagumpayan ang mga ito.


                            Kahit kaming dalawa na lang ni kuya, nag-aaral pa rin naman kami. Sinusupurtahan kami ng kapatid ni papa, si tito Arthur. Sobrang bait nya, di maipagkakailangmagkapatid talaga sila ng papa ko. Sabi nga nya, kung gusto ba daw naming sa kanila na lang raw kami tumira. Pero ayaw ni kuya eh, ayaw kasing iwan ni kuya ang bahay namin. Yon na lang kasi ang na-iwang ala-ala ni papa sa amin. Kaya mas makakabuting dito na lang daw kami sa bahay. Sabagay, ang dami rin kasing masasayang ala-ala ang bahay na'to


                             Lagi kaming dumadalaw sa bahay nila tito Arthur, may lima kasi syang anak, na syempre sobrang mababait din, pero minsan mga pasaway din yong mga pinsan kong yon. Sina kuya Dave, kuya Dennis, kuya Andrei, si ate Lyka at yong bunso nila na sobrang close ko si Luke. Halos magka-edad lang kasi kami ni Luke sya 'yong pinakagawapo sa kanilang lahat as in. Gwapo rin naman 'yong mga kuya nya, pero mas at pinaka talaga sya, kung 'di ko nga lang sya pinsan, eh baka na-inlove na ako dun eh... at si ate Lyka sobrang ganda nya parang mga artista talaga 'yong mga pinsan namin ni kuya. Mapuputi silang lahat, mayaman kasi eh, edi WOW! Si Luke bestfriend ko sya, at dahil nga sa kagwapuhan nya, ang daming nagkaka-crush sa kanya, mapa-babae man o bakla. Kahit nga lalaki nababakla sa kagwapohan nya eh, at pati ang mga tomboy nagiging babae ulit. Oo, ganun ka lakas ang appeal ng pinsan ko na si Luke Andrew Bermundo. Classmate kasi kami since Grade 6 hanggang 3rdyear. Sana, magkaklase din kami ngayong pasukan na'to! Bestfriend ko sya tapos pinsan pa at sobrang close kami sa isa't-isa. May sekreto nga sya na ako lang ang nakaka-alam, sa'kin nya lang sinabi kasi pinagkakatiwalaan ako nun eh. Kung di nga lang nya sinabi yong sekreto nya baka na-inlove na ako sa kanya... Pero, hello as in hello, pinsan ko kaya yon at kahit alam ko na kung ano talaga sya, tanggap ko sya at mahal ko yong pinsan kong yon.

Bakit Ba Nagmamahal Ang PUSO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon