Chapter 5

39 19 0
                                    

''Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso?''


By; @CasirayanJunrey


Author's Note; Salamat sa mga nagbabasa at sa mga walang sawang sumusuporta. Kayo ang INSPIRASYON ko. By the way, I'm JUNREY BALDESCO CASIRAYAN, from Kalilangan Bukidnon! Follow me on Twitter, @CasirayanJunrey at sa Wattpad, @JunreyCasirayan ... Ahmm, isasali ko rin dito sa story na'to ang Original Composition ko na kanta, although lyrics lang sya, kasi wala pa akong na-isip na magandang tono eh, hihi. Again, THANK YOU!


CHAPTER [5]


→→→→→→→→→→→→


                          Dumating na nga ang linggo, araw ng libing ng Dad ni Carl. Nasa loob kami ng simbahan nun, habang nagmemesa ang pari ramdam na ramdam ang lungkot sa loob ng simbahan. Magkatabi kami ni Carl at halos mamaga na ang mga mata nya sa kaka-iyak. Hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ang umiyak diba? Masakit yong nangyari sa kanya eh. Kaya na-iintindihan at nararamdaman ko ang pighating dinadala nya.


''Erika, salamat ha... dahil nandito ka, kahit papa'no nababawasan ang lungkot ko at nagkakaroon ako ng lakas ng loob.'' mahabang saad nya.


''Ayos lang Carl, ganun naman talaga ang magkaibigan ehh. NAGDADAMAYAN, sa lungkot man o saya magkasamang lumalaban.'' sambit ko.


''Alam mo ang swerte mo Erika, kasi..... ikaw, nasabi mo sa papa mo na mahal na mahal mo sya. Ako kasi, di ko man lang sya nakaka-usap ng ma-ayos eh, di ko man lang na-ipadama sa Dad ko na mahalaga sya sa'kin. Sobra akong nagsisisi ngayon, dati kasi, pasaway ako, lagi kong sinusuway yong mga utos nya. Puro sakit ng ulo lang yong naibibigay ko sa kanya.'' mangiyak-ngiyak na saad nya.


''Wag ka ng umiyak ,Carl.''


''Hindi ko lang mapigilan eh.'' tugon nya. Maya-maya pinahid nya ang mga luha nya at pumunta sa harapan at nagsalita gamit ang mikropono dun.


''I'll just wanted to say thank's to my Dad. For all those beautiful moment's. I will never forget all these! Hmm, thank you Dad for the memories and the thing's we've shared. I will keep all these in my heart. I will treasure and cherish it. I'm sorry Dad for all the misunderstanding's. I know you're happy now... in Heaven, with GOD! You may rest in peace. We will miss you Dad, I Love You.'' na-iiyak na saad nya. Ramdam ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata habang nagsasalita sya, yong sakit na nararamdaman nya, damang-dama ko rin. Pagkatapos nun, akala ko talaga babalik na sya sa pwesto nya, pero may gagawin pa pala sya.


''I'll just want to dedicate this song to my beloved Dad.'' saad nya, habang pahid-pahid ang luha. At yon nga, nagsimula na syang kumanta sa loob ng simbahan.


♫♪ '' 'Mahal Kita Aking Ama' - LYRICS'' ♪♪


By; @CasirayanJunrey

Bakit Ba Nagmamahal Ang PUSO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon